Ch 28: The Battle Ground

9 2 0
                                    


Nandito na kami lahat ng kalahok sa isang napakalaking field. May mga sira at lumang eroplano rin dito. Mabuti na lang at may isang open air hall dito. Dito nila kami tinipon. Malalaman namin ngayon kung sino ang matitira para sa battle round. Out of one hundred eighteen, eight schools lang ang kukunin.

Marami akong nararamdaman ngayon. Kinakabahan malaman ang resulta, natatakot kasi baka mag-assume lang ako, naiirita dahil ang init ng panahon, at nasasaktan dahilsa dalawang tao.

Sa harap namin sila nakapwesto. Magkaharap kasi kami. Nasa right side ang performers one to fifty-nine at sa left side naman ang sixty to one hundred eighteen.

"Hay PDA talaga" nasambit ko bigla.

"Selos ka naman?" komento ni Luis.

"Huh?"

Nginuso niya ang pwesto nila Yanyan. Oh my God... Nanlaki ang mga mata ko. Paano niya?

"Obvious naman na may gusto ka sa kanya. Ang desperada mo pa nga"

Napanganga ako sa inasal ni Luis. Totoo ba 'to? Naging madaldal na siya ngayon ah. Tsaka hindi na masyadong seryoso ang pananalita niya. Hinawakan ko ang pisnge niya at kinurot ng bahagya.

"Ouch Xiana! Anong ginagawa mo? Aray ah masakit!"

"Oh my God ikaw talaga yan Luis!"

Umirap lang siya sa akin at napahagikhik ako doon. Ang gwapo niya talaga. Binalik ko ang tingin ko kay Yanyan pero sa akin na siya napatingin. Umiwas na lang ako dahil naiilang ako sa mga tingin niya. Parang ansama ng tingin niya sakin. Wala naman akong ginawa sa kanya. Siya tong sinasaktan ako.

In-announce ulit ng MC ang magaganap bago simulang basahin ang resulta. Di ako mapakali kasi parang may matang nagmamasid sa akin. Ay feeler lang?

Pagkatapos sabihin ang mga importanteng bagay, kinuha na ni MC ang isang bondpaper na nasa isang sobre. Ayan na... Mas lalo pa akong kinabahan dahil sa background music. Pinabibigat nito ang atmosphere. Itong katabi ko parang wala lang.

Dahil pinapatagal pa, nilibot ko muna ang paningin, nagbabakasakaling makakita ng gwapo. Crush ko nga si Yanyan pero naaattract pa rin ako sa iba.  Ayun! May nakita akong matangkad at chinito, nasa pinakadulo siya ng left side. Nakatingin lang ako sa kanya nang bila siyang umirap at nangbatok sa katabi. Confirm si koya! Gwapo na sana, bakla lang.

"And now, the top eight schools who passed the elimination round..."

Napantig ang tenga ko. Bumalik na naman ang kaba ko sa dibdib. Ang iba ring contender ay naghahawakan na ng kamay at nagdadasal na. Nag silent praying na rin ako. Ipinatunog ulit ang nakakakabang background music.

"Batuan National High School!"

Dumagundong ang sigaw ng isang babae at nagtatatalon ito sa tuwa habang ang lalaki nitong kasama ay pumalakpak din.

Tiningnan ko si Luis pero parang wala lang nangyari. Hindi siya kinakabahan di tulad ko na napakanerbyosa.

Sa harap ko naman, makikita si Ate Denairah na nakahilig kay Yanyan at kinakabahan. Si Yanyan naman ay todo alalay sa kanyang girlfriend. Grabe naman sila, kahit nasa ganitong sitwasyon, PDA pa rin? Ang akala ko napaka class ni ate, yun pala hindi.

In-announce ang iba pang school na lalahok sa battle round pero nakalimutan ko ang mga pangalan ng school nila. Wala na akong ibang marinig kundi ang mabilis na pagkabog ng puso ko. Pinipigilan ko ring umiyak dahil baka makita ako ng mga tao lalo na sa taong nasa harap ko. Ayoko kong kaawaan niya ako.

"The sixth survivor... Matiwasay High School!"

Galing sa pagkakayuko, napatingin ako sa harap. Magkayap silang dalawa at grabe si ate Denairah kung yumakap, parang wala ng bukas, di man lang nahiya. Si Yanyan naman, gustong-gusto ang ginagawa na gf niya. Akala ko mahiyain tong lalaking to, yun pala may tinatagong kati. Akmang titingin ang dalawa sa pwesto namin, umiwas na agad ako. Baka isipin pang nakatingin pa ako sa kanila at baka isipin din ni Yanyan na nagjejelly ako.

Mi Primera Y UltimaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon