Ch 13: Desperada

15 3 0
                                    


Isang linggo ang lumipas ngunit kahit anino niya, wala akong nakita. Ginawa ko ang lahat malaman lang kung nasaan siya pero wala eh. Bumalik sa isipan ko kung ano ang mga kabaliwang ginawa ko malaman lang kung nasaan siya.

Flashback

"Oh bakit?" nakakunot na tanong ni Erdie.

Inabot ko sa kanya yong blank notebook ko. "Punan mo lahat ah. Sige bilisan mo!"

Nilagyan ko lang naman iyon ng mga nila. Dapatbay lagyan yon ng numero at anong ensaktong lugar kung saan sila nakatira. Wala akong ibang maisip na paraan eh. Ayaw ko namang magtanong kung saan siya nakitara dahil baka isipin nilang interesado ako kay Yanyan.

"Oh" sabay abot niya sakin ng notebook.

Sinaraduan niya agad ko. Hindi man lang ako pinapasok sa loob. Tiningnan ko agad kung saan siya nakatira. Sa Purok 5 pala siya. Ako kasi at ang mga kaibigan ko ay Purok 1.

Kahit naka uniporme pa ako ay pumunta ako doon. Sampung minuto ang nilakad ko papunta doon. Pinagtitinginan din akobng mga tao. Pasado alas sais na ng nakarating ako. Nasapo ko ang ulo ko, wala pala ako gaanong kakilala rito. May grupo ng mga kababaihan ang nagtotong-its kaya pumunta ako. May nakita rin akong kakilala ko, si Aling Malia.

"Aling Malia" tawag ko.

"Oy ija, napadito ka?" 

"May hinahanap po kasi ako. Saan po ba nakatira ang mga Misiona? Yong mga bagong lipat?"

"Ah... Nandoon sa pinakadulo ng daan. May bagong tayo doon. Yong may pulang bubong" sabi niya sabay turo sa maliit na daan.

Lumakad ako ng ilang segundo nang makita ko ang bahay na tinukoy ni Aling Malia. Lumapit ako doon. Kumatok ako ng ilang beses pero walang sumagot.

"Tao po?" Nandiyan po ba si Yanyan?" para akong sirang plaka.

Suko na ako. Magtatanong na siguro ako sa iba. Baka may inaasikaso lang yon.Saktong six thirty nang makauwi ako sa amin. Salamat at wala pa si auntie.

End of Flashback

Nakatulala lang ako rito sa kwarto. Pagod na rin ako. Kakalinis lang namin sa bahay. Naalala ko ulit yong ginawa ko pagkatapos ng araw na yon.

Flashback

Nagkataong half day lang kami kaya nung hapon, pumunta ako sa paaralan nila. Sinabi ko kay auntie na pupuntahan ko sina Inah. Pagkarating ko roon, may event pala sila. Nagkalat yong mga estudyante. Pagpasok ko, sa akin na sila nakatingin. Medyo nakakahiya pero wala ng atrasan to eh. Nakita ko naman sina Inah at Gerald.

"Naparito ka? Tara sama ka sakin. Manood tayo. O ayab Gerald, wala na akong utang sayo" sabi ni Inah habang binibigay kay Gerald ang bente bago niya ako kinaladkad papuntang multipurpose center. Nakita kong kumaway sa amin sina Rona at tinapik yong mga bakanteng upuan sa tabi nila.

"Anong meron?" tanong ko nang makaupo ako.

"Culmination ng Performing Arts Club" sagot ni Rona.

Napatango ako. Okay lang ang mga outsiders dito basta may event o culmination. Dahil hindi pa nagsisimula ang programa, nilubot ko ang aking paningin dahil nandito lang naman ako para makita siya. Nang may maaninag akong pamilyar na mukha, tiningnan ko ito at nagtama ang aming mga mata. Bigla akong tumayo.

"San ka pupu-" narinig ko si Inah pero di na siya natapos dahil tumakbo ako papunta sa direksyon kung nasaan siya.

Mi Primera Y UltimaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon