Ch 30: Runaway

10 2 0
                                    


Halos tatlong oras na kaming nagprapractice ni Luis para bukas at dapithapon na. Ewan ko ba, ilang araw na akong pawisan, siguro nabawasan na yong bigat ko. Si Sir Maui naman ay pinuntahan muna ang kaibigan niyang pwede hiraman ng pang-flight attendant at pang-pilot. Oo, naisipan niyang magcostume kami para attractive at dahil na rin sa lokasyon ng sasayawannamin.

Pagkatapos naming magpractice ay naligo muna kami dahil paparating na si sir dala-dala ang mga susuotin namin para bukas. Ang arte rin nitong si Luis, nagsuggest ako na sa labas kami ng villa kakain dahil may barbecuehan doon pero ayaw niya. Kaya ayun, tinawagan niya si Sir na bumili ng hapunan para sa min at babayaran na lang niya si sir pag dumating na ito.

"Labas muna ako magpapahangin muna" paalam ko kina sir at lumabas ng kwarto.

Nakita ko yong ibang duo kasama ang mga coaches nila nag-uusap sa may hallway. Iba yong mga tingin nila sa akin at nakakailang. Ngayon lang ba sila nakakita ng maganda? Ayyy joke!

Dumiretso ako sa labas at natagpuan ko ang sarili na nakatayo sa harap ng fountain. Walang tao rito at ang ingay lang ng fountain ang maririnig. Sobrang sarap ng pakiramdam ko pero umiba noong nakita ko si ate Denairah na papalapit sa akin. Di ko alam kung ano ang aking gagawin. Baka sugurin niya ako. Seryoso ang kanyang mga mata at kung lumakad siya ay parang dyosa.

Tumayo siya sa gilid ko at tinatanaw din ang fountain. Ano kaya ang gagawin niya sa akin at bakit siya narito? Tatanungin ko na sana siya pero naunana na siyang magsalita.

"Itigil mo na ang kahibangan mo kay Yanyan Xiana"

Napatingin ako sa kanya ng walang oras. Tumitig siya sa akin.

"Walang patutunguhan yang nararamdaman mo kung pinagpatuloy mo yan. Mas lalo ka lang masasaktan"

"Pero—"

"Layuan mo siya Xiana!"

Napaurong ako dahil sa lakas ng sigaw niya. Bakit ba siya nagkakaganito?

"A-ate ano bang nangyayari. Kaibigan ko siya"

"May gusto ka sa kanya alam ko yun! Akin lang siya Xiana at wag ka ng umepal pa! Kailan ma'y di ka niya magugustuhan. Ang bata mo pa, pandak pa. Tignan mo rin yang sarili mo, ano'ng maguguatuhan niya sa gaya mo? Maputi ka lang nama't maykaya, yun lanh. Di kayo bagay"

Lahat ng sinabi niya ay tumagos talaga sa buto ko. Nasasaktan ako sa bawat salitang sinabi niya. Yong mga mata ko'y tumutubig na dahil di ko mapigilang maiyak.

"O ano? Iiyak ka? Masakit diba? Ang malaman ang katotohanan. Sinasabi ko to sayo nang maaga pa"

"Wala naman akong ginagawa sa inyo o sa iyo" pumiyok na yong boses ko at yumuko.

Nakita ko siyang nag-smirk. "Sa ngayon, wala pa, pero sa susunod, meron na. Alam ko kasing desperada ka. At ang pinsan mo pang si Inah ang pinadalhan mo ng nakakatawang sulat" nagulat ako dahil sa sinabi niya. "Oo alam ko"

Di ko na makayanan ang tensyon. Aalis na sana ako pero pinigilan niya ang kanang kamay ko. Tumingin ako doon at nakitang tumingin siya sa bracelet ko.

"Akin dapat to eh" sabi sabay kuha sana pero iniwas kaagad ang kamay ko sa kanya na lalong nagpagalit sa kanya.

"Aba't!" sinugod niya ako at sinabutan. Wala akong lakas dahil ang sakit ng pagsabunot niya at tila anit ko'y natatanggal na rin.

Patuloy pa rin siya sa pagsabunot sa akin. Nang makaipon ng sapat na lakas ay buong lakas ko siyang naitulak nang hindi nakatingin sa kanya at wala akong medyo makita dahil sa buhok na nakaharang sa mukha ko.

"Denairah!"

Napatingin na lang ako kay Yanyan na tumatakbo papunta kay ate Denairah na ngayo'y nakbulagta't umaagos ang dugo sa ulo niya.

Nanginig ang buong pagkatao ko at di ko makayanang magsalita o gumalaw. Ano'ng ginawa ko? Nakatingin lang ako kay Yanyan  na tumatakbo palayo at nasa bisig nito si ate Denairah.










"Mag-ingat ka roon Ken. Yung mga bilin ko sayo, hwag mong kalimutan ha. Magchat ka lagi sa amin kung may free time ka" sabi sa akin ni auntie. Tumango ako at ngumiti ng pilit.

"Ken, mami-miss ka namin" sabi ni Inah na namumula na ang mga mata. Pinipigilan kasi nito ang umiyak.

"Mami-miss ko rin naman kayo eh"

Nas airport kami ngayon dahil aalis na ako ng bansa. Tama, limang araw ang nakalipas mula noong nangyari't sina auntie lang ang nakaalam sa tunay na nangyari.

Nagback-out ako dahil wala rin namang patutunguhan dahil sa nangyari. Nadismaya sina sisters lalo na si Luis. Pero wala na akong ibang solusyon eh. Sobrang guilty ko na talaga noon at walang araw na maayos ang tulog ko. Tinapos ko na lahat ng exam namin at ipapadala na lang sasusunod na buwan ang mga papeles para doon na ako mag-aral at tumira.

Si mama tulong ng kompanyang tinatrabahuan niya ang umasikaso sa flight ko at lahat pa. May kasama naman ako, yung ibang anak ng mga OFW na katrabaho ni mama. Mabuti na lang at naisingit pa ako sa listahan eh.

Limang araw pero di pa rin ako nagpapakita sa mga kaibigan ko. Ano na lang kaya ang sasabihin ko sa kanila. Sabi ni auntie, siya na lang daw ang mag-eexplainpara di na ako ma depress ulit. Na depress kasi ako pagkatapos ng nangyari. Hindi rin ako kumakain dahil naiisip ko yung dugo ni ate Denairah.

"Ken tara na" tawag sa akin ng isa kong kasama. Well, apat kami.

Sa huling pagkakataon, nagyakapan at nagpaalamanan kaming magpipinsan kasama si auntie. Umiyak na rin ako nang umiyak si Inah. Mami-miss ko ang sister ko, ang kakulitan ng dalawang pinsang lalaki, ang mga pangaral ni ate Inah at ang tumayong magulang ko, si auntie.

Sumunod ako sa mga kasama ko at ayaw ko ng tumingin sa kanila dahil baka di na ako tumuloy dahil di ko kayang iwan sila.

Si Rona na napakabungangera, si Macky na katulad ng sitwasyon ko, si Joshi na napakakalog, ang kaastigan ni Yammie, ang pagiging kuya sa akin ni Erdie, ang kahanginan ni Eros, si Isaac na nagiging tutor ko pag di ko na kaya ang mga assignment ko, si Lujan na napakamanhid, si Aldy na napakabait, ang masayahing si Zawn, at partner kong si Vihati, at si Luis na naging crush ko. Lahat sila mami-miss ko.

Syempre, si Yanyan na mahal ko.

Paalam sa inyo dahil di ko kayang humarap sa inyo dahil marumi akong tao.




Mi Primera Y UltimaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon