Ch 7: Hugot Class

11 5 0
                                    


Back to school na naman. Hayyy. Kung tatanungin nyo anong ginawa namin sa New Year? Simple lang, yong nakagawian. Nagsimba, kumain, at nagtotorotot kasama yong iba naming kapitbahay. Nakulangan yata ako sa bakasyon. Wala ako sa mood pumasok pero kailangan. Honor student pa naman din ko. Sabi ng mga kaklase ko ako yong pinakamatalino pero hindi ako nagiging first honor. Eh siyempre, dahil sa extra-curricular na yan!

Pumasok ako sa paaralan na nakabusangot. As usual, old faces pa rin yong mga nakakasalubong at nakakasabay ko. May iba na nagparebond, nagpagupit ng buhok, at may iba na meron ng bangs. Hindi kami marami rito kaya halos kilala ko na lahat ng estudyante. Mukhang four hundred plus lang kaming estudyante sa pagkakaalam ko.

Hindi rito nag-aaral sina Rona. Ibang town kasi ito. Dito ako pinag-aral ng mama ko dahil advance daw at mas maraming facilities kumpara doon sa amin na isa lang yong private na high school. Kailangan ko pang bumyahe ng twenty to thirty minutes para makarating dito.

"Xiana!" lumingon ako dahil tinawag ako ng balimbing kong classmate. "Hintayin mo naman ako" dagdag pa niya. Xiana ang tawag ng mga tao rito saken. Pero prefer ko pa rin yong Ken
Hinintay ko si Dutches. Minsan gusto ko siya minsan hindi. Ah basta!

"Kumusta naman yong new year mo?"
tanong niya.

"As usual" sagot ko.

Narating namin yong classroom. Describe our classroom. Palengke! Ang ingay talaga ng mga kaklase ko parang two weeks lang hindi nagkita kung makareact parang ten years walang communication.

"Uy Xiana parang tumaba ka" bungad sa akin ni PJ nang maupo ako. Seatmate ko siya.

"Suntukan na lang oh" panghahamon ko sa kanya pero tumawa lang ito.

"Aba't... ang mean mo ha. Kesa naman sayo, ang laki ng mata mo tol! Daig mo pa ang Tarsier sa Bohol!" sinagot ko yong pang-aasar niya. Palaban yata to! Nagalit yata siya sa sinabi ko at nag walk-out. Hahaha pikonin.

Tumunog na ang bell hudyat na sa morning activities namin. Matapos ang ilang minutong nakababad sa init ay bumalik na rin kami sa silid.

"Say your favorite Band when your name is called" pagsisimula ng adviser namin na sobrang gwapo. Mga 22 na siguro si Sir Matthew Ganito siya kung mag attendance. Say your favorite color, actor, actress at kung ano pang favorite pa yan.

"Torcende, Ken Xiana"

"Air Supply" sagot ko. Yes, love na love ko talaga sila. Yong mga kanta kasi nila ang gaganda at may sense hindi yong puro oh oh, yeah yeah, lalala ang lyrics.

"Wow favorite mo rin pala yon? Akala ko mas gusto mo yong mga bagong banda ngayon eh" sabi ni Sir.

"Sir akala mo lang yon. Marami ng nasira dahila sa maling akala. Huwag ka kasing mag expect, masasaktan ka lang" sagot ko.

"Whoah!" sigaw ng mga kaklase ko pati na rin si Sir. Ang gwapo talaga ni Sir ngumiti. Kenekeleg tuloy ako

"Hugot ah! I-adjust mo na yang bra mo hahaha" pang-aasar ni Jobert, yong joker/horny ng class. Lalo tuloy umingay yong klase.

"Okay enough for that. Now, hindi muna tayo magkakaroon ng discussion kasi fresh from vacation pa lang kayo. Do all you want pero huwag mag-ingay at lumabas ha"

Napa 'yes' naman kami. Matutulog na lang siguro ako ngayon.

"Hoy Xiana. Nasan yong sinabi mong regalo?" Lumapit sa akin si Luis.

Oo nga pala yong deal namin. Patay! Nakalimutan ko.

"Ah hehe, nakalimutan ko eh. Sorry" sabi ko sabay ngiti. "Marami kasi akong iniisip"

Nalungkot naman siya. Nakokonsensya ako. "Nakalimutan? Ah okay lang. Sanay na naman ako. Sanay na akong makalimutan. Pero, akala ko siya lang yong taong kakalimutan ako. Ikaw rin pala. Wala ka ring pinagkaiba sa kanya"

Napalakas yong tawa ko at nakuha ko ang atensyon ng lahat. Akalain nyo, yong coldest person na kilala ko, humugot? Just Wow!

"Uy humugot si Luis hahaha"

************************************

"Hoy Xiana gising na. Mananghalian na tayo"

Nagising naman ako. Meet Vihati, yong palagi kong kasana sa lunch time.

"Tulog mantika ah. Ano ba kasing ginawa mo at puyat ka?"

"Tinatamad ako eh at pagod ako"

"So napapagod ka na? Bakit? Napagod ba ako sa iyo? Sumuko ba ako? Hindi diba? Pero ikaw? Susuko ka na lang? Edi sana hindi na ako nag effort. Masasayang lang pala"

"Hugot pa more!"

Pumunta kami sa karenderyang laging kinakainan namin. Malapit lang lasi ito sa school.

Nandito kami sa favorite seat namin. Habang kumakain ay nagkwentuhan kami tungkol Christmas holiday. Ayon napakwento ako pero ako pero di kasali yong about kay Yanyan. And speaking of him, hindi na kami nagkita after noong pumunta siya sa amin. Parang na miss ko tuloy siya.

Mi Primera Y UltimaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon