Ch 20: Selfie

13 3 0
                                    


Nandito ako ngayon sa kwarto ni auntie at binobloweran ni Sir Aesa ang buhok ko. Siya rin kasi ang magmemakeup sa akin. Three-thirty na sa hapon. Lumabas muna si auntie dahil darating daw si Mr. Cameron. May something nga sa kanila. Naka roba ako ngayon para madali lang tanggalin.

"Alam mo Ken, noong prom namin sa high school, napakaganda talaga. Pormal pa ha. Ngayon kasi napapansin ko sa siyudad, yong mga kaedad mo, naku talaga, ang lilikit ng mga babae. Mayroon namang behave pero kadalasan talaga mga liberated. Nakakaimberna rin" sabi ni Sir Aesa habang patuloy na tinutuyo ang buhok.

"Talaga po?"

"Yes dear. Yong iba, kung kumilos ay bente na"

"Baka ganun lang po talaga sila. Dala na rin ng modernisasyon"

"Siguro nga. Pero ikaw ha, hwag kang gumaya. Okay lang na makiuso sa ilang bagay pero hwag lang sa kilos"

"Opo"

Pagkatapos niyang i blower ang buhok ko ay sinuklayan niya ito. Nakaharap ako sa salamin ni auntie. Na-conscious naman ako bigla sa baby fats ko sa mukha. Hinawakan ko ito. Ang lapad naman ng mukha ko. Ilang sandali pa ay inipit ni Sir Aesa ang buhok ko. Bigla namang bumukas ang pinto. Pumasok si Adonis este si Mr. Cameron.

"Hello Good Afternoon sa inyo" bati niya.

"Hi Cameron" -Sir Aesa.

"Hello po hehe" gosh. Ang gwapo niya talaga. Di ko kaya. Napatingin naman ako sa likuran niya. Nandito rin so Luis.

"Ay Luis, halika pasok. Yong susuotin mo nandoon" turo ni Sir Aesa. Kaya pala may box na extra. Kay Luis pala yon.

Pumasok naman siya. Nagpaalam muna si auntie na bababa muna. Medyo nahihiya naman ako rito kay Luis. Ang yaman din kasi nila tas baka mapangitan siya sa bahay namin. Masakit kaya nun. Pero, proud at mahal ko tong bahay namin no. Pinaupo naman si Luis sa tabi ko. Ang bango niya naman. Ano kaya ang perfume nito. Ako nga, kahit cologne lang walang-wala. Porket taga-siyudad tong si Luis noon.

"Luis, ilang taon na Uncle mo?" tanong ko.

"Bakit? Type mo?"

"Ay grabe, nagtatanong lang. May dalaw ka?"

"Tsss... he's turning thirty-two this April"

"Ahhh... Luis" tawag ko ulit sa kanya. Tumingin naman siya sa akin.

"May favor kasi ako. Pwedeng bang pag nag-uusap tayo, bawas-bawasan mo ang pag-Eenglish?"

Tumawa naman siya ng mahina. "Alright. Nasanay lang kasi ako. But O can't promise okay? Susubukan ko"

Ngumiti naman ako sa kanya. Salamat naman. Marunong din naman ako at nakakaintindi ako ng English pero di ko feel. Parang hindi naman bagay sa akin ang mag-English. Hindi babagay sa akin ang pang-sosyal.

Si Luis muna ang inaayusan ni Sir Aesa ng buhok. Katulad sa akin ay binloweran din yong buhok niya at sinuklay. Yong bangs ni Luis ay pinatayo papuntang likod. Makapal naman ang buhok niya kaya bumagay sa kanya. Matagal pa iyon dahil marami pang ginawa si Sir sa buhok niya. Nilagyan iyon ng hair spray para tumigas. Pagkatapos ng benteng minuto, ayun natapos din.

Grabe ang gwapo talaga ni Luis. Nakatingin lang ako sa kanya at sa buhok niya. Bumagay ito sa kanya at nagbigay ito sa kanya ng mas lalaking dating. Parang nag-mature naman siya. Kahit hindi pa gaanong perpekto ay nagsisimula na ring magdevelop ang jawline niya.

Lumabas naman muna si Sir dahil nauuhaw siya. Kaming dalawa lang ang natira.

"Yong nagbantay sa akin sa basketball, diba kilala mo yon?" bigla niyang tanong. Sinong tinutukoy niya? Napakunot ako. "Yong naka gray"

Mi Primera Y UltimaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon