Batch 5.

82 6 3
                                    

Date Published: June 6, 2015
Date Re-Published: July 17, 2019

BATCH 5.

THIRD PERSON'S POV

Naglalakad mag-isa si Laureen sa isang madilim na hallway. Kanina pa siya naiinis dahil sa hindi niya makita ang iba niya pang mga kasama.

Nakakainis naman. Asan na ba sila? Inis na tanong niya sa isip niya.

Nang may nakita siyang nakabukas na pintuan ay pumasok na muna siya do'n upang mag pahinga ngunit napatigil siya nang may nakita siyang isang lalaki na nakahubad at nagpapalit ng damit.

Napatingin kay Laureen 'yung lalaki at ngumiti sa kaniya. Namula naman si Laureen dahil do'n.

"P-pasensya na. Hindi ko alam eh." Nahihiyang saad ni Laureen at iiwas na sana niya 'yung paningin niya nang tinawag siya nang lalaki.

"'Wag kang mahiya. Tayo lang naman 'yung nandito eh." Sabi nang lalaki sa kaniya at naglakad palapit kay Laureen kahit na wala pa siyang suot na damit.

"May kasama ka pa bang iba?" Nang-aakit na tanong nang lalaki. Umiling naman si Laureen bilang sagot sa tanong niya.

Napangisi naman 'yung lalaki kay Laureen at hinawakan siya nito sa kamay at dinala sa isang upuan na malapit sa teacher's table at pinaupo do'n.

Hinalikan ng lalaki si Laureen at leeg nito at napapikit siya. Pagkapikit niya ay naramdaman niyang nakahiga na siya sa isang matigas na bagay at nakatali ang mga kamay at hita niya.

Pagkamulat niya ng mata ay nagulat siya dahil ang nakahubad na lalaki na nakita niya kanina ay wala na doon at napalitan nito ng lalaking nakasuot ng maskara.

"S-sino ka?! Anong gagawin mo sa'kin?!" Sigaw ni Laureen do'n sa lalaki. Wala siyang natanggap na sagot mula sa kaniya.

"A-asan na 'yung lalaki kanina?!" Tanong niya pa sa lalaking nakamaskara. Wala ulit siyang nakuhang sagot.

Tinaas nung lalaki ang hawak niyang lagare at inuna niyang putulin ang kanang hita ni Laureen. Napasigaw siya sa sakit.

Ang sumunod namang putulin sa kaniya ay ang kaniyang kaliwang braso. Nagmamakaawa si Laureen pero hindi siya pinankinggan no'ng lalaki.

Sunod na pinutol naman nung lalaki ay ang kaniyang ulo. May dumating na isang babae sa lugar na 'yun at napatingin sa direksyon ni Laureen.

Napangisi siya nang nakita niya ang putol na bahagi ng katawan ni Laureen. Pinalakpakan niya ng mahina 'yung lalaki at sinenyasan siyang sumunod.

~~

Nandito naman si Jane at nakatayo sa gitna ng hallway. Nagtataka siya kung bakit biglang nawala agad sila Mimi dahil hindi niya napansin na hindi na niya kasama ang mga ito.

Parang isang segundo lang akong napatingin sa room na 'yun, nawala agad sila. Sabi niya sa isip niya.

Kahit na gulong-gulo siya ay naglakad na ulit siya upang hanapin ang mga kasamahan niya.

Habang naglalakad ay nararamdaman niya na para bang may nasunod sa kaniya mula sa likod at nang lilingon na siya ay nanlaki ang mga mata niya dahil may naramdaman siyang mahapdi mula sa bandang dibdib niya.

May nakita siyang kamay do'n at bigla na lang nandilim ang paningin niya.

~~

Nandito naman si Liza at naglalakad mag-isa. Hawak-hawak niya ang phone niya at naghahanap ng signal.

"Bakit naman kasi walang signal eh?" Inis niyang tanong sa kawalan. Napatingin siya sa harap niya nang may narinig siyang yabag ng paa at may nakita siyang isang lalaki na hingal na hingal.

Nilapitan niya ito at sinabing "Okay ka lang? Anong nangyari sa'yo?" Tanong ni Liza do'n sa lalaki.

"A-ayos lang ako. Ikaw? Bakit mag-isa ka lang dito?" Tanong naman nung lalaki kay Liza.

Ayos. Gwapo din siya at pwede na rin siyang pagtyagaan. Komento naman ni Liza sa isip niya.

***

Sa kabilang banda naman ay habang nag-uusap 'yung dalawa ay pinagmamasdan sila ng dalawang tao mula sa malayo.

"Madaling patayin 'yung dalawang 'yun dahil sa malalandi sila." Sabi ng isa sa kausap niya.

"Hintayin na lang natin sila. Mas madali kung unahin muna ang mga madaling malinlang kesa sa mga mahirap maisahan." Sabi naman ng kausap niya at pinanood na lang ulit nila sila Liza.

***

Naglalakad sila Liza at 'yung lalaking nakasalubong niya sa daan. Nakayakap si Liza do'n sa lalaki at nagpapanggap na natatakot siya kahit na hindi naman talaga.

"A-ano pala 'yung pangalan mo?" Tanong ni Liza at mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap niya dito.

"Lexy. Ikaw?" Sagot naman ni Lexy kay Liza. Napatigil sila nang nakita nila 'yung clinic.

"Pasok muna tayo sa loob at baka may maiinom tayo diyan." Pag-aaya ni Liza kay Lexy. Pumasok na silang dalawa loob.

"Ako nga pala si Liza." Sabi niya habang hinuhubad ang suot niyang uniform. Nagulat naman si Lexy dahil sa ginawa niya.

"A-anong ginagawa mo?" Kabadong tanong naman ni Lexy. Nginisian lang siya ni Liza at nilapitan.

"'Wag mong sabihing first time mo?" Nang-aakit na bulong ni Liza kay Lexy at kinagat ang tenga nito.

"'Wag mong sabihing gusto mong gawin dito mismo?" Tanong naman ni Lexy at tumango si Liza sa kaniya.

"Sandali lang. Delikado ang lugar na 'to." Pagpigil ni Lexy nang hinalikan siya ni Liza dahil sa mga nakikita niyang bangkay.

"'Wag mo nang pansinin 'yan. May nangpa-prank lang naman sa'tin eh." Balewalang sagot naman ni Liza at pinagpatuloy lang ang gusto niyang gawin.

Tuluyan ng hinubad ni Liza ang suot niyang uniform at hinalikan si Lexy. Habang naghahalikan ay hinubad na rin ni Liza ang suit na uniform ni Lexy.

Dinala ni Lexy si Liza sa isang kama at hiniga siya doon. Habang naghahalikan silang dalawa sa kama ay hindi nila napansin na may isang lalaking nakamaskara na nanonood sa kanila at may hawak na maso.

Nang hinalikan na ni Lexy sa leeg si Liza dion lang nakita ni Liza 'yung lalaking nakamaskara at nanlaki ang mga mata niya.

"S-sino ka?!" Sigaw agad ni Liza at titingin na sana si Lexy nang agad siyang hinampas ng maso no'ng lalaki. Agad namang naka-ilag si Liza kaya hindi siya nasaktan.

Hindi timigil 'yung lalaki sa kakahampas kay Lexy hanggang sa sumabog na ang ulo na nito at lumabas ang utak. Tumakbo agad si Liza para makaligtas.

Kahit na wala siyang suot na damit ay wala na siyang pakealam doon. Pumasok siya sa isang room at magtatago na sana ng biglang may nagpakitang dalawang bata sa kaniya.

Duguan 'yung dalawang bata at tumatawa habang nakalutang sa ere. Hinawakan nilang dalawa si Liza sa magkabilang braso niya at hinampas sa lahat ng parte ng room.

Humihingi ng tulong si Liza pero walang nakakarinig sa kaniya. Nagmamakaawa na rin siya sa dalawang bata pero hindi sila huminto. Nagsimula na siyang dumura ng dugo dahil sa lakas ng pagkakahampas sa kaniya sa mga pader.

Nang lumutang sila sa ere ay agad nilang binagsak si Liza at tumama ito sa isang sirang table na may patusok sa gitnang parte.

Tumusok kay Liza 'yung matulis na parte sa kaniyang tiyan na naging sanhi ng pagkamatay niya.

END OF CHAPTER 5.

Last Batch (Revised Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon