CL's P.O.V
"okay! Good shot! Were finish now congrats!" pagtapos ng photographer sa photoshoot namin"unnie ang galing mo ahh" sabi ni Harin sakin
"ikaw din naman eh, uuwi ka na ba? Hatid na kita marami pa kasi akong gagawin babalik rin ako sa YG" tumango naman siya at hinatid ko na siya sa bahay, gusto kong pumasok sa loob at magstay pero hindi pa pwede marami pa kong gagawin.
Habang nagmamaneho ako ang daming tumatakbo sa isip ko, ilang araw na din ng pinatawag kami ni Boss at ilang araw na rin ang photoshoot namin ni Harin hindi na din ako bumabalik sa YG... Ayoko lang muna...
RING!
"Hello?" pagsagot ko sa tawag nakakabit ito sa speaker ng sasakyan kaya safe ito
'Chaerin tapos ka na sa photoshoot niyo?' tanong ng manager ko
"ahh oo tapos na bakit may schedule pa ba ako ngayon?" tanong ko din
'wala naman pero ilang araw ka ng gustong makita ni Boss kaya pumunta ka na dito' sabi na nga ba ito na naman sasabihin niya eh
"manager nakikita niyo naman akong nagtatrabaho kahit wala ako diyan ginagawa ko naman kung ano ang nasa schedule ko hayaan niyo muna ako na magisa okay? bye" pinatay ko na yung tawag ng manager ko at dumiretso sa condo na binili ko, dito muna ako umuuwi dahil gusto ko lang mapag isa naintindihan naman ng girls yun kaya pumayag sila
Pumasok agad ako sa kwarto at humiga nakakapagod yung araw na to grabe!
Flashback
"Hello Ms. Chaerin" bati ng mga staff na nakakasalubong ko bumabati din naman ako
"Babe ang ganda ng kanta niyo ngayon! Good luck sa inyo ahh" wrong timing naman ang paglakad ko dito
Nagbow lang ako sa kanila at ganon din ang ginawa nila pagkatapos non umalis agad ako
End Of Flashback
ARRGGHH! naalala ko na naman yung nangyari kaya ayoko munang pumunta sa YG eh
Nangalikot muna ako sa phone ko
Very common lang naman ang balita samin, yung pagdedebut ko sa US tapos yung mga solo projects namin
Pagcomeback din ng Bigbang laman ng balita at....
Wait lang....Totoo ba tong nababasa ko??
"The Leader of Bigbang, G-DRAGON and The Japanese Model KIKO broke up?!"
totoo ba to? bakit parang ang saya ko naman kasi ngayon lang may balita na naghiwalay sila ang daming beses na naghiwalay sila pero ngayon lang binalita totoo kaya to??
_______________________
Kinabukasan napagdesisyonan ko ng pumunta sa YG I'm in the mood
Habang nagmamaneho binuksan ko muna yung radyo at napangiti ako dahil nag throwback sila at We belong Together yung pinatugtog nila
Napangiti ako dahil its been six years nung nagdebut kami ang bilis ng panahon ang dami ng nangyari at ngayon mag dedebut na ko sa US at sana sa susunod pati ang grupo ko makapagdebut na rin dun
Nakapunta ako sa YG ng ligtas at pumasok agad ako, pumunta agad ako sa rehearsal studio ng 2ne1 baka kasi nandoon sila, namiss ko sila bigla eh
"so your eating without me?" pagbungad ko sa kanila nagulat naman sila at tumakbo sakin sobra ko silang namiss
BINABASA MO ANG
Eyes, Nose, Lips
RandomAng 2ne1 at Bigbang ay isa sa mga successful na K-Pop Groups sa Industry ng Music, pero pano kaya kung sa likod pala ng kasikatan nila ay punong-puno ng saya, lungkot, sakit at kabaliwan (joke) ang nararanasan nila? Please support my story^-^