Ch 8: Auntie's Back

12 4 0
                                    


Sa bilis ng panahon ay di ko na namalayang Sabado na pala. Gusto kong matulog all day o di kaya ay mag internet. Pambawi sa limang araw na nakatutok sa pag-aaral. Pero ngayon, alas syete na kami nagising. Ganyan talaga basta Sabado.

Bumaba kaming magpipinsan agad nang marinig namin ang sunod-sunod na pagkatok. Ay ano ba yan. Kay aga-aga nambubulabog.

"Ako na" sabi ni Inah.

Sumunod naman ako sa sa kanya. Sumunod na bumaba ay sina Ate Ria, Gerald, at Adrian. Si Gerald, may natirang laway pa hahaha.

"Ano pong kailangan nila— Auntie?!!!" naalarma naman kami dahil kay Inah.

Tiningnan namin ang pintuan at nakita namin si Auntie at ang kilay niyang parang Nike.

Bitbit niya yong malaki niyang bag at mga supot. Dali-dali naman siyang tinulungan nila Adrian.

Walang nagsalita sa amin. Natatakot kasi kami kay Auntie dahil sobrang strikta niya.

Si Auntie talaga yong kasama namin dito. Siya yong guardian namin. Meron siyang asawa pero pumanaw na at wala rin siyang anak. Galing si Auntie sa Cebu dahil may inasikaso siyang mga papeles. Kahit nasa thirties na si Auntie ay parang twenty plus lang siya. Alam din namin na uuwi siya pero di namin inakala ngayon na. Sabi kasi niya sa Lunea na siya uuwi eh.

"O anong ginagawa nyo diyan? Di lang ba kayo kikilos. Ako yong palulutuin nyo ganon?" wika niya na nakataas ang kilay.

"Ah oo po auntie magsasaing na po kami"

Inismiran lang kami ni auntie at Inilibot niya ang kanyang tingin kaya ginaya namin siya. Doon lang namin napagtanto na sinusuri niya kung malinis ba ang bahay.

"Lumabas ako sa bahay na ito na malinis. Tapos pag-uwi ko ganito ang sasalubong sakin? Bahay ba to o basurahan? Diba sinabi ko sa inyo na paligi nyo e-maintain ang kalinisan? Di bale na kung hindi malaki at maganda ang bahay basta malinis!" senermonan kami ni auntie kaya napayuko na lang kami.

"Ikaw Ria. Ikaw yong pinakamatanda rito. Dapat responsable ka. College ka na oh pero kung umasta ka parang high school. Sige sabihin nating hindi ka rito basta weekdays at Friday evening ka lang uuwi pero dapat pagsabihan mo yang mga pinsan mo. Turuan mo sila ng leksyon nang matuto" panenermon ni auntie kay Ate Ria.

"Opo auntie" yong lang yong nasagot niya. Sa totoo lang, naaawa na talaga ako kay ate. Ito kasing si auntie eh over na siya kaya minsan nga gusto kung umalis na lang sa puder niya.

"Inah at Ken. Puro lang pagpapaganda yong inaatupag nyo, pero itong bahay di nyo kayang pagandahin. Hwag kasi puro arte. Dalaga na rin kayo oh. Aasa lang ba kayo sa ate Ria nyo? Puro kayo barkada, gala. Babae kayo isipin nyo yan. Pinagsabihan ko na kayo ha. One word is enough for a wise man. Ay ano yong narinig ko Inah na noong nasa Cebu pa ako'y may kinausap ka raw na lalaki at sweet kayo. Di bawal ang boyfriend-boyfriend? Isumbong kaya kita sa Mama't Papa mo?"

"Auntie di po totoo yon. Classmate ko lang po yon promise"

"Bakit sobrang defensive ka?"

"Auntie di po talaga totoo yon. Kilala ko po yong lalaki. Di po sila" singit ko. Naluluha na kasi si Inah eh.

"Kinakausap ba kita?" tanong ni auntie sa akin kaya napayuko na lang ako.

Nang umalis si auntie papunta sa kwarto niya ay nakahinga naman kami ng maluwag. Yong dalawang lalaki? Ayon hindi napagalitan. Nanonood lang sila ng TV. Kunsabagay, muntik ng magkaroon ng anak na lalaki si auntie pero nakunan siya nung nadepress siya dahil sa pagkawala ng asawa niya.

Nagtungo kami sa kusina upang gawin yong mga gawain namin.  Hanggang nagyon, di pa rin umiimik si ate Ria. Mukhang naapektuhan pa rin siya sa sinabi ni auntie.

"Inah, kausapin mo nga si ate" bulong ko sa kanya.

"Ayaw ko nga. Tingnan mo oh di pa siya okay. Mamaya na lang" pabulong din niyang sagot.

************************************

Pagkatapos ng agahan ay nag general cleaning kami sa bahay. Pati likod bahay ay nilinisan namin. Siniguro naming walang makikitang dumi si auntie dahil baka maging leon na naman yon tas makakatikim na naman kami ng sermon. Si ate Ria ay mukhang ayos na rin.

"Ken pakikuha nga ng mga nilabhan natin kagabi. Tuyo na eh" utos ni ate sa akin. Friday evening kasi kami naglalaba para tuyo na kinabukasan.

"Okay" sagot ko sabay punta doon sa itaas. May terrace kasi kami na nakaharap sa likod. Doon kami nagsasampay. May hagdanan doon na nakakonekta sa ibaba para doon kami dadaan at hindi sa loob nga bahay.

Simple lang naman yong bahay namin. Concrete siya at may finishing pero wala pang kulay. Two story siya. Tatlong kwarto sa itaas at isa sa ibaba. Dirty white ang kulay sa loob. Pinamana pa ito ng lolo't lola dahil noong mga bata pa sila Papa, dito na sila lumaki pero may binago naman ng kaunti.

Habang kinukuha ko ang mga damit ay nakita ko si Erdie at nakasunod sa kanya yong mga ka grupo niya. Nasa huli si Yanyan.

"Uy ang baet ni Ken!" sigaw niya.

"Tumahimik ka nga!" inirapan ko siya.

Huminto naman sila. Tiningnan ko si Yanyan at sapol! Nagkasalubong yong mga mata namin. Nandito na naman yong weird na feeling.

"Nasan sina Gerald?" tanong ni Aldy.

"Tinutulungan sina ate Ria" sagot ko.

"Pakisabi na lang ha na pumunta siya mamaya sa basketballan"

"Okay"

Tiningnan ko ulit si Yanyan bago sila umalis. Tiningnan niya rin ako ng mga three seconds pero parang nakulangan yata ako.

Hindi ko namalayan na nakangiti pala ako habang ginagawa yong trabaho ko. Akala ko matagal pa bago kami magkita ulit. Iba talaga ang epekto niya sa akin.

************************************

Matapos naming gawin ang mga gawaing bahay ay nakita namin si auntie na nag-aayos ng buhok. Nagpaalam siya na magpapamanicure at pedicure muna siya sa suki niya. Minsan naiinggit ako kay auntie. Chics kasi siya. Kunsabagay may dugong espanyol naman si lolo. Rebonded yong buhok ni auntie tas matangkad siya. Pang model at maamo ang mukha niya pero singbagsik siya ng leon.

Naisipan kong mag open ng email ko. Nakita ko yong message ng mama ko.

Ken anak, sabihan mo si auntie mo na ipapadala ko bukas yong allowance at pang tuition mo. Kasama na rin doon yong pang project at ibang gastusin mo. Fifteen thousand yon.

Yon lang naman. To be honest, hindi na kami ganon ka close ni mama nang maghiwalay sila ni papa. Well college lovers lang naman sila at hindi pa sila kasal.

Nag open naman ako ng facebook pagkatapos.

May isang nag add sa akin. Sino kaya to?






Mi Primera Y UltimaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon