Batch 6.

92 9 5
                                    

Date Published: June 9, 2015
Date Re-Published: July 17, 2019

BATCH 6.

SHEEN'S POV

Napunta ako sa bandang canteen ng school. Pumasok ako sa loob at naghanap ng pwedeng mainom o kaya makain pero wala akong nakitang kahit na ano. Kaya naman umupo na lang ako sa upuan at nagpahinga ng onti.

Dinukot ko 'yung phone ko sa bulsa at nakita kong wala pa ring signal hanggang ngayon. Mukhang nasa ibang mundo o dimensyon nga kami ngayon. At hindi namin alam kung paano makakaligtas dito o kaya makakauwi.

Napalingon ako sa likod nang naramdaman kong may kumakalabit sa'kin at may nakita akong isang babae na taga ibang school.

"Kuya, buhay ka diba? Tao ka pa diba?" Natatakot niyang tanong at tumango ako. Tumayo ako mula sa kinauupuan ko para alalayan siyang makaumupo at tumabi ako sa kaniya.

"Buhay pa ko. Hindi pa ko patay." Paniniguro ko sa kaniya at napangiti siya sa'kin. Tinignan ko 'yung suot niyang I.D. at binasa ang pangalan niya.

"Sue Reyes... Ako nga pala si Sheen Angeles." Pagpapakilala ko sa kaniya. Napatingin ako sa paligid dahil pakiramdam ko ay may nanonood sa amin ngayon.

"Kanina pa ko takot na takot kasi ang daming patay at multo. Marami na ring namatay mula sa mga kasamahan ko." Sabi niya sa'kin.

"Ako hindi ko alam kung buhay pa ba sila o hindi na. Nagkahiwa-hiwalay kaming lahat ng hindi namin napapansin kung paano." Sabi ko naman.

"Sa dami ng masasamang espirito dito, hindi ko man gustong sabihin pero hula ko patay na rin sila ngayon." Umiling ako sa kaniya. Hindi ako naniniwala. Matatalino at mabilis kumilos ang mga 'yun kaya alam kong buhay pa sila hanggang ngayon.

"Buhay pa sila. At naniniwala ako doon. Hindi sila basta-basta mapapatay ng gano'n-gano'n lang." Sagot ko sa kaniya ng seryoso.

Napabuntong hininga ako at tumayo na. Inilahad ko ang kamay ko sa kaniya at hinawakan naman niya 'yon. Inalalayan ko siyang tumayo at nagsimula na kaming maglakad palabas ng canteen.

Pagkalabas namin mula sa canteen ay agad kong nakita nakita si Mimi na naglalakad papunta sa kung saan kaya naman agad ko siyang sinundan at hinila si Sue. Napunta kami sa madilim na parte ng hallway at binuksan ang flashlight ng phone ko para mahanap si Mimi.

"Anong ginagawa mo? Bakit tayo pumunta dito?" Rinig kong tanong ni Sue at naramdaman kong bumitaw siya sa kamay ko.

"Nakita ko si Mimi kaya sinundan ko siya. Pero ang dilim kaya hindi ko na alam kung saan siya pumunta." Sagot ko sa tanong niya.

"Akala ko may gusto kang gawin sa'kin eh." Napangiwi ako nang narinig ko 'yung sinabi niya. Bakit ba may mga ganitong klase ng babae sa panahon ngayon?

"Hindi kita gusto. May gusto akong iba." Sagot ko at nanahimik na siya. Napalingon ako sa likod at nakita ko si Mimi na may tinuturo mula sa isang room.

"Mi, nandiyan ka lang pala bakit hindi ka nagsasalita diyan?" Tanong ko at pinuntahan siya sa pwesto niya. Napatingin ako sa tinuturo niya at laking gulat ko ay nakita ko si Sue na nakahiga doon sa sahig at punong-puno ng saksak sa katawan.

Napatingin ako sa direksyon ng kasama ko at laking gulat ko ay nasa harap ko na siya mismo at hinawakan niya ko sa leeg ko at sinakal ako. Hinawakan ko siya sa bandang pulsuhan at sinubukan tanggalin ang kamay niya mula sa leeg ko.

Agad naman akong tinulungan ni Mimi at inilayo si Sue mula sa'kin. Napahabol ako ng hininga at napahawak sa pader.

"Mas maganda kung umalis ka na dito. Ako na ang bahala sa kaniya. Mas kailangan ka ng kapatid ko ngayon." Kapatid? Matagal nang patay ang kapatid niya ah.

"Hindi ako si Mimi. Ako si Kriselda. Kaya umalis ka na. Puntahan mo na ang kapatid ko ngayon!" Agad akong napatakbo ng mabilis dahil sa sumigaw na siya sa'kin pero napitigil din ako agad.

"Mag-ingat ka. Kung ikaw nga talaga ang kapatid ni Mi, bumalik ka ng ligtas." 'Yun na lang ang sinabi ko at tumakbo na ko palayo mula sa lugar na 'yun.

~~

MIMI'S POV

Ginagamot ni Jiro ngayon ang paa ko at nilalagyan ng bandage. Buti na lang at marunong maglagay ng bandage si Jiro kaya naman medyo um-okay na 'yung paa ko.

"Pero kailangan mo pa ring magpahinga, Mi. Hindi pwedeng lumala 'yung paa mo." Pagpapaalala sa'kin ni Mond at tumango sa kaniya.

"Nagkahiwa-hiwalay din ba kayo nila Jane?" Tumango ako bilang sagot sa tanong ni Jiro. Napabuntong hininga naman sila.

"Ako nga pala si Jake. Galing ako sa ibang school." Pagpapakilala ng isang lalaki at ngumiti ako sa kaniya.

"Mimi. Nice to meet you." Pagpapakilala ko rin sa kaniya at kinuha 'yung nakalahad niyang kamay sa'kin at hinalikan ang kamay ko. Namula naman ako dahil sa ginawa niya.

"Okay. First of all, we are really in another dimension. Second, delikado dito. Third, hindi natin alam kung paano tayo makakabalik sa sarili nating mundo." Paninimula ni Mond sa'min.

"Fourth, hindi pa natin nakikita o nahahanap 'yung iba." Sabi ko naman sa kanila at napatango. Nanahimik kaming apat at nag-isip.

"School niyo 'to diba? May alam ba kayong lugar kung saan may mga files tayong makikita at baka may makita tayo doon na pwedeng makatulong sa sitwasyon natin?" Suggestion naman ni Jake. Napatingin kaming tatlo nila Mond dahil sa sinabi ni Jake.

"Yung storage room." - Jiro.

"Kaso nga lang baka naiba na rin 'yung pwesto no'n dahil no'ng inikot namin 'tong school kanina ay 'yung iba nawala sa mga lugar na alam natin at 'yung iba naman ay napunta sa hindi natin inaasahang lugar." Napayuko na lang kami dahil sa sinabi ni Mond.

"Guys?! Mond, ikaw ba 'yan?!" Napatingin kami sa sumigaw at nakita namin si Ren at may kasama siyang isang batang lalaki.

"Ren!" Agad akong napatayo at lumapit sa kaniya. Agad ko siyang niyakap ng mahigpit at niyakap niya rin ako pabalik.

"Buti ligtas ka, Mi." Bulong naman niya sa'kin. Naramdaman ko naman na may humila sa palda ko kaya naman tumingin ako sa direksyon na 'yun at may nakita akong cute na bata lalaki.

"Hello, baby. Ano name mo?" Tanong ko do'n sa bata at pumantay ako sa kaniya. Pinisil-pisil ko naman 'yung pisnge niya at agad naman akong pinigilan ni Jake.

"Baka masaktan 'yung bata." Pagpapaalala niya kaya naman agad akong tumigil at nakita kong nakahawak na 'yung bata sa pisngi niya.

"Sorry baby." 'Yun na lang 'yung sinabi ko at tumayo na. Tumingin ako kay Ren at hinintay na ang gusto niyang sabihin sa'min.

END OF CHAPTER 6.

Last Batch (Revised Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon