Ch 3: Groufie

16 5 1
                                    


"Wow te, san punta mo?" bungad sakin ni Rona nang makarating ako sa tagpuan namin. Dito kami madalas nagtatagpo sa waiting shed pag may lakad kami.

"Bakit?" pa-inosente kong tanong.

"Ang ayos-ayos natin ha. Parang volleyball game lang ang pupuntahan natin"-Yammie.

"May pinag-gagandahan ka ngayon no? Ayieee. Type mo si Aldy no?" pang-aasar ni Joshi.

Oo, nagpapaganda ako. Pero para kay Yanyan! Aldy? Parang naubusan lang ng tshirt.

Sinamaan ko na lang siya ng tingin. Alam kong may pagdududa sakin tong mga to. Nag jumpershort with mint green long sleeve kasi ako.
(Pic ni Ken)

-----------------------------------------------------------

*dug* dug* dug* dug* dug* dug*

I can feel my heart beating...

Pagpunta namin doon, una kong nasilayan ang mukha ng pinakamamahal kong Yanyan. Ang tangos ng ilong niya, pareho kami. Yong jawline niya, ang sexy.

Pumwesto kami sa bench nila kuya Paolo. Pero si Yanyan talaga ang susuportahan ko. Sorry Kuya Paopao.

Pumito si kuya Jonan, yong referee para simulan na ang laro. Bola nila kuya Paolo at syempre, siya ang magseserve. Pagkaserve niya, nasalo agad. Puro batuhan lang ng bola. Naku palaban. Pero sa huli, kina Kuya Paolo pa rin ang huling halakhan.

Hindi mawala sa paningin ko si Yan. Yong mga bading grabe kung makaangkin sa mga players. Yong ibang babae naman akala mo gf. Ew lang ha.

"Mine" narinig ko siya nang papunta sa pwesto niya ang bola.

Sana ako na lang yong bola na kung papalapit ako, sisigaw siyang sa kanya lang ako. Na sana-

"Abghrejftw" pinasok ni Rona ang isang oreo sa bibig ko.

"Kanina ka pa nakanganga diyan. Para kang timang tss" panira talaga ng moment to.

Nanalo sina Kuya Paolo sa first set at sina Erdie sa second set. Pahinga muna sila saglit.

"Ken, nandito ka pala" tumabi sa akin si Erdie. Best friend ko siya noon. Friend na lang ngayon.

"Kanina pa ako nandito tas ngayon mo lang ako napansin? Edi wow!" Sarkastikong sagot ko.

"Ang liit mo kasi. Di kita nakita" sabi niya sabay tawa ng malakas. Kaya ayon sinuntok ko sa braso.

"Aray! Hahaha amazona ka pa rin ngayon Ken" sabi niya at inirapan ko siya. "Pero wait, mas tumaba ka ngayon pansin ko"

Kumulo ang dugo ko sa sinabi niya. Gago to ah grabe nakakapikon na talaga. Sinamaan ko siya ng tingin. Yong tingin na makakapatay ako ng pinakamagaling na sumo wrestler.

"Bakit ka ba nang-aasar ha?!" Sigaw ko sa kanya.

"Uy di ah. I'm just describing you friend" nagbablaklaan siya. Hinawakan naman niya yong balikat ko. "Huwag kang mag-alala. Fifteen ka pa lang. Papayat ka pa... soon hahahaha"

Binigyan ko siya ng fake smile.

"Sige bye"

"Ge alis!"

Hinanap ko si Yanyan nang umalis si Erdie. At sapul! Nagtama yong mga mata namin. Heto na namaan yong weird feeling. Pero iba yong tingin niya. Parang galit. Tsk! Umiwas siya na parang wala lang nangyari. Hahay pansinin mo naman ako love!

-----------------------------------------------------------

Nagshake hands yong dalawang team pagkatapos ng laro. Sina Kuya Paolo ang nanalo. Muntik na rin masali sa Palaro si Kuya kaso may ipinalit sa kanya.

Ang galing rin talaga ni Yanyan my loves ko. Proud ako sa kanya.

"Uy pa-picture tayo sa kanila" sabi ni Rona.

"Heh! Landi nito. Fourteen ka pa lang. Landi neto" sabat ni Yammie.

"Pa-picture lang, landi agad? Diba Ken?" binigyan ako ni Rona ng 'sumang ayon ka na lang' look.

"Ah oo tutal maganda naman. Sei Bombe-Hepta Baron collaboration" sabi ko.

Lumapit agad kami sa kanila.

"Hoy Erdie groufie raw tayo" sumigaw si Josh. Makapal talaga ang mukha nito.

"Sure" - Erdie.

Ayon lumapit na talaga kami at kinuha ni Rona ang monopod ni Macky. Nakatalikod sakin si Yanyan at may katext siguro. Awts.

Pumwesto na aga kami. Nasa gitna namin ni Rona si Erdie. Magkatabi si Macky at Lujan. For sure kilig na kilig si Macky ngayon. Nasa likuran naman si Yammie at Josh at ang ibang miyembro ng Hepta Baron especially my loves. Si Rona ang may hawak sa monopod.

"Okay 123!"

*click*

"Isa pa wacky!"

*click*

Pagkatapos non, tinangnan ko ang likuran ngunit wala na si my loves. Nasan na yon? Bigla namang tumunog ang cellphone at tinext ako ni Ate Ria na umuwi na raw ako kasi gabi na.

"Uy, una na ako sa inyo ha. Pinapauwi na kasi ako eh" pagpapaalam ko.

"Sige" yon lang sabi nila Rona kasi tinitingnan nila yong picture. For nagzozoom na naman ang mga yon.

Naglalakad ako pauwi nang mahigalap ko si my loves. Kaso, parang may katawagan siya eh. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Wala eh. Wala na siguro kaming pag-asa.

Mi Primera Y UltimaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon