Ch 1: Like at First Sight

60 6 0
                                    


Ken's P.O.V

Andaming tao. Halos narito lahat ng kabarangay namin. Eh bakit hindi? Siyempre 'pag Christmas Party, may pagkain! Yearly ginagawa to dito sa amin. Sa Barangay Mapagmahal, tradition na ang pagkakaroon namin ng mga events gaya nito. Oh diba? We are always one! Charrr

"Uy galingan natin ha. E-refresh natin ang mga steps ng sayaw. Pag tayo nagkamali, yataps tayo. Nakakahiya pa naman" sabi ni Rona, kaibigan kong sexy at mabait? Baka hahaha XD

"Naman! Tayo pa. Suki na kaya tayo tuwing ganito" sagot ko.

Kasalukuyan kaming naghahanda sa sarili namin. Kasi naman eh! Kami ang unang sasayaw. Purok 1 kasi. Maya-maya dadamoves na kami. Pasikat kuno. Joke lang, sikat na kaya kami bleeeh

"Pahiram ng foundation" si Macky. Maganda, petite, matalino, mabait, kaso... pangalawa lang siya sakin. Hehe

"Uy Macky may kamukha ka" sabi ko sa kanya na naglalagay ng foundation.

Nagningning naman ang mga mata niya sa sinabi ko. Loka-loka talaga ang diyosang to.

"Sino? Si Liza Soberano?" wow ha.

"Hindi. Si Sadako!" tawa kaming lahat. Pano kasi, ang haba ng makapal niyang buhok at ang puti ng mukha. Kulang na lang, puting dress.

"Ang mean nyo naman" pa-cute niya. Tsss

Tawa pa rin kami ng tawa hanggang mainis siya. Asar siya oh.

"At ngayon, salubungin natin sa masigabong palakpakan ang mga taga Purok 1!" masiglang sabi ng MC.

Uy kami na pala. Keribels ko lang to. Ako pa. Hihihi. Gora lang Ken! I-rampa ang kagandahan. Charot!

Pumunta na kami sa stage. I'm nervous. Napa-english pa ako oh.

"We can do this guys" pag encourage ni Ate Mei, leader namin.

Nang nag start na, todo hiyawan at palakpakan ang sumalubong sa amin. Nakakagana kapag ganito ka supportive ang mga tao. Smile lang dapat.

"We love you Macky!" sigaw ng mga batang paslit. Grabe talaga epekto ng babaeng to. Nag wink pa siya sa mga bata sabay flying kiss. Ew errr.

Sa chorus ay lalong lumakas ang hiyawan nang umeksena na si Yammie.

Sa part na si Rona, todo hiyawan ang mga lalaki. Pano naman kasi, ang sexy ng lola nyo. Siya ang pinaka sexy sa amin.

"Akin ka na lang Rona!" ay fanboy talaga.

Tumingin ako dun sa lalaki na sumigaw. Puro lalaki ang kasama nito. Asus sila Erdie lang pala. Siguro sasayaw din sila mamaya.

Na-lock ang paningin ko sa isang lalaki sa may pinakalikod. Sino siya? Hindi pamilyar sakin ang mukha niya. Bagong lipat? Eh anim lang naman sila Erdie dati eh.

Di ko namalayang nakatingin din pala siya sakin. Oh my... ang gwapo niya. Nakatitig pa rin siya sa akin.

Dahil sa ilang, ako ang unang umiwas. Who the hell is he? Ang gwapo niyang nilalang!

-----------------------------------------------------------

Hanggang dito lang muna. Please Vote, Comment, and Share.

Thank you。^‿^。

Mi Primera Y UltimaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon