Ch 23: Awkward

4 3 0
                                    


"Bakit ang tagal mo Ken?" -Joshi

"Nanalo yong palalabs ni Yammie" -Macky

"Tsss" -Yammie

Bumalik na ako sa cottage. Nandoon na rin ang lahat at naghanda na kasi aalis na kami.

"You know call of nature" sagot ko at nagpeke ng smile.

"Sabi ko na nga ba eh" sabi ni Inah. "Dami kasi ng kinain mo"

Nakabihis na pala si auntie at sina tiyo't tiya. Kami na lang palang mga kabataan ang di pa nakabihis. Kinuha namin ang mga plastic bag namin at pumunta sa CR upang maligo't magbihis.

Matapos magbihis ay bumalik na kami sa cottage. Bakas pa rin ang saya sa mga mukha nila. Si Yanyan, di ko pa rin siya tinatapunan ng tingin. Masakit pa rin sa damdamin ko.

"Picture muna tayo lahat" sabi ni tiyo.

Mabuti naman at may nagmagandang-loob na magpicture sa amin. Ang beach at ang papalubog na araw ang background namin.

"Ang maliliit, sa harap ang pwesto" sabi ni ate Denden.

Napatawa na lang din ako at pumwesto sa harap. Katabi ko sina Macky, Joshi, Gerald, Adrian, at hawak-hawak ko ang kamay ni Baby Elisa.

Sa unang litrato ay nakasmile kami. Sa ikalawa naman ay naka wacky pose.

Wala talaga ako sa mood ngayon. Kahit nagtatawanan sila ay minsan lang ako smasali, minsan nga fake pa.

"Hayyy mahaba-habang byahe na naman" sabi ni Tiya Dencia.

Pag-upo ko sa aking pwesto ay sinaksak ko ang agad ang earphones ko at nagpamusic.

Napapikit ako dahil sa hanging bumangga sa mukha ko. Hindi pa naman masyadong madilim. May ilaw dito sa mini-bus nila Erdie.

Naalala ko tuloy ang nangyari kanina. Ang manhid manhid manhid talaga! Di ba nya alam na may feelings siyang sinasaktan?

"Ken... Ken..."

Napamulat ako dahil may yumugyog sa balikat ko. Tiningnan ko ang paligid pero wala na sila. Hindi pa rin ito ang bayan namin.

"Nasa barbecuehan na sila. Kain muna raw tayo ng hapunan" sabi ni Inah. Nilagay ko ang bag sa ilalim tulad ng ginawa nila baka kasi nakawan kami pag nagkataon.

Unang lumabas si Inah at sumunod ako. Maraming tao ang bayan na to kasi may maraming kainan. Nakita ko sa may di kalayuan sina auntie at naghihintay sila ng pagkain.

"Dito ka na Ken. May bakante pa" sabi ni Erdie at tinuro ang upuang katabi niya na katabi rin ni Yanyan. Kung minamalas ka nga naman oh.

"Sige"

Umupo akong di siya tinitignan. Nasa kabilang mesa naman sila auntie.

"Uy alam nyo ba si Yammie may lovelife na" pagsisimula ni Macky ng tapik.

"Weh? Yan? Eh lalaki pa yang kumilos sa akin eh" di makapaniwala si Erdie.

"Oo nga at ang gwapo!" -Inah.

"Hindi lang gwapo, hot pa at sporty!" -Joshi.

"Tigilan nyo na nga ako. Baka kayo ang may gusto dun. Palagi nyo siyang bukambibig eh" -Yammie.

"Sus! Magkakagusto na nga kayo, sa tao pang kailan ay di magiging sa inyo" sabi ni Isaac.

Napaubo naman bigla si Joshi. ALam kong ako, si Macky, at si Inah ang pinatatamaan ng ubo-ubo effect niya eh.

Mi Primera Y UltimaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon