You're Confusing Me...

66 0 0
                                    

Ji Yong's P.O.V

Tinatanong ni Author kung ano daw nangyayari sakin?
Hindi ko rin alam,  masaya ako kagabi kasi nagtapat at sinagot na ko ni Kiko isa siyang Japanese model at niligawan ko siya ng mga 1 month at sabi niya pupunta siya dito sa Seoul kaya naghanda ako ng surprise sa kanya at sinama ko ang mga close friend ko at syempre sa YG family lang din naman yun

Pero......

Naiinis ako nung kumakain na kami kasi pumunta si CL sa restroom pero ang tagal niya diba?
Tapos sumunod naman tong si Seungri lalo namang tumagal....

Flashback

"Guys puntahan ko lang sila Seungri baka nirape na ni Seungri si CL eh"natawa naman sila sa biro ko pero nag-aalala na talaga ako sa kanila

Papunta na ko kung saan yung restroom ng mapadaan ako sa balcony at nakita ko ang dalawang tao na magkayakap kaya lumapit pa ko at nakichismis na rin hehehe

Umiiyak yung babae tapos nakayakap lang yung lalaki sobrang nakaka-awa yung babae.....

Napakunot naman ang noo ko nung maaninag ko kung sino ba yun at nakita ko nga si Seungri tyaka si CL gusto ko lumapit pero biglang parang may pumipigil sakin na wag akong lumapit kaya hindi ako lumapit at bumalik na lang....

End of Flashback

Bakit ganon?
Ako ang crying shoulder niya diba?
Nag promise kami sa isa't-isa na pag feeling niya iiyak siya pupunta siya sakin at dun siya iiyak ganun din ako.....
Dun lang kasi namin malalabas yung lungkot namin dahil mga leader kami hindi maganda pag umiyak kami sa harap ng mga members namin......

Pinangako namin yan nung nasa rooftop kami sa Jeju Island.....
Nagseselos lang ako na hindi eh....

Nagseselos ako kasi ako dapat yung kayakap niya o yung kasama niya nung umiiyak siya

Hindi naman kasi bakit naman ako magseselos eh hindi ko naman siya GF may GF na nga ako diba?

Hayst! Ang gulo!

Sa sobrang inis ko hindi ko na natago yun sa kanila alam ko na ramdam nila na badtrip ako nun pwera lang kay kiko pag nakatingin kasi siya sakin nakangiti ako sa kanya

[A/N: Mahal mo ba?]

Ano yun Author?
Syempre mahal ko yun kaya ko nga niligawan diba?
Tyaka siya yung nagparamdam sakin na pwede akong mahalin kahit ganito ang sitwasyon ko sa buhay na bawat kilos ko alam ng lahat.

[A/N: Okay, Sabi mo eh]

DING DONG!

Huh? Sino kaya ang pupunta ng tanghaling tapat?

Binuksan ko ang pintuan..

"Good Afternoon!" Ngiti naman ang bumungad sakin

"Oh bakit ka andito hindi pa ko nag hihilamos" panic ko naman

"Ano ka ba? kaya ako pumunta dahil alam kong kakagising mo lang kaya nagdala ako ng lunch mo"aww ang sweet naman ng girlfriend ko

"Aww sweet sige sabay na tayong kumain"

"Sige pero mag ayos ka muna amoy kama ka pa"-Kiko

"Yes Ma'am!"Nakasalute naman ako sa kanya at pumunta na ko sa C.R.

Nang natapos akong mag-ayos sa banyo lumabas na ko at kumain na kami masaya talaga ako kasi nakilala ko siya

"Ahm.... Ji Yong uuwi na ko mamayang gabi" -Kiko

"Huh? Ganun ba? Pwede bang sumama?"-GD

"Ano ka ba? Hindi pwede noh may trabaho ka dito tyaka may time ka naman para pumunta ka sa Japan eh" -Kiko

Eyes, Nose, LipsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon