Ch 12: First Move

11 3 0
                                    


Tulala pa rin ako hanggang ngayon. Gabi pero hindi pa rin ako makatulog. Nagrereplay yong mga nangyari kanina. Simula sa pagsagip niya sakin hanggang sa pag-uwi. Memorize ko lahat ng detalye. Hindi ko magawang hindi kiligin. Pag naiisip ko yong mga nangyari kanina, parang may nag-bobloom na pag-asang ako'y magugustuhan din niya. Heto ako ngayon, hindi mawala-wala ang mga ngiti ko sa labi. Ang saya ko talaga. Yong feeling na nabawasan na yong awkwardness nyo ng crush nyo.

Dahil sa nangyari kanina, may narealize ako. Naisip kong pwede pa kami maging close pag palagi ko siyang kausap. Kasi kanina, ako yong unang kumausap sa kanya. Naisip kong pwede pang umusbong yong nararamdaman at nang maramdaman din. Patau na patay na talaga siguro ako sa kanya. Sa aking pag-iisip, di ko namalayang ako'y nakatulog na.

Naggising ako dahil sa may naramdaman akong may tumatapik-tapik sa katawan ko.

"Ken gising na uy!"

Tiningnan ko ang cellphone ko. Nanlaki ang mga mata ko. Ala-sais na pala tas six-thirty ako susunduin ng service jeep. Hindi lang kasi ako ang taga rito sa town namin ang nag-aaral sa pinapasukan kong paaralan. Fifteen kami. Yong iba mula sa ibang barangay.

Dali-dali akong naligo at nagbihis. Saktong pagbaba ko sa hagdan ay nandyan na rin yong sundo ko. Hindi na ako kumain ng agahan at wala rin akong suklay. Nagpaalam na ako kina auntie.

First subject pa lang pero antok na antok ako. Hikab ako ng hikab habang nakikinig sa adviser namin. Nandito pa naman ako sa may bintana tas mahangin pa.

"Falcata or Paraserianthes Falcataria can grow on a wide range of soils, including dry soil, damp soil, and even salty and acid soil. Its wood..."

Nagdidiscuss si Miss Hoylar nang may kumuhit sa gilid ko. Tiningnan ko ng masama yong kaklase kong lalaki.
"Ah, eh" hindi na niya tinapos at tinuro niya si Vihati.

"Bakit?" mahina kong tanong.

"Alam mo na ba?" mahina rin niyang sagot.

Binigyan ko siya ng nagtatakang mukha. Bigla na lang siyang tumayo ng palihim. Tumalikod kasi si Miss dahil may isinulat siya sa blackboard. Dali-dali naman niyang pinaalis yong katabi kong lalaki. Exchange seat daw muna sila.

"Oh?"

"Alam mo na bang may Valentines Ball tayo?" tanong niya sakin.

"Weh?"

"Oo nga!" napalakas yong sabi niya.

"Quiet Vihati" sabi ni Miss. Yan ang gusto ko kay Miss eh. Hindi siya terror. Cool lang pero napakatalino.

"Sorry Miss"

"Excited na ako Xiana. Magdadiet na talaga ako" gigil niyang sabi. Napailing na lang ako. Last year pa niyang sinabing magdadiet siya pero makaamoy lang ng pagkain, hala lamon. Pareho kami ng height, 4'8 tas yong timbang namin 44 kilo. Diba ang laki namin para sa height naming maliit?

Ayun nagchikahan lang kami. Tas himala pa, walang pumasok na teacher. Busy raw tsaka may meeting kasama ang Principal. Sumali naman si Luis sa pag-uusap namin. Minsan naiintimidate ako kay Luis. Ang gwapo kasi niya, sobra!

Hindi ko na rin napigilang ibanggit sa kanila ang tungkol kay Yanyan. Si Vihati, kilig na kilig pero si Luis, wala akong nakitang emosyon. Anyare?

"Naku Xiana ha, nagdadalaga na siya ayieee" panunukso sakin ni Vihati. Nag 'tsss' lang si Luis.

Ganun lang nagkentuhan lang kami about sa Ball. Nakikinig din kami sa nagkakantahang mga kaklaseng lalaki. Marunong kasing maggitara ang mga yun kahit mga pasaway.

Mi Primera Y UltimaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon