Ch 18: Pag-amin

8 3 0
                                    


"Okay 1, 2, 3 turn around girls!" sigaw ng trainor naming bakla.

Nagpapractice kami ngayon para sa ball. Sa Friday na kasi ang ball namin. Tapos na kila Inah at partner nya yong crush niyang may mahal ng iba. Pareho pala kami ni insan na sawi sa pag-ibig. Yong partner ko ay ang kaklase kong si PJ, naalala nyo siya? Yong malaki ang mata hahaha joke.
Mabuti at dancer tong isang to at madali lang para sa amin.

"Ay ano ba yan! From the top! Hoy ikaw girl, hwag ka ngang tatanga-tanga diyan!" sigaw ng bakla kay Vihati. Nakita ko si Vihati na umirap at ginaya-gaya ang bakla. By height kasi ang pairing syempre basta maliliit, palaging nauuna.

"Ay ano ba yan! Tsss!" reklamo ni Chinese girl hahaha.

"Hoy reklamo ka ng reklamo hindi ka naman din marunong sumayaw!" sigaw ko. Sumasatsat pa eh.

"Eh anong gamit ng bibig ko?" sagot niya. Aba lumalaban pa.

"Gamit ng bibig mo? Pang french kiss sa boyfriend mong taekwondo player na mukhang tilapia!"

Nagtawanan naman ang mga kaklase ko. Kininditan ko si Vihati at nag like signal naman siya. Nagpractice kami hanggang sa magbreak daw muna.
Lumapit naman si Vihati sa akin. Hindi na kami pumunta sa canteen dahil bumili na kami ng makakain bago magpractice. Ayoko pa naman makipagsiksikan sa canteen dahil ang babaho ng kili-kili ng iba kong mga kaklase.

"Oh kumusta naman ang 'Oplan Tukhang sa Puso ni Yanyan' mo?" tanong niya.

Umirap ako. Oo nga pala, may pinlano ako. Tutukhangin ko yung puso ni Yanyan. Kung di siya madadala sa pabebehan, dadaanin ko siya sa kakulitan. "Ganun pa rin. Nasa level 1 pa"

"Naku! Mahirap talaga yan! One-sided love lang" sabi niya.

"Imbes na supportahan mo ako at i-cheer nagawa mo pa akong inisin"

Pagkatapos kumain ay nagpractice na ulit kami. May part na makakapartner ko si Luis. Ang hirap nga kasi ang tangkad niya. Sa part na iikot kami sa kanila ay di ko maabot ang kamay niya siya na mismo ang nag-aadjust.
Ang sweet niya hehehe. Crush ko nga siya pero slight lang.
Pagkatapos ng practice ay nagbihis muna ako tapos ay pumunta sa faculty room. Pinatawag daw ako.

"Xiana maupo ka muna" sabi ni Ma'am. May kinuha siya sa drawer niya. "Ito" inabot niya sa akin ang isang white folder.

"Ikaw ang representative ng school para sa Dance Contest sa first week ng March" sabi ni Ma'am.

Binasa ko yong nasa folder. Tama nga siya, Interschool ito pero hindi naman necessary na sumali lahat ng school. Sa siyudad gaganapin ang event. Nabasa ko na two students every high school.

"Eh Ma'am, di ba po dalawa?" tanong ko.

"Yes, oh nandito na pala ang partner mo. Pasok Mr. Dostander"

Napatingin naman ako sa pintuan. Pumasok si Luis. Wait... Marunong pala siyang sumayaw. Umupo naman siya sa harap ko. Binigay ni Ma'am sa kanya ang folder at binasa yon.

"So kayong dalawa ha ang partners. May waiver naman diyan. Papirmahin nyo yong mga magulang o guardian nyo"

"Eh Ma'am, pano yong mga quizzes na ma-miss namin?" tanong ko.

"Dont worry Miss Torcende. Kung sinong highest sa klase nyo, yan din ang score nyo"

"Okay, any other benefit?" tanong naman ni Luis.

"Good question Mr. Dostander. You will no longer take the Final Examination IF you'll be the champion" nakangiting sagot ni Ma'am. Champion? Nababaliw na ba sila?

"Pero Ma'am—"

"Okay, I get it" sabi ni Luis.

Pagkatapos naming makipag-usap ni Ma'am, lumabas na kami ni Luis at nagplano. Sabi niya na sa kanila na lang daw kami magpapractice kasi may Mixer at Practice Room sila. Magtutulungan na lang daw kami sa pag remix at pag-choreograph.

Kasalukuyan kaming naghahapunan ngayon dito kina Erdie kasi wedding anniversary ng Kuya Erwin nya at asawa neto. Nandito rin si auntie kasi magbestfriend sila ni Kuya Erwin simula pagkabata hanggang high school. Pero noong college, di sila pareho ng school. Binabae kasi si Kuya Erwin noon at si auntie ang palaging trip nyang ayusan ng buhok at makeupan. Pero ngayon, ang hot na ni koya. Kami ay nasa terrace kumain at sila auntie ay nasa kusina. Nandito rin si Yanyan, at magkaharap kami ngayon sa mesa. Di ko nga siya magawang tignan kasi baka mahuli niya ako. Mahirap na baka malaman may pagnanasa— I mean may gusto ako sa kanya.

"Ay may chika ako hahaha" sabi ko. Ako lang kasi ang naiiba ng school.

"And what is it? Spill the beans" -Isaac.

"Wow nandito na naman yong bookworm. Mapapasabak na naman tayo sa pag-Eenglish" -Eros.

"Nosbled nosbled ne nemen" - Inah.

"Ako kasi ang representative ng school namin sa Provincial Interschool Dancing Competition" sagot ko.

"Wow!/ Weh?/Di nga bes?/Talaga Ken?" sabay-sabay nilang react.

"Hala sha galing. Am so proud of you bes" -Eros.

"Tse. Oo nga. Ewan ko ba sa kanila. Bakit ako pa"

"Wait! Di ba Yanyan, ikaw rin yong representative ng school?" tanong ni Erdie. Napatingin naman kami kay Yanyan.

"Ah oo eh" sabi niya at tumingin sa akin kaya umiwas ako. Oh My God! So magkalaban pala kami. At makakasama ko pa siya.

"Hala nakakaproud talaga. AKalain nyo yon? Dalawang taga rito? Whoah! Kayo na!" -Eros.

Kinilig naman ako sa reaksyon bi Eros kahit ang OA niya. Kami na raw? Imposible.

"Eh sinong partner mo?" tanong ni Erdie.

"Si Luis, yong pumunta rito"

"What?!!!" sabay-sabay nilang tanong. Tumango ako.

"Talaga? Marunong yong sumayaw? Akala ko parehong kaliwa yong paa nun. Mas magaling pa ako nun eh" pagyayabang ni Eros.

"Hoy insecure talaga to kahit kailan" komento naman ni Inah.

"Ganyan talaga yan pag nakakita ng mas pogi sa kanya" -Gerald.

"Hoy ang layo nun sakin!" banat naman niya. Napailing na lang ako. Kahit kailan talaga tong si Eros. Tiningnan ko si Yanyan na nakikinig lang. Nagulat naman ako nang tumingin siya sa akin kaya ngumiti ako at umiwas ng tingin.

Pagkatapos kumain aa doon lang kami nanatili. Nagkwentuhan lang kami doon. Kinuha ni Erdie anv isang lumang gitara. Sa lolo raw niya ito. Ito rin ang ginamit ng lolo niya noong hinarana neto ang lola niya.

"Baka multuhin tayo ng lolo mo ha" -Adrian.

"Di yan, ang bait kaya ni lolo"

Hiniram naman ito ni Eros. Nagsimula na siyang mag strum. Kahit ganyan yan ay marami pa rin siyang talento.

"Kamukha mo si Paramulan...
Noong tayo bata pa..."

Nagsimula ring kumanta si Isaac. Kung si Eros mahilig sa instrumento, si Erdie ay maganda rin ang boses. Nakisabay na rin yong ibang lalaki. Pati si Yanyan ay sumasabay din sa kanta. Napangiti naman ako. Makita ko lang siyang masaya, okay na. Napaisip ako, habang nakatitig sa kanya. Di ko alam pero bigla na lang akong tumayo at tumabi sa kanya. Nasa sahig na kasi kami pero may foam naman. Hindi naman gaanong maginaw kasi may fire place.

Dumaan ang maraming kanta at ganoon lang pwesto namin. Naalala ko tuloy noon. Nagtatampisaw pa kami sa ulan. Silang mga lalaki naka brief lang, kami nila Inah ay panty lang din. Joshi naka brief din, kulay pale pink hahaha.

"Yanyan" mahina kong tawag sa kanya. Tumingin naman siya sa akin.

"Kasi..."






































"Yanyan gusto kita. Hwag ka sanang magalit" sabi ko sabay yuko at hinawakan yong kamay niya. Nanatili lang kami sa ganoong posisyon.

Mi Primera Y UltimaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon