Date Published: July 17, 2019
BATCH 13.
MIMI'S POV
Kanina pa kami naglalakad pabalik pero hanggang ngayon ay nandito pa rin kami sa hallway. Hindi ko alam kung bakit pero ramdam ko ay parang naikot lang kami dito.
"Jake, hindi ba parang na-ikot lang tayo dito?" Tanong ko sa kaniya at hindi ako pinansin ni Tess. Hindi ko alam kung bakit pero ramdam kong may problema siya sa'kin.
"Hindi ko naman napansin. Pero kanina pa nga tayo naglalakad." Sagot naman niya sa'kin. Tumigil kami sa paglalakad at kumuha ng isang bato si Jake at nilagay 'yun sa isang upuan na nasa tapat lang ng isang room.
"Kapag nakita ulit natin 'yan, ibig sabihin lang talaga no'n ay na-ikot lang talaga tayo dito." Sabi niya at naglakad na ulit kami.
"Jakey, bakit ba kayo magkahawak kamay ng babaeng 'yan?" Tanong ni Tess at tinarayan niya ko. Sila ba? Sinubukan kong alisin 'yung kamay ko na nakahawak kay Jake pero agad niyang hinigpitan 'yun.
"Bakit? Bawal ba? Matagal na tayo wala ah." So, mag-ex silang dalawa. Pero hula ko may feelings pa si Tess sa kaniya.
"So, ibig sabihin ba nito ay pinapaselos mo ko?" Umiling si Jake sa kaniya. Feeling ko nasa love triangle kami pero ang problema nga lang ay kaibigan lang ang tingin ko kay Jake.
"Bakit naman kita papaselosin kung hindi na kita gusto? And besides, ikaw ang nang-iwan diba?" 'Yun na lang ang sinabi ni Jake at hinila na niya ako.
Naramdaman kong sumunod si Tess sa likod namin. Nagulat naman ako nang nakita ko 'yung bato sa upuan na nasa tapat ng isang room.
Napatingin ako kay Jake at tinuro sa kaniya 'yung bato sa may upuan. Nakita ko naman na napabuntong hininga siya.
"Now what? Ano na? Paano na?" Tanong niya sa sarili niya. May nakita naman akong usok mula sa loob ng room.
"Saan naman nanggaling 'tong usok na 'to?" Tanong ko. Napatingin ako sa pwesto kanina ni Jake at wala na siya do'n. Asan na siya?
"Jake? Nandiyan ka ba?" Tanong ko pero wala akong nakuhang sagot mula sa kaniya. Impossible namang iniwan niya ko.
Naglakad ako paharap at nilagay ko sa harap 'yung mga kamay ko para kapain kung may mahahawakan ba ko o wala. Maya-maya lang ay nakalabas na ko mula sa usok pero laking gulat ko ay nandito na ko sa labas.
May nakita akong mga sasakyan at isa sa mga sasakyan na 'yun ay pamilyar sa paningin ko. 'Yun 'yung sasakyan ni Ren.
Pagewang-gewang 'yung sasakyan at maya-maya lang ay bumangga na ito sa isang pader. Agad akong pumunta sa pwesto na 'yun at hindi nga ako nagkamali dahil ito nga 'yung araw ng aksidente.
Lumapit ako sa kapatid ko at sinubukan ko siyang hawakan pero tumagos lang 'yung kamay ko mula sa katawan niya.
"Ate..." Pagtawag ko kahit na alam kong hindi niya rin ako maririnig. Naramdaman kong may tumulong luha mula sa mga mata ko.
Parehas silang walang malay ni Ren at duguan. May mga dumating na mga tao para tumawag ng ambulansya at hindi pa rin natigil ang pag-iyak ko.
THIRD PERSON'S POV
Nandito si Mimi sa tapat ni Jake at naiyak at nakatingin sa kawalan. Kanina pa tinatapik ni Jake ang pisnge ni Mimi pero hindi pa rin siya pinapansin nito.
"Ang weird naman ng pinalit mo sa'kin Jakey." Taas kilay na saad ni Tess. Hindi na lang siya pinansin ni Jake dahil wala rin naman siyang mapapala dito.
"Mi. Hoy!" Inalog-alog ni Jake ni Mimi pero wala pa rin itong nagawa. Nag-aalala na siya dahil baka kung ano na ang nangyari sa kaniya ng hindi niya napapansin.
"Hindi mo siya kayang pakawalan mula sa nakaraan niya." Naptingin si Jake sa nagsalita at may nakita siyang isang batang lalaki na may hawak na puso.
"Anong ginawa mo sa kaniya?" Galit na tanong ni Jake do'n sa bata. Tinawanan lang siya nito at hindi siya sinagot.
"Hindi mo siya kayang pakawalan sa isang masakit na memorya na hanggang ngayon ay hindi niya pa rin kayang kalimutan." 'Yun na lang ang sinabi nang bata at tumakbo na siya paalis na para bang may hinahabol siya.
"Hayaan mo na lang siya. Hindi ko siya maka-move on eh. Iwan na natin siya Jakey." Hindi pinansin ni Jake si Tess.
"Jakey! Ano ba?!" Hinila ni Tess si Jake pero agad naman niyang tinabig ito. Galit na hinarap ni Jake si Tess.
"Bakit ba ang kulit mo?! Kung gusto mong mauna, mauna ka na!" Sigaw ni Jake. Sumigaw naman si Mimi na para bang nagmamakaawang hindi siya iwan.
"Ate, 'wag! Ako na lang! Ako na lang sana ang namatay at hindi ikaw. Sa ating dalawa, ikaw ang mas gusto nila papa na mabuhay kesa sa'kin." Napaluhod si Mimi at humagulgol sa iyak.
Pumantay si Jake kay Mimi at pinunasan ang mga luha nito. Idinikit ni Jake ang noo niya kay Mimi at unti-unti niyang nilapit ang mukha nito.
"Ito lang 'yung naiisip kong paraan para magising ka." Bulong ni Jake at hinalikan na niya si Mimi.
MIMI'S POV
Kanina pa ko naiyak dito dahil sa mga alaalang gusto kong makalimutan pero naalala ko pa rin hanggang ngayon. Simula ng namatay si ate ay lagi na nila akong sinasabihan na dapat ako na lang namatay at hindi siya.
Araw-araw ay 'yun ang naririnig ko mula sa kanila. Kaya naman napunta na ako sa punto na gusto ko ng mawala na lang ng hindi napapansin ng mga tao na nasa paligid ko dahil baka sakali na makita na nila ang halaga ko.
Kunin mo ang kutsilyong 'yan at isaksak mo sa sarili mo. Sabi ng isang boses sa'kin. Kinuha ko 'yung kutsilyo at isasaksak ko na sana sa sarili ko nang...
~~
Nagulat ako nang nakita ko si Jake na sobrang lapit sa mukha ko. Basa rin ng luha ang mga mata ko.
Hinawakan ko siya sa balikat niya at tinulak siya ng mahina. Agad naman siyang humiwalay mula sa'kin at tinignan ako na para bang nag-aalala siya.
"Ayos ka lang?" Tanong niya agad. Tahimik ko lang siya tinignan na para bang naging blangko ang isipan ko.
"Mang-aagaw ka bitch!" Rinig kong sigaw mula kay Tess at susugurin na sana niya ko nang biglang dumating 'yung lalaking nakamaskara at sinaksak siya ng itak mula sa likod.
Hinila ako ni Jake at tatakbo na sana kami nang humarang naman 'yung babaeng naka-itim sa kabilang daanan namin.
"Paano na 'yan?" Tanong ko. Hinawakan ng babaeng naka-itim ang buhok niyang nakaharang sa mukha niya at laking gulat ko nang nakita ko na 'yung mukha niya.
P-pero... Bakit siya? Bakit niya ginagawa 'to?
END OF BATCH 13.
BINABASA MO ANG
Last Batch (Revised Version)
Tajemnica / ThrillerAkala mo mga ordinaryong estudyante lng sila pero hindi pala. Akala mo lang pala. Tandaan maraming namamatay dahil sa maling akala. Kaya kilalanin mo muna kung sino ba dapat ang iyong pagkatiwalaan. Date Created: August 2014 Date Revised: March 26...