Ch 31: His

11 2 0
                                    


Yanyan's P.O.V



I was seventeen that time noong lumipat kami sa Barangay Mapagmahal. May kilala na ako doon, sina Erdie dahil nakalaban namin sila noong elementary pa ako sa hiphop competition. Doon din nakatira si mama noon.



Anak lang ako ni mama sa boyfriend niya rati pero hiniwalayan niya ito dahil sangkot ito sa droga at ayaw ni mama sa buhay ng papa ko. May asawa na si mama ngayon at may isa akong kapatid na babae.




Christmas party non sa barangay at doon ko siya unang nakilala. Pagpasok palang nila sa entablado, siya na ang kumuha sa atensyon ko dahil sa ngiti niya. Her smile was like a potion. Nang ngumiti siya, I was stunned and felt the butterflies giggling on my stomach. Mas na amazed ako sa kanya nang sumayaw na sila. Narinig ko sila Erdie na nag-uusap tungkol sa kanila. There I knew, magkababata pala sila and I found out, her name is Ken.




Ken is very charming. She may be small but she's terrible, and that made me like her. At first, you'll say or think that she's very prima donna, but not, ang angas niya at nakakatawa minsan. Also, hindi talaga mawawala ang pagkamaldita niya minsan. Cliche right? I've liked her at first sight. So gay.




Big time! We met again. Nagkayayaan kami nila Erdie na mag volleyball at doon nagkita kami ulit. We even had our first groufie. Natatandaan ko pa nun, nagseselos ako sa kanilang dalawa ni Erdie dahil sa closeness nila. Akala ko nga may gusto si Erdie kay Ken pero nalaman kong wala naman, parang kapatid niya na ito.




Dahil napakabait ni Lord sa akin, nagkita na naman kami. At that time, kinausap ko siya for the first time. Sobrang kinabahan ako nun dahil nahihiya talaga ako sa kanya. Di ko nga siya magawang tignan.




Ewan ko ba, parang natamaan na ako noon sa kanya. I even made a dummy account para ma add friend ko siya dahil sobrang nahihiya ako sa kanya. Wala akong lakas na loob upang i add siya dahil hindi namin kilala ang isa't-isa. She posted something and I commented using may dummy account. I forgot kung ano yun.




She's very cute. Ang ganda niyang pagmasdan noong nagsasampay siya ng mga damit nila. Nagkatitigan kami for three seconds nun at kilig na kilig naman ako kaya di ko na napigilang i add siya sa facebook gamit ang totoo kong fb.




Paglipas ng ilang Linggo ay palagi ko na siyang nakikita. Gumagawa talaga ako ng paraan makita lang siya. Pati mga pinsan niya ay kinakaibigan ko talaga ng lubusan para may malaman lang ako tungkol sa kanya. How lame right? Excuse ko sa mama ko na magbabasketball lang ako sa centro pero the truth is gusto ko lang siya makita. Minsan nakikita ko siya pero may pagkakataon ding hindi kaya umuuwi akong malungkot.




Birthday ni Lujan noon at sobrang saya ko dahil nakita ko lang naman siya nakatingin sa akin. Hindi ko na lang yon binigyan malisya dahil baka nagkataon lang na nakatingin siya sa akin dahil ganyan din naman ako minsan, nakatitig sa isang bagay pag may iniisip. Kahit na magkalapit lang kami ay natatakot pa rin akong kausapin siya. Nahihiya ako sa kanya.
The best part of that day was when I saved her and when she's concerned for me. I felt like I am Joker who saved my Harley from danger.




Marami ng pagkakataon ang sinayang ko sa t'wing nandiyan lang siya malapit sa akin. Di ko siya kayang kausapin at hanggang tingin lang ako. Kinakausap na nga niya ako pero ewan ko ba, parang nagiging cold tuloy ako. Hindi naman ako arogante, sadyang di ko lag pinapahalata na attracted ako sa kanya dahil baka mailang siya sa akin. Naalala ko pa noon, tinanong niya ako about favorite player in PBA. Sobrang sisi ako nun dahil di ko siya kinakausap at nandiyan lang siya sa tabi ko. Dahil nga rin kasi sa presence niya. Imagine, the girl of your dream just sat beside you, who would act not normal if you're aware that she may find out that you're hitthing on her?




Mi Primera Y UltimaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon