Ch 25: Dinner With the Fam

6 2 0
                                    


Nasa gate pa nga ako pero sinalubong agad ako ni Vihati ng isang sapak.

"Aray naman Vihati!"

"Bakit ka ba absent kahapon ha Xiana?"

"Trip ko lang?"

"Anong trip ko lang kahit kailan talaga—"

Sasapakin na sana niya ako pero nakailag ako. "Nilagnat ako noong Sunday at kahapon lang ako naging okay"

"Weh?"

"What do you think of me? Ama liar?"

"Amasaveh?"

"Sus gaya-gaya ka lang sa TV"

"Nagsalita ang hindi"

"Ms. Luerta and Ms. Torcende, can you share with us your discussion there?" patay! Nahuli kami ni Miss butiki— I mean Miss Totup.

"Sorry miss. I'm just asking Xiana the reason for her absence yesterday" sagot ni Vihati.

"But why now? You can ask her later"

"Miss I'm nosy"

"Alright. But next time learn to respect"

"Yes Miss" we answered in chorus.

Medyo napahiya ako dun ah. Pero mabuti na lang makapal ang mga mukha namin. Nakinig na lang ako. Si Vihati nama'y bumalik sa tunay na upuan niya.

Pero sa totoo lang, ayaw ko talaga kay Miss Totup pagdating sa pagiging teacher. Okay naman siya as a person pero not as a teacher. Kapag monthly exam ay may sinasali siyang wala sa pointers at di namin na-tackle. Kainis kaya hindi talaga ako makakuha ng perfect score sa asignatura niya.

Pagkatapos ng isang subject ay recess na namin. Dahil sa liit namin, nakaya naming makipagsisikan sa canteen.

"Ano ba yan! Di siguro marunong maghintay. Ang maldita pa" narinig kong sabi ng isa kong schoolmate na grade eight pa lang.

"Mas mabuti na ang maldita kesa sa malandi at feeling city girl" sagot ko.

"Yea right! Sumalangit!" sabi ni Vihati at umalis na kami.

Nang makalayo na kami sa canteen ay napatawa kaming dalawa habang naglalakad. Wala na kaming pakialam kung pinagtitinginan kami.

"Nakita mo yong reaction niya? Ang epic talaga Xiana"

"Oo nga. Ang kapal din ng mukha non... pero ano bang ibig sabihin ng sumalangit?"

"Hay naku! It means SUper MALAndi't paNGIT"

"Ah... galing ah! San mo natutunan yan?"

"Ano ka ba! Sa fb lang! Puro ka kasi Yanyan kaya di mo alam!" panunumbat niya.

Napahinto ako sa sinabi niya at sinamaan siya ng tingin. Naalala ko na tuloy ang nangyari noong Linggo. Ang sakit pa rin! Gusto kong umiyak. Sa lahat ng naging crush ko sa kanya lang ako ganito.

"I hate you Vihati"

Naghihiwa ako ngayon ng onion at ang hapdi na ng mata ko. Hanggang ngayon ay pinapractice ko pang di maluha kapag nagbabalat ng sibuyas.

Ako ang magluluto ng ulam ngayon at sinigang ang lulutuin ko. Nang handa na lahat ang pampalasa ay nilagay ko na yun sa mainit na tubig at nang kumulo ito'y nilagay ko na ang mga isda. Nang maluto na'y kinunan ko na ng apoy.

"Adrian! Pakihatid kina auntie Yannie mo ang damit ni Elisa. Nalagay niya yata sa bag ko pero nalabhan na yan" narinig ko si auntie.

"Ako na lang po auntie" sabi ko. Para-paraan lang ba.

Mi Primera Y UltimaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon