Ch 15: Baile (Part 2)

8 3 0
                                    


"Pwede ba kitang isayaw?" nagulat ako sa sinabi niya. Hindi talaga ako makapaniwala.

"Lu-luis?"

"Xiana hahaha" sabay lahad ng kamay. Alam kong nakatingin samin yong mga tao.

"Bakit ka nandito?"

Sa halip na sumagot tumingin siya sa direksyon nila auntie. Nakatingin din sila sa amin. Tinignan ko pabalik si Luis at ngumiti na siya ngayon.

"He's my uncle. And I'm with him. So, can I have this dance my princess?" shete kenekeleg ako rito kay Luis. Corny pala siya minsan.

Alam kong magtatanong sakin tong mga kaibigan ko. Hindi ko kasi naikwento sa kanila si Luis, si Vihati lang. Tapos si Inah, kilala niya si Luis dahil minsan ng pumunta na si Inah sa school noong Family Day namin.

"So this is your place" sabi niya sabay libot ng tingin. Bakit ba ang hilig niya mag English? Porket taga-Manila. "I dont like how they looked at us"

"Huh?" hindi ko talaga siya naiitindihan.

Tumigil muna kami sa pagsayaw. Tiningnan ko ang tinitignan niya. Yong grupo ng mga kakabaihan. Sila yaya yong mga anak ng sikat na mga tsismosa. Tama siya, iba yong tingin nila. Inirapan ako ng isa, si Tiara. Bata palang kami, ayaw na ayaw niya talaga sa akin. Pwes, the feeling is mutual. Inirapan ko naman siya pabalik at nag-flip ng hair. Ma-insecure ka bruha ka. Narinig ko namang tumawa si Luis.

"Ang cute mo maasar" sabi niya kaya feeling ko namumula ako.

"Tsss cute mo rin" sabi ko.

"Really?" tanong niya at parang nagpapacute.

"Certified Ugly Totally Ew"

Pagkatapos ng kanta ay bumalik muna kami sa mesa. Yong mga pinsan ko ay sumasayaw pa rin hanggang ngayon. Yong mga kaibigan ko nga binibigyan nila ako ng kakaibang titig na tila nagtatanong.

"It's getting late" narinig ko si Mr. Cameron.

"Oo nga" sagot ni Tita at tumayo na.

"So, text-text na lang?"

"Okay"

"Goodnight Cherrania" paalam niya kay auntie.

"Goodnight din. Ingat kayo sa byahe" sagot ni auntie.

Nagulat ako nang biglang lumapit sa kanya si Mr. Cameron kay auntie at at... hinalikan niya si auntie sa noo. Gusto kong sumigaw sa kilig! Grabe ang sweet. The sweetest kiss. Parang may binulong siya kay auntie pero di namin marinig. Nakita ko lang na namula siya.

"Bye Xiana. See you on Monday" paalam ni Luis sa akin tsaka siya tumayo.

"Bye rin" sagot tsaka nag wave sa kanya. Inihatid sila ni auntie sa labas. Bumalik ako sa dance floor. Kumokonti na rin ang mga tao. Pagdating ay agad nila ako nilapitan. Pati yong mga lalaki ay lumapit na rin.

"Uy sino yon? Sino yon?" -Yammie.

"Boyfriend mo ba yon? Tsk! Di pa siya nakalagpas sa challenge ko" -Adrian.

"Ang gwapo non Ken. ASL?" -Joshi.

Di ko na alam kung sino ang sasagutin ko sa kanila.

"Kalma lang kayo. Classmate ko yon. Si Luis. Pamangkin siya ng lalaking kasama ni auntie. OA naman masyado tsaka alam nyo mag girlfriend na yon" paliwanag ko.

"Weh? Baka binobola mo lang kami"  hindi tagala naniniwala tong si Eros.

"Oo nga sabi" sabi ko sabay lakad. Di ko alam kung saan ako pupunta. Pero nasa dance floor pa rin ako.

"At ngayon, ang huling musika para sa inyong huling sayaw" narinig ko si Kapitan.

Nakita kong nagpapares na yong iba. Pupunta na sana ako sa mga kaibigan ko. Pagharap ko sa kanila, dahil nakatalikod ako, bigla namang may humarap sa akin. Si Yanyan. Matagal kaming nagtitigan bago ko iniwas ang tingin ko. Humara ako sa kanya ulit. This is it. One, two, three...

"Sayaw tayo?/Pwede bang tayo na lang magpares?" magkasabay naming sabi. Tumango na lang ako.

Nagsimula na ang musika. Mabagal, romantiko, sweet, at maganda yong tono. Inilagay ko yong mga kamay ko sa shoulders niya. Hinawakan niya rin yong bewang ko. Nagsimula kaming gumalaw kasabay ng musika. Hindi ako tumitingin sa kanya. Buko sa awkwardness. Naalala ko yong loveletter na ginawa. Nabasa na kaya niya? Walang nagsalita sa aming dalawa. Napaisip ako. Chance ko na to para makausap siya. Kaya ko to. Tumingala ako. Ang tangkad niya. Nang tumingin siya sa akin ay yumuko ako ulit. Narinig ko naman siyang tumawa ng mahina.

"Nahihiya ka ba?" tanong niya sakin kaya napatingin ako. Bigla naman akong tumango.

"Hwag kang mahiya. Magkaibigan naman tayo"

Kaibigan? So, siya na mismo ang nagkompirma, hanggang sa pagiging kaibigan lang ang turing niya sakin.

"Tama. Kaibigan" sabi at pilit na ngumiti sa kanya.

Sabi na eh. Sino nga bang magkakagusto sa isang katulad ko? Chubby, pandak, maldita, walang ama, at hindi naman kagandahan. Pipilitin ko na lang kalimutan ang nararamdaman ko pero mas lalong lumalala ang nararamdaman ko.

"Nga pala, yong kanina sino yon?"

Sino? "Ah kaklase ko si Luis. Bakit?"

"Wala"

Okay. Hindi ko alam, tapos na pala yong musika. Si Yanyan ang unang bumitaw sa pagkakahawak sa akin

"Salamat" sabi niya.

"Salamat din" sagot ko.

Akala ko aalis na siya pero bigla akong nagulat ng ngumiti siya. Lumapit siya sa akin. Akala ko na hahalikan niya ako sa pisnge o sa noo pero sa tenga ko pala siya lumapit. Tumayo naman yong mga balahibo ko sa sinabi niya.

















"Salamat sa sulat. Hwag kang mag-aalala, itatago ko yon at pahahalagahan. SecretLover"

Mi Primera Y UltimaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon