What Happened??

63 0 0
                                    

CL's P.O.V   

Flashback

Nagmamadali na kong pumunta sa YG dire-diretso akong pumunta sa rehearsal room at nakita ko ang dalawa kong unnie na nakahiga, umupo naman agad sila ng mapansin nila ako umupo rin ako sa sahig at tinignan ko sila

"Unnie asan siya? Puntahan natin siya?" Una kong nasabi sa kanila

"Hayaan muna natin siyang makapag-isip Chaerin baka kasi nabibigla lang siya" sagot ni Bom unnie sa akin

"Mga unnie" lumingon kami sa nagsalita sa pinto at nakita namin siya na nakangiti at may dalang pagkain

Tumakbo kami papunta sa kanya at niyakap namin siya

"Unnie hindi ako makahinga tyaka naiipit yung pagkain sayang" sabi niya kaya inalis nmin ang pagkakayakap sa kanya

"MINJI-YAHH!! ano bang iniisip mo ahh?" Galit na tanong na may kasama pang palo ni Bom kay Minzy

"Ang sakit naman unnie upo muna kaya tayo nagdala pa naman ako ng pagkain para sa inyo" pumasok siya at umupo nilabas niya ang mga pagkain at kami ito nakatulala sa ginagawa niya

"Bakit nakatayo pa kayo diyan halina kayo" sumunod kami sa kanya at umupo rin
"alam ko pagod kayo kaya nagdala na rin ako ng pagkain" ngiti nyang sabi wala na kong nagawa kundi ang umiyak sa harap nila

"Bakit mo kami iiwan Minzy?? May ginawa ba kami? Ako?" Tanong ko

Ngumiti ito at hinawakan niya ang kamay ko

"Unnie wala kang kasalanan, wala kayong ginawa sakin para umalis ako" sagot niya

"Eh bakit mo kami iiwan?" Tanong ko uli

"Hindi ko naman kayo iiwan eh aalis lang ako kasi gusto kong maranasan ang pagiging Artist mag-isa na hindi ako dedepende sa grupo kaya ako sumikat at totoo naman yun, wag kayong malungkot andito pa rin naman ako susuporta sa inyo kahit anong mangyari"

nakangiti pa rin siya at nakikita kong nagpapakatatag lang siya

Ilang buwan ang lumipas naging mas busy kami, si Dara unnie nasa Pilipinas nagjudge sa isang contest doon si Bom unnie nagpapahinga at si Minzy naman busy na sa pagiging solo artist niya

At ito ako ngayon nagmumukmok sa apartment ko dito sa U.S. ilang araw na kong ganito nasa loob lang at walang balak umalis

45 messages....
65 missed calls.....

Ayan ang lagi kong nakikita sa phone ko at wala akong balak na sagutin o basahin man ang mga iyon gusto lang mapag-isa

'Hello CL si Teddy oppa to alam ko naririnig mo tong voicemail andito ako ngayon sa U.S. kasama ko si Scooter kailangan ka na dito, si Ji Yong nag-aalala na sayo hindi lang siya makapunta dahil busy sila sa comeback kaya pinapunta niya ako dito...... Please CL hindi ka dapat maging ganito' pagsasalita ni Teddy oppa sa telepono ng apartment ko lalo akong niyak ng marinig ko si Ji Yong gusto ko siya, kailangan ko siya ngayon......

Bakit ba nangyari to sa amin?? Lahat naman ginawa namin....
Gumawa kami ng paraan para lang masagip tong grupo na sinimulan namin pero anong nangyari lumubog pa rin at tuluyang nawala, hindi ko alam ang gagawin ko.......

November 25, 2016 Friday
2ne1 disbandment

Kaya ko ba to?

RING!

Tinignan ko ang tumatawag si Dara unnie

"Hello?" Sinagot ko agad dahil sila talaga ang hinihintay kong tumawag silang tatlo

'Bakit hindi ka daw nagtatrabaho dyan?' Tanong niya

"Unnie......" Tawag ko sa kanya na parang batang inaway ng kalaro

'Lumabas ka na dyan ang lamig dito sa labas' napabalikwas ako ng tayo at tumakbo sa pinto at binuksan yun nakita ko siya na tipid ang ngiti yinakap ko siya ng napakahigpit mas masakit kasi to sa naranasan ko kay Ji Yong yung lahat ng sakit na naramdaman ko sa kanya triple yun ng sakit na nararamdaman ko ngayon

"Kayo lang?" Nagulat ako ng lumabas ng Van ang dalawa kaya lalo akong naiyak

Hindi na ako leader kaya pwede na kong umiyak sa harap nila at dahil wala na kong ili-lead na grupo simula ngayon

Ito ang pinakamasakit at masayang naramdaman ko ngayon magkakasama kami sa kabila ng mga nangyayari

"Mga unnie alam ko wala na kong karapatan dahil kusa akong umalis sa grupo at siguro dahil do--"

"Hindi dahil sa pag-alis mo kaya nadisband ang grupo hindi lang talaga namin kinaya yung pressure" sagot ko sa kanya

Nagstay sila dito sa apartment ko ng isang linggo para kaming nasa dorm lang namin dati nung bago pa lang kami magkakasama sa isang bubong at nagkukwentuhan ng kung ano-ano pag gabi na, papa-tugtugin yung mga kanta namin at sasabayan pa pag na-enganyo

Binalik namin lahat ng mga gawain namin dati para mabawasan ang lungkot namin

End of Flashback

"Okay naman naka-move on na naman kami sa nangyari masakit pero kailangang tanggain kaya saludo ako sa inyo dahil kahit 10 years na ang nakakalipas nung nagpahinga kayo andyan pa rin kayo at matatag" sagot ko sa kanya

"Alam mo dapat pala binili ko na iyong Company tapos walang disbandment na magaganap sa lahat ng grupo" natawa naman ako sa sinabi niya

"Wala ka namang pangbili ng YG eh"asar ko sa kanya

"Jagi ito na phone mo ang kulit ng anak ni Bom noona haha" ibinalik ni Ji Yong ang phone ko at nilapitan si Yong Rin at binuhat

"Papatulugin ko na si Yong Rin" paalam niya

"Teka hyung! Bakit ikaw gumagawa niyan ikaw na nagluto ikaw pa magpapatulog? ina-under mo ba si hyung?" Tanong nito sakin nabatukan ko na lang siya at natawa na lang si Ji Yong

"Galing trabaho ang asawa ko at ako andito lang sa bahay kaya ako na ang gumawa dito kaya ikaw mawalang galang na sayo umuwi ka na at may meeting tayo bukas" sagot ni Ji Yong

Ganyan talaga siya kahit dati biglang magpapatawag ng meeting.....

Nagpaalam na si Seungri at nag-ayos na kami para magpahinga na, nakatulog na rin si Yong Rin

"Excited ka na para sa Bigbang?" Tanong ko kay Ji Yong nakahiga na kami sa kama at handa ng matulog

"Mix emotion... Masaya na nahihiya para kasing magdedebut uli kami iniisip ko pa lang yung mangyayari" sagot niya walang mapaglagyan yung saya niya ngayon at masaya ako dun

"Nakakamiss maging isang leader" sagot niya uli habang niyakap ako patalikod

Nabigla ako ng may tumulong luha sa mga mata ko nang marinig ko yung leader bumalik lahat ng alaala sa isip ko yung mga masaya, malungkot, pagsubok, at tagumpay lahat yun naalala ko at naramdaman ko uli

"Pano kaya kung hindi kami nadisband ganyan din siguro yung mararamdaman ko... Namimiss ko na yung pagiging leader yung pagigng ina sa grupo kahit hindi ako yung pinakamatanda pero ginagalang at nirerespeto pa rin ako" humigpit lalo ang pagkakayakap niya sa akin

"Sabi na nga ba hindi ka pa nakakamove on sa nangyari, pero kung nandyan ako sa sitwaston mo ganyan din ang mararamdaman ko sibra!" humarap ako sa kanya at niyakap uli siya ganito kami lagi pag naiisip ko yung mga yun

"Sana pwede pang ibalik ang grupo na sinimulan ko hindi lang pala ako pati na rin ang mga kapatid ko"

To be Continue..............

Eyes, Nose, LipsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon