Right Here Waiting For You

74 1 2
                                    

Ji Yong's P.O.V

Natapos ng masaya ang dinner namin sinantabi ko muna yung sakit na nararamdaman ko dahil gusto ko muna maging masaya.....

Pero......

Bakit ganon? Pano nangyari na natago sakin ni Youngbae ng ganong sikreto? Never pa syang nagtago sakin ng sikreto.... Baka alam niya na may gusto ako kay Dara kaya nya sinekreto? pero hindi eh.....
HAYST!! Kwon Ji Yong wag kang magpadala sa damdamin mo alalahanin mo ang pangako niyong mag kakaibigan......

"Oppa okay ka lang ba?"Lumapit sakin si CL kasi kakatapos lang ng dinner namin at aakyat na ko sa kwarto namin

"Ahh oo naman naka-inom lang ng konti"sagot ko naman sa kanya gusto ko pa ngang uminom pa pero magagalit sakin tong CL eh

"Ahh kasi hindi ka kasi nag paalam na aakyat ka ahm.... sabay na ko sayo.... pagod na rin kasi ako eh"tumango na lang ako sa kanya

Pumasok na kami sa elevator at pinindot ko yung floor kung saan yung room namin tapos nagtaka naman ako ang pinindot niya ay yung pinakataas at ayon ang rooftop

"Ikaw ba ang nakainom satin mali kasi yung pinindot mong floor niyo"takang sabi ko sa kanya

"Ahh gusto ko kasi magpahangin, gusto kong maliwanagan"sabi niya parang magandang idea yun ahh

TING!

"Oh oppa ito na yung floor niyo diba?"Tanong niya

"Naisip ko kasi maganda yung idea mo kaya gusto ko rin pumunta don pwede ba?"Tanong ko sa kanya

"Ahh sige oppa, parang mabigat ang dinadala mo ahh"sabi naman niya

"Ahh parang ganun na nga ikaw ganun din ba"tanong ko sa kanya

"Oo parang ganun na rin"sagot naman niya

***********Rooftop*************

Nasa rooftop na kami at may isang bench dun nagtaka naman ako bakit may upuan dito

"Pinalagay ko to unang araw pa lang natin dito dahil gusto ko talagang tumambay sa gantong lugar" ahh kaya pala...  umupo na lang ako sa tabi niya at nilasap ko ang hangin nang huminga ako ng malalim bigla na lang tumupo ang luha ko hindi ko na napigilan sana hindi niya mapansin....

Nakapikit din kasi siya pero nakikita ko rin na may tubig na tumulo sa mata niya umiiyak din siya, pinusan ko ang mukha ko at humarap sa kanya dumilat naman siya at pinunasan agad ang mga luha niya sa mukha niya

"Ahh sorry oppa hindi ko kasi napigilan eh"sagot naman niya

"Ano bang gumugulo sa isip mo at bigla kang na lang napaiyak?"tanong ko sa kanya para kaming tanga dito....
kami kasi ang pinakamalakas sa grupo namin pero kami itong iyak ng iyak dito sa rooftop napaiyak na rin kasi ako eh

"Eh bakit ikaw oppa umiiyak ka rin naman eh"sagot naman niya nagtawanan na lang kami sa mga sarili namin

"Ano problema Chae?"Tanong ko pa rin sa kanya ayoko kasi na may umiiyak na babae eh

"Ahh naiistress lang ako sa album na ginagawa namin"sagot naman niya

"Ahh ano ka ba! Ganyan talaga yan wag kang mag-alala magiging sikat yang album niyo kayo pa, ngayon na bagong genre ang gagawin niyo"pampalakas loob naman ang sinabi ko sa kanya

"Eh ikaw oppa anong gumugulo sa isip mo?"Tanong niya sasabihin ko ba sa kanya

"Ahh alam ko na!"Ano alam na niya? Pano?

"Sa solo album mo yan noh?!"hay.....  Kala ko alam niya na

"Ahh oo sobrang nakakastress lang talaga"palusot ko na lang sa kanya hindi ko na lang sasabihin mas maigi na yun ako lang ang nakaka-alam

Eyes, Nose, LipsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon