Batch 1.

312 13 5
                                    

Date Published: October 22, 2014
Date Re-Published: July 17, 2019

BATCH 1.

MIMI MARQUEZ'S POV

Humuhikab ako habang naglalakad papuntang classroom dahil ito na ang huling araw ng pasukan bago mag graduation.

Kami na ang last batch sa eskwelahan na 'to na ginagamit pa rin ang old curriculum dahil ang mga susunod sa amin na batch ay mga galing na sa k-12 kaya naman bago na ang curriculum nila at nadagdagan pa na ng dalawang taon ang pag-aaral nila sa high school.

Buti na lang talaga at hindi ako naabutan ng k-12 kundi hindi ko na talaga papasukan 'tong school na 'to dahil tamad na tamad na akong pumasok.

Pagkapunta ako sa tapat ng classroom namin ay agad kong nakita sila Sheen at Ren na nag-uusap sa harap ng pintuan kaya naman napatingin sila sa akin nang napansin nila ako at ngumiti.

"Good morning, Mi. Ang aga mo ngayon ah." Bati sa akin ni Ren habang nakangiti ng matamis. Si Sheen naman ay nakangiti din at nginitian ko naman sila pabalik.

"Good morning din. Syempre dapat maaga kasi ito na 'yung huling beses na mag kakasama tayo sa iisang school eh." Sagot ko naman kay Ren at napatawa ng mahina.

"Aalis na si Sheen dahil isasama na siya ng mga magulang niya sa U.S. Ikaw naman Ren ay pupunta na ng Japan dahil sa tatay mo. Ako naman ay mananatili dito mag isa. Malungkot man pero kailangan na din nating tanggapin na magkakahiwalay na tayong tatlo pagka graduate natin dito." Mahaba akong saad sakanila at napayuko.

Hinawakan naman nila ako sa magkabila kong balikat kaya naman tingin ako sakanila at nakita ko na pati rin sila ay nalulungkot din. Napayakap kaming tatlo sa isa't isa at humiwalay na.

"Tara na. Pasok na tayo sa loob at baka hinihintay na nila tayo doon." Pag-aaya ni Sheen at pumasok na kami sa loob.

Nakita namin ang iba pa naming mga kaklase na nag aayos ng mga gamit, may iba naman na nagpi-picture at 'yung iba naman ay nag iiyakan na dahil maghihiwalay na rin sila pag dating ng college.

"Guys, alam kong malungkot tayong lahat ngayon dahil ito na ang huling araw ng pasukan pero may gusto akong sabihin muna sa inyong lahat." Napatingin kaming lahat sa nag salita at nakita namin ang presidente ng klase na si Jane na may hawak na maraming papel.

"Para saan 'yung mga papel na 'yan?" Tanong ni Mikaela kay Jane. Nagsilapitan naman kaming lahat kay Jane at hinintay ang sasabihin niya.

"May gusto akong subukan. Subukan natin 'yung closet to another world game." Sabi niya nang nakangiti sa aming lahat. Napatingin kaming lahat sa isa't isa dahil sa sinabi niya.

"Closet to another world game? Anong klaseng laro 'yun?" Tanong naman ni Sheila kay Jane. Mas lumawak naman ang ngiti ni Jane dahil sa tinanong ni Sheila sa kaniya.

"Ang closet to another world game ay isang laro kung saan may kakailanganin tayong sundin na steps para makapunta sa kabilang mundo o dimensyon." Panimula ni Jane sa lahat.

Napatingin naman kanila Sheen at Ren at nakita kong nagtataka at naguguluhan din sila tulad ng karamihan sa amin.

"Parang elevator game? Ganon?" Takang tanong naman ni Alex at napatango si Jane bilang sagot sa kaniya. Parang gets ko na ng onti pero...

"Sigurado ka bang ligtas 'yan, Jane? Ayoko pang mamatay o kaya kung ano pa man ang pwedeng mangyari na ayokong mangyari sa akin." Saad ko naman sa kaniya.

"'Wag kang mag alala. Ligtas 'to. Saka hindi naman totoo 'tong mga 'to eh. Urban legend o kaya naman usap-usapan lang naman sila eh." Paniniguro ni Jane sa'kin.

"Sige nga. Paano siya gagawin, Jane?" Tanong naman ni Laureen. Nilapag naman ni Jane sa teacher's table ang mga dala niyang papel at huminga ng malalim.

"Makinig kayo ng mabuti ah. Isang beses ko lang sasabihin 'to. At kapag may nalabag tayo dito may possibility na may mangyayaring hindi maganda sa'ting lahat." Pagpapaalala ni Jane sa aming lahat.

"Hindi naman totoo 'yung mga ganiyan eh. Bilisan mo na. Explain mo na." Pagmamadali ni Mond kay Jane. Pinaligiran naming lahat si Jane.

"Una sa lahat, kailangan natin ng isang maliit na papel at marker. Isulat natin ang mga pangalan natin sa papel. Pero dapat patayin na muna natin ang ilaw bago isulat ang pangalan." Paninimula niya at binigyan niya na kami ng mga papel at marker. Pinatay na niya rin muna ang mga ilaw at isinulat na ang mga pangalan namin.

"Ang dilim naman. Hindi ko makita 'yung papel." Pagre-reklamo naman ni Liza sa'min.

"Ganiyan talaga ang rule eh. Bawal ang ilaw kundi failed agad tayo." Sagot naman ni Jane kaya wala nang nagawa si Liza at nanahimik na lang.

"Buti na lang at nakakakita ako sa dilim kahit paano." Rinig kong bulong naman ni Sheen sa tabi ko. Pero mukhang maraming nakakakita sa dilim dito dahil hindi man lang sila nagreklamo kanina.

"Sunod naman ay lalagyan ko ng tubig 'yung isang baso hanggang sa mapuno ito. At 'yung isang baso naman ay walang laman." Sabi pa ulit ni Jane sa'min at nilagyan na niya ng tubig 'yung isang baso.

Pagkatapos lagyan ni Jane 'yung baso ay lumapit siya sa isang cabinet at nilagay doon 'yung dala niyang box. Nilagay niya rin doon 'yung dalawang baso.

"Pwede din namang gawing closet 'tong cabinet diba? Saka parehas lang naman sila diba?" Nagsitawanan kaming lahat dahil sa sinabi niya.

"Ga-graduate na at lahat hindi pa rin alam kung ano ang cabinet at closet." Mas lalo kaming napatawa dahil sa sinabi ni Jean.

"Sa totoo lang, pang isahan lang talaga ang larong 'to pero subukan natin kung pwede ang marami." Sabi ni Jane at pumasok na siya sa loob at umupo sa box.

Nagsisunuran naman kaming lahat at sa kabutihang palaad ay kasya kaming lahat. Buti na lang at malaki 'tong cabinet na 'to.

Sinara na ni Jiro 'yung cabinet kaya naman mas lalo itong dumilim. Hinintay namin si Jane para sa susunod naming gagawin.

"Akin na mga papel niyo para mailagay ko na sa baso na may tubig." Binigay na namin sa kaniya 'yung mga papel at nilagay sa baso.

"Close your eyes at magbilang. 'Yung bilang ay dapat doble ng age nating lahat. Bagalan niyo lang ang pag bibilang saka dapat tugma sa heartbeat natin ang pagbilang." Sabi pa ni Jane at agad namin 'yun sinunod.

"Kapag tapos na magbilang, buksan niyo na mga mata niyo." Dugtong niya pa sa'min at tumahimik na ang paligid.

~~

31... 32...

Binuksan ko na mga mata ko at nakita kong nakabukas na din 'yung mga mata ng iba. Hinintay namin ang sunod na gagawin ni Jane na nakatingin sa dalawang baso.

Kinuha niya 'yung isang baso na may lamang tubig at papel at inilipat niya ang laman nito sa isang baso na walang laman.

Pagkatapos niyang ilipat ang laman ng baso ay napatingin siya kay Mond at sinenyasan niya ito na buksan na ang cabinet at agad kaming nagulat nang dahil sa nakita namin.

Asan na kami ngayon?

•••• END OF BATCH 1 ••••

Last Batch (Revised Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon