Ch 2: We'll Meet Again

41 6 0
                                    


Nagising ako dahil sa tunog ng alarm ng cellphone ko. Puyat pa rin ako. Madaling araw na kasi ako nakatulog dahil sa disco. Anong oras na? Alas dose na kaya!

Pumasok ako sa banyo at nagulat sa nakita ko.

What the—

Shet. Grabe! Kumalat ang eyeliner ko. Hindi ko pala to natanggal kagabi. Ang buhok ko naman parang isang linggong hindi sinuklay. Ang mata ko? Huh!

Makaligo nga...

After an hour and half, I'm done. Nagbihis na ako at bumaba. Wala na namang tao. Iniwan na naman ako.

Gutom na ho ako. Binuksan ko ang kaldero at natuwa ako ng sobra dahil sa laman. Kumuha ako ng lechong paksiw at kanin. Kakain na ako!

"Thank you for the blessings"

Nakailang rounds pa ako hanggang sa ma feel kong puno na ang tiyan ko.

Pumunta ako sa sala at nonood ng Spongebob. Timing naman na merong pagkain. E sabi nila, grab the opportunity kaya hala kain.

Ang boring naman. Sure ako, pagkatapos bumili ng pang Noche Buena, nag food trip ang mga pinsan ko.

Note lang lang ha, hindi kami rich. Average lang.

Pumunta ako sa may salamin. Ang taba ko na. Huhuhuhu

Hindi naman ako perpekto tulad ng iba. Hindi ako yong 'almost perfect' kind of girl. Petite ako, may baby fats, hindi perfect tone ang braso ko tas malaki cheeks ko. Pero matangos ilong ko no.

*oh~ neowa na cheom manasseultae oh~*

In-accept ko ang call.

"Oh hello!"

["Grabe mo, may visit te?"] si Rona ang tumawag.

"Ano kelangan mo? Wala akong pera" sabi ko. Minsan tumatawag to kapag may kelangan.

["Gagala kami ngayon. Sama ka"]

"Kayo na lang" pumunta ako sa kwarto sa taas.

["Hwag kang KJ Ken. Sama ka na para masaya"]

Tch ang kulet talaga nito. Humiga ako sa kama.

"Ang kulet mo rin ano. Anong mapapala ko diyan sa gala-gala na yan?"

["Manonood tayo ng volleyball. Maglalaro sina Kuya Paolo at ang barkada niya"]

"Oh tapos?"

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. Pag ganito, excited siya.

["Kalaban nila ang Hepta Baron. Yahhh!"] Sumigaw na siya. Di bale, sanay na ako.

"Hepta Baron?"

["Duh! Sina Erdie ba!"] Narinig ko ang pag chuckle niya.

Wait. Sina Erdie? Di ba kasali rin yong misteryosong lalaking ubod ng gwapo kahapon? Oh my...

"Sige na nga, kulet mo. Pero enexpect kong magiging boring yan" siyempre acting ko lang.

Bakit parang na excite ako? Kinilig ako bigla. Ano ba yan. Bumangon na agad ako. This is it. We will meet again.

-----------------------------------------------------------

Ito lang muna ngayon. Sorry lame po.
Please Vote, Comment, and Share.

Thank you.

Mi Primera Y UltimaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon