Ch 14: Baile (Part 1)

14 3 0
                                    


Dahil recess na ay ginamit ko yong oras para gawin ang loveletter. Kinuha ko ang special paper at nagsimulang sumulat. Mamaya na sana ako gagawa ngunit naisip kong baka makita ni Vihati kaya ngayon na lang. Bumili pa kasi siya ng makakain namin.

Dear Yanyan,

        May aaminin ako sayo. Alam mo ba, gustong-gusto kita. Unang pagkita ko pa lang sayo, tila tumigil ang oras at ang natira sa mundo ay ikaw lang at ako. Hindi ka man masyadong ngumiti, gusto pa rin kita. Hindi ko nga alam kung bakit ang isang tulad ang nagpatibok nitong puso ko. Ngayon ko lang nagawa 'to. Iba ka kasi sa mga lalaking nagustuhan ko. Hindi ko nga alam kung bakit. Pero sana, hwag mo tong itapon. Pahalagahan no ito dahil minsan lang to. Ang sahwa no? Ako na isanh babae ang nagpapadala ng ganito. Ganito siguro ang epekto ng pag-ibig. Baliw na siguro ako sayo. Alam kong bago pa lang kita nakilala pero di na yon mahalaga. Ang gusto ko lang naman, malaman mo ang nararamdaman ko sayo. Di ko kasi masabi sa personal kasi lumapit ka lang, nawawalan na ako ng lakas. Hanggang dito na lang muna. Mag-ingat ka palagi.

SecretLover

"Ang corny mo pala hahaha!" nabigla ako. At nakita pa niya! Binigyan ko siya ng masamang tingin. Huwag kang mag-alala. Promise di ko sasabihin kahit kanino. O eto na yong mga ipinabili mo. Alam mo, para magustuhan ka niya, try mo kayang mahdiet" dagdag niya pa.

"Wow nagsalita ang payat"

Umirap na lang siya nag tongue out. Ang childish talaga hahaha.

Nandito na ako sa bahay at naghuhugas ng plato. Nag-iipon pa ako ng lakas ng loob para kausapin si Inah. Siya lang kasi ang maasahan ko upang ibigay ang letter kay Yanyan. Ay mali, hindi pala ibibigay. Ipapasok niya ng palihim sa bag ni Yanyan.

Pagkatapos maghugas ay umakyat na ako. Nakita si Inah na gumagawa ng assignment. Umupo ako sa kama ko.

"Inah" tawag ko.

"Um?" tumingin siya sa akin.

"May aaminin ako sayo. Kaso baka pagtawanan mo ko"

"Ano yon?"

"Kasi... um may gugusto kasi ako kay Yanyan" nahihiya ako.

Nakita ko naman siyang ngumiti. "Sabi ko sayo eh. Iba talaga ang pagtingin mo sa kanya. Naghuhugis puso ang yong mga mata. Hwag kang mag-alala, kami lang ni auntie ang makakaalam nito"

"Inah!"

"Joke lang hahaha"

"Inah"

"Bakit na naman? Kung tatanungin mo anong reaksyon ko? Di na ako magugulat"

"Hindi yon"

"Ano nga kasi?"

"Kasi pwedebangilagaymosabagniyaangloveletternaginawakoparasakanya?"

"Huh? Loveletter para sa kanya?!" tumango ako.

"Nahihibang ka na ba?"

"Di ko alam. Sige na Inah please"

"Pano ko yan ibibigay?"

"Ilagay mo sa bag mo, palihim"

"Di ko kaya yan uy Ken"

"Please Inah" pagmamakaawa ko.

"Sige na nga psh"

Binigay ko sa kanya ang letter. Ano kayang magiging reaksyon ni Yanyan? Sasaya kaya siya o hindi? Di bale na nga, basta nasabi ko na sa sulat ang nararamdaman ko para sa kanya.

Mi Primera Y UltimaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon