Ch 27: Luis' Care

4 2 0
                                    


"Nandiyan na ba lahat ng dadalhin mo Ken?"

"Opo auntie. Na ready ko na lahat" sagot ko habang sinasara ang maletang dadalhin ko.

"Siguraduhin mo lang ha tsaka yong pera't cellphone mo ilagay mo sa sling bag. Dalhin mo palagi yan baka mawala"

"Opo"

"Sige maiwan muna kita" sabi niya at lumabas.

Bukas na ang first day ng dance competition. Tinulungan ako nila auntie na ihanda ang mga dadalhin kong gamit para sa isang linggo. May dala rin akong pocket money dahil ang school na ang bahala sa gastusin namin sa pagkain at mga gagamitin. Sobrang laki rin ng maleta ko at kasya ako.

Matapos kong maghanda, pumunta muna ako sa terrace. Ilang araw na akog ganito simula noong huli naming engkwentro ni Yanyan. Tama, hindi ko na siya nakita at di na rin ako masyadong lumalabas. Pangangatwiran ko'y pagod ako kakapractice.

Nakatingin lang ako sa langit. Ang dilim. Tinakpan ng makakapal na ulap ang mga bituin at ang buwan. Sobrang lungkot ng gabi. Wala na rin akong nakitang lumalabas. Alas otso pa nga lang pero ang tahimik na. Iba ang gabing ito. Tila ba sumasabay ang panahon sa nararamdaman ko. Para akong nasa kailaliman ng mundo na halos wala nang ilaw dahil sa sobrang dilim.

Nang may pumatak sa tungki ng ilong ko'y dali-dali akong bumalik at isinarado ang pintuan. Ilang araw na bang umiiyak ang langit? Bakit sinasabayan nito ang pag-iyak ko gabi-gabi?

Bumalik na ako sa kama at humiga.

"Good night Ken"

"Good night Inah"

Nandito na ako sa waiting shed at hinihintay sina Luis. Kasama namin ang  dance adviser na kinuha ng school para sa amin. Siya ang mag-aadvice sa amin at magbibigay ng ideya sa kung ano ang gagawin. Ang sasakyan ng school ang maghahatid sa aminpapuntang siyudad. Eight-thirty ang start ng program at tatlong oras ang byahe.

Kasama kong naghihintay si Inah at auntie. Sasama na sana si auntie pero sa katapusan na lang daw dahil busy siya. Nang huminto na ang sasakyan ay lumabas agad ang driver at kinuha ang maleta ko upang ilagay sa compartment pero suot ko yung sling bag ko.

Nagpaalam na ako kina auntie at nag good luck sa akin. Galingan ko raw. Bahala na kung hindi manalo basta binigay ko yung best ko.

Pagpasok ko'y tumambad sa akin si Luis at si Sir Maui na tulog. Umupo ako sa gilid ni Luis.

"Ang ganda" bulong ko habang pinagmamasdan ang paligid. Sa isang villa to at dito magsstay lahat ng contestant. Napag-alaman ko rin na out of 213, 118 lang ang school na sasali.

Tinapon ko ang sarili sa kama na sobrang lambot. Sa isang room, tatlo ang kama at kumpleto na. Para siyang hotel.

"Take a nap first Xiana" sabi ni Luis.

"Eh? Fourty minutes na lang at pupunta na tayo doon sa event center. Magpaparegister pa nga tayo"

"Matulog ka na lang. Gigisingin na lang kita. Stubborn"

Edi matulog! Napakabossy talaga ng lalaking to. Kung di ko lang siya crush, a little, huh! Okay na sana, kaso ang tono ng pananalita niya, ano siya boss?

"Ang init!"

"Amoy suka, ano ba to"

"Antagal naman matapos magparegister"

"Gosh it's so hot in hir. I can't tek et enimor"

Yan lang naman ang naririnig ko sa mga contestant ding nandito. Panay mura sila dahil ang init nga naman at kahit umaga, may putok na! Etong si Luis na nga lang ang inaamoy ko para di pumasok sa ilong ko ang baho. Antagal nga naman matapos. Kanina pa kami dito pero parang hindi pa rin umuusad.

Mi Primera Y UltimaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon