Ch 10: Sunday's Best

8 2 0
                                    


Maaga akong naggising. Siyempre, akalain nyo yon, pinayagan ako ni auntie! Kinusot ko ang mga mata ko at nakita ko si Inah na tulog na tulog at naka buka pa ang bibig. Pinatay ko agad ang electric fan. Yes, walang aircon-aircon. Yong kwarto lang ni auntie yong air-conditioned. Pinapili kasi kami. Aircon ba o wifi? Syempre wifi na lang. Bihira lang ang may wifi connection dito sa amin. Meron sina Macky at may internet cafe sila Rona.

Bumaba ako at pumunta sa CR para mag sepilyo at maghilamos. Nagsaing na rin ako ng kanin. Mabuti na nga lang at bumili si auntie ng bagong rice cooker. Natrauma na ako nong ginamit ko yong stove. Kung normal day lang gaya ngayon, kahoy yong gamit namin sa pagluluto ng ulam.

Masaya akong nagdidilig ng mga halaman at obvious na obvious ang pagiging excited ko para mamaya.

🎶Basta't tayo'y magkasama
Laging mayroong umagang kayganda
Pagsikat ng araw
May dalang liwanag
Sa ating pangarap, ooh
Harapin natin🎶

Kumakanta ako habang nagdidilig.

Pumasok na ako sa loob at naroon na sila. Nakahiga ang dalawang lalaki at nanonood ng aming paboritong cartoons. Kahit malaki na kami ay nanonood pa rin kami ng ganito. Si ate Ria at Inah ay nagluluto ng ulam.

Pumunta ako sa kwarto. Umilaw yong cellphone ko.

From: Macky

Good morning! Kung sasama ka, punta ka rito sa amin mamayang alas dies. Isama mo yong mga pinsan mo ha.

Dahil wala akong load, hindi na ako nagreply. Bumaba ako nang maamoy ko ang bango ng niluto ng mga pinsan ko.

Pumwesto kaming anim sa mesa.

"Kumusta naman yong pasko nyo? Ansaya nyo siguro nung wala ako? May Freedom kayo" pambabasag ni auntie sa katahimikan.

"Huh?! Naku auntie bakit nyo yan nasabi? Hmp, na miss nga kita auntie eh. Sobrang lungkot ng pasko dahil walang gumawa ng desert" sagot ni Gerald. Hay naku, palibhasa favorite silang dalawa ni Adrian.

Umismid naman si auntie at pinisil ang pisngi ni Gerald. "Kahit kailan talaga napakabolero mo. Mana ka talaga kay kuya"

"Eh totoo naman auntie ah. Mabuti na nga lang at binigyan kami ng mga kakanin nina Tiya" si Adrian namin. Tahimik lang kaming mga babae.

Tumikhim naman si Ate Ria. "Ah a-auntie... Noong Christmas eve po kasi may tumawag sa telepono. Tinatanong kung nasaan ka raw"

Tumaas naman ang kilay ni auntie. "At sino naman yon?"

"Matthew raw po. Matthew Cameron Dostander" -ate Ria.

Napanganga naman si auntie. Nag-iba yong facial expression niya at parang namumula siya. Anong nangyari kay auntie?

"Auntie okay ka lang? Parang namumula ka po" sabi ko.

Napahawak sa pisngi si auntie. Tumayo siya ng dahan-dahan. At pumunta sa ref. Ang weird nya ngayon. Nagtinginan na lang kaming magpipinsan. Bumalik naman si auntie sa upuan nya at bumalik sa dati ang expression nya.

"Pagkatapos kumain. Kunin nyo sa taas ang regalo ko sa inyo" sabi ni auntie ng maawtoridad.

"Talaga auntie?! Thank you auntie!" sigaw ng dalawa. Nag thank you rin kaming mga babae.

Niyakap namin si auntie. Kahit strikta siya, para naman to sa kabutihan namin. Mahal na mahal kami ni auntie at mahal din namin siya. Siya na ang tumayong mga magulang namin. Palagi siyang nandiyan para supurtahan kami. Pag ipinatawag siya dahil sa kaepalan ni Gerald at Adrian, hinaharap nya yong prinsipal.

Pagkatapos naming maghugas ay pumunta kami sa taas. Nakita namin yong mga paper bags sa kama nya. May mga pangalan doon. Nakatanggap si Adrian ng TechnoMarine watch. Sinuot niya agad ito at pumumorma na parang modelo ng relo. Si Gerald naman, tuwang-tuwa sa natanggap niya. Nike Airmax lang naman! Naku ang mahal kaya nun. Siguro cheap lang yon para sa mga mayayaman. Si Inah ay nakatanggap ng stilletos ng CLN. Ke ate Ria naman ay Shoulder bag na Prada. At sa akin, naku naman! Parang maluluha ako neto. For the first time, nakatanggap ako isang set ng tennis attire! Kasi nga, tennis player ako at pag may practice o game, tshirt lang at shorts ang suot ko, yong iba, ang ayos talaga!

Nagpasalamat kami kay auntie. Nagiguilty din kami kasi kahit mumurahing regalo man lang wala kaming maibigay sa kanya.

"Auntie thank you talaga ha at sorry na rin kasi wala kami gift sayo" malungkot na sabi ni Gerald.

"Ano ba kayo okay lang. Alam nyo kung ano ang pinakamagandang regalo? Yong mag-aral kayo ng mabuti dahil kung hindi, alam nyo na ang pwede kong magawa. Ayos ba?"

Tumango kami at ngumiti.

"Naku maligo na kayo dahil magsisimba na tayo. Baka di tayo makaupo sa pwesto natin" sabi ni auntie.

Nandito kami ngayon sa pinakaharap ng simbahan. Dito talaga ang pwesto namin para kita namin si father. Napakaganda kasi talaga ng mga homily ni father. Nakakaantig damdamin. Yong tagos talaga hanggang buto.

Ako talaga, honestly, hindi ako yong good girl type. Bully kasi ako sa school minsan tsaka di ko namamalayan minsan na may nanapakan na akong tao o may nasasaktan na akong damdamin. Hindi rin ako kasali sa mga barkada barada sa school dahil naplaplastikan ako sa kanila. Si Vihati lang yong tanging kasama ko at minsan may mga lalaking siyang lumalapit sa akin dahil maganda raw akong kausap.

"Let us give each other a sign of peace" sabi ni father.

Nagpeace naman kaming magpipinsan at nagmano kay auntie. Nagpeace rin ako sa mga nasa kabilang side at nung pagtalikod ko, nakatingin na pala sa akin si Yanyan. Nagulat talaga ako. Ngumiti siya ng kaunti at nagpeace. Nagpeace rin ako pero nakatulala lang sa kanya.

Umuwi na kami pero di pa rin ako nakapaniwala. Ngumiti siya sa akin. Kahit konti lang yon pero ngumiti siya sa akin! Waaahhh!!!

Bakit parang may nagkakarera sa dibdib ko? Tapos magkikita pa kami mamaya.

Mi Primera Y UltimaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon