Batch 8.

75 4 5
                                    

Date Published: May 23, 2016
Date Re-Published: July 17, 2019

BATCH 8.

MIKAELA'S POV

Naglalakad ako pabalik sa lugar kung saan ko huling nakita si Alex dahil sa sobrang pag-aalala ko sa kaniya. Gusto ko siyang makita agad dahil sa sobrang nag-aalala na ko sa kaniya.

Napahawak ako sa tiyan ko nang nakaramdam ako ng sakit. Pati rin si baby ay nag-aalala na sa daddy niya. Habang naglalakad ay napaptingin ako sa paligid.

Maya-maya lang ay nakaramdam ako na para bang may nakatingin sa'kin mula sa likod at napalingon. Wala naman akong nakitang kung sino kaya nagpatuloy ako sa paglalakad.

Habang naglalakad ay naramdaman ko ulit 'yong naramdaman ko kanina para bang may nakatingin na naman sa'kin. Hindi ko na lang pinansin 'yon at nagpatuloy sa paglalakad.

Maya-maya lang ay napatigil ulit ako sa paglalakad bago pa lumagpas sa isang room. Napasilip ako doon at may nakitang nakahigang lalaki sa lamesa.

Dahan-dahan akong lumapit doon at napa-iyak ako nang nakita kong wala nang buhay si Alex at may laslas siya sa leeg.

Niyakap ko siya ng mahigpit at umiyak ng umiyak. Hinalikan ko siya sa noo at nanatili doon hanggang sa kailan ko gusto.

THIRD PERSON'S POV

Habang nakayakap si Mikaela sa patay na katawan ni Alex ay nandito ang kaluluwa ni Alex at nakatingin kay Mikaela ng tahimik.

Gusto niyang hawakan si Mikaela pero hindi niya magawa dahil sa ayaw niyang mas paiyakin pa ang minamahal.

Pinanood na lang niya si Mikaela mula sa malayo at binantayang mabuti para hindi ito mapahamak nang dahil sa iba pang espirito na nandito sa dimensyong ito.

~~

Nandito si Sheila sa isang parte ng eskwelahan kung saan napakadilim at kanina pa niya sinusubukang makatawag pero wala pa ring signal hanggang ngayon.

"Nakaka-inis naman. Bakit ba walang signal ngayon? Hindi ko tuloy na-contact ang iba." Inis niyang saad at napatingin sa paligid.

Kanina pa siya natatakot at hindi maka-alis sa pwesto niya dahil sa marami siyang nakitang mga bangkay sa labas ng kwarto kung nasaan siya.

May mga taga ibang eskwelahan na estudyante at may mga naka-civilian pa kaya nasa isip niya ngayon ay isang tapunan ng bangkay ang eskwelahan nila ngayon.

Kanina niya pa ino-off at on ang cellphone niya baka sakaling magkaroon bigla ng signal sa pwesto niya kahit na alam niyang impossible.

Naniniwala na rin siya na nasa ibang dimensyon nga sila dahil nagkahiwalay silang magkakaibigan nang hindi niya napapansin kung saan sila napadpad habang naglalakad kanina.

Agad siyang kinabahan nang nay narinig siyang nahulog mula sa labas ng room at may nakita siyang dumaan na lalaki na nalutang sa ere na para bang may hinahanap.

Agad siyang nagtago sa ilalim ng teacher's table at sinubukan ulit na konatakin ang mga kasama niya pero cannot be reach pa rin.

Napahawak siya sa bibig niya nang may narinig siyang yabag ng paa sa tabi niya at may nakita siyang paa at may tumutulong dugo mula dito.

Napapikit siya at mas siniksik ang sarili niya sa ilalim ng lamesa para hindi siya makita nito. Maya-maya lang ay sinubukan niyang sumilip kung wala na ba ang taong nakatayo sa tabi niya pero laking gulat niya ay nakasilip na ito sa kaniya.

"Aaahhh!" Walang mga mata ang lalaking nakatingin sa kaniya at mukhang hinugutan ito ng mga mata. Aalis na sana siya nang may humawak sa kaniyang mga kamay mula sa sahig.

"Tulong! Ayoko pang mamatay!" Binato siya ng mga kamay papunta sa kabinet na may salamin at nabasag ito. Tumusok sa kaniya 'yung mga bubog at napadapa sa sahig.

"Gusto ko pang mabuhay. Gusto ko pang makabalik ng buhay." Mahinang niyang saad. Tumayo sa harapan niya ang lalaking walang mata.

"Buhayin niyo ko please. Ayoko pang mamatay." Bumuga na siya ng dugo dahil sa bumaon sa katawan niya ang mga bubog.

May tumulak sa kabinet na nasa tabi ni Sheila at bumagsak ito sa katawan niya. Napasigaw siya sa sakit at unti-unti nang nandidilim ang paningin niya.

"Maawa kayo... 'Wag niyo kong patayin, please." Bulong niya pa at tuluyan na siyang nawala ng malay.

~~

May lumapit na isang batang lalaki kay Sheila at may hawak-hawak itong bubog galing sa salamin na nabasag. Sinaksak niya 'yun sa ulo ni Sheila at umalis na siya kasama ng lalaking walang mga mata.

~~

Nandito naman si Jean sa loob ng Girls' Restroom para umihi. Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa isang cubicle at nang nakita niyang malinis 'yon ay sinara na niya ang pintuan ng cubicle at umuhi na.

Binilisan niya ang pag-ihi dahil sa ayaw niyang makakita ng mga multo. Takot na takot siya kanina dahil marami siyang nakita mula sa labas ng restroom.

Kinuha niya ang phone niya at tinignan kung nay signal na ba pero wala pa rin. Hindi niya matanggap na nasa ibang dimensyon siya dahil sa sobrang takot.

Nang tapos na siyang umuhi ay tumayo na siya at sinuot ang panty at short niya. Flinash niya ang toilet bowl at lumabas na.

Maglalakad na sana siya palabas nang biglang may kumalabit sa kaniya. Napalunok siya at dahan-dahang lumingon.

Pagkalingon niya ay agad siyang napasigaw dahil sa may nakita siyang babaeng nakatayo at pulang pula ang mga mata nito.

Biglang may bumagsak na tali mula sa itaas ni Jean at pumunta ito sa leeg niya at inangat siya sa ere. Napahawak siya sa lubid at pilit itong tinanggal pero hindi niya magawa.

Sumigaw na siya ng tulong pero walang nakakarinig mula sa kaniya. 'Yung babaeng nakita niya kanina ay hinila pa siya pababa para mas lalo siyang masakal.

"Tama... na..." 'Yun na lang ang huling nasabi ni Jean at nawalan na siya ng buhay. Bumagsak na satabi niya ang mga kamay niya at nawala na ang babaeng kaluluwa.

•••• END OF BATCH 8. ••••

Last Batch (Revised Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon