Batch 12.

26 3 0
                                    

Date Published: July 17, 2019

BATCH 12.

THIRD PERSON'S POV

Marami ng napapatay 'yung babaeng naka itim at lalaking naka maskara habang hinahanap ang nga natitira pang buhay na tao.

Ayaw nilang may natitirang buhay. Ayaw din nilang may nakakakigtas mula sa kanila kaya lagi nilang pinagtutulungang patayin lahat ng mga taong napunta sa mundo nila.

Wala silang ititirang buhay. Wala din silang hahayaang makabalik sa orihinal nilang mundo at wala din silang hahayang makatakas.

MIMI'S POV

Pagkatapos kong maligo ay agad akong lumabas mula sa cubicle at nakita ko si Jake na nakaupo sa upuan at may tinitignan sa phone niya.

Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya at sinilip 'yung tinitignan niya at nakita kong mga picture 'yun nilang magkakaibigan.

"Wala bang nagsabi sa'yo na masama sumilip nang walang paalam?" Nakangiti niyang saad sa'kin at napatawa ako ng mahina sa kaniya.

"Pasensya na. Masyado ka kasing seryoso eh. Kaya hindi na ko nagsalita pa." Sagot ko naman at tumayo na siya. Tinanggal niya 'yung suot niyang polo at nilagay ito sa bewang ko.

"Masyadong maiksi 'yung short kaya ilalagay ko 'to sa bewang mo." Iwas tingin niyang saad at tumango ako sa kaniya.

"Masyado ka naming gentleman." Pang-aasar ko sa kaniya. Nakita kong namula siya at mas napatawa ako.

"Tara na. Baka hinahanap na nila tayo." Sabi niya at nagsimula na kaming maglakad palabas sa locker room.

SHEEN'S POV

Nandito na kami sa room kung saan kami unang napunta. Nandito sila Mond pero wala si Mimi. Asan na kaya 'yun?

"Binalikan din ni Jake 'yung kaniya sa room kung saan siya unang napunta at sinamahan siya ni Mi." Napatingin ako kay Mond dahil sa sinabi niya.

Jake? Sino 'yun? Takang tanong ko naman sa isip ko.

"Si Jake 'yung bago naming nakilala na napunta din dito dahil da closet game." Paliwanag naman ni Ren sa'kin. Ibig sabihin no'n ay bagong kaibigan din nila.

"Si Gian nga pala." Turo ni Ren do'n sa batang lalaki na natutulog sa hita ng isang babaeng kaluluwa. Buti na lang at may mga mababait na kaluluwa dito kundi baka ubos na kaming lahat.

"Nararamdaman kong nagmamadali na silang patayin kayo." Napatingin kaming do'n sa babaeng kaluluwa dahil sa sinabi niya.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Mikaela sa kaniya at napahawak siya sa bandang tiyan niya. Inalalayan ko naman siyang umupo para kahit paano ay makapagpahinga siya.

"Mas lalong tumitindi ang galit niya sa inyo. At dahil do'n ay mas lalo siyang nagiging determinadong patayin kayong lahat." Sagot niya.

"Bakit gusto niya kaming patayin?" Tanong ni Ren sa kaniya at napa-iling siya. Bakit kaya gusto niya kaming patayin?

"Mas lalo na sa isa niyong kasama. Gustong-gusto niya siyang patayin at kayo din." Dugtong niya pa. Pero bakit? Ano ba 'yung nagawa namin?

"Ang mundong ito ay ang gustong mundo ng nagsimula ng closet game. Kung sino man ang nagsimula, ito ang inaasaam niyang mundo." Paliwanag niya.

"Ibig sabihin ba no'n ay ito rin ang gusto mong mundo?" Umiling siya sa tanong ni Mond at napatingin sa batang lalaki.

"Hindi ko sinasadyang mapunta kami dito na magkapatid. Kakalaro ko pa lang kasi ng Corpse Party kaya ito ang naisip ko agad habang nilalaro ang game." Corpse Party? 'Yung horror game?

"Pero sino ang pumapatay? At bakit? Anong nagawa namin?" Tanong naman ni Mikay sa kaniya.

"Kilala niyo rin ang pumapatay. Dahil isa siya sa inyo. Kasama niyo siyang pumunta dito." Sagot niya. Sino ba siya? Bakit ayaw niyang sabihin kung sino siya?

"Hindi ko alam ang pangalan niya pero isa siya sa mga kasama niyo." Sabi niya pa ulit at napatingin kami sa isa't isa habang iniisip kung sino ang pumapatay.

~~

MIMI'S POV

Naglalakad na kami pabalik ng room kung nasaan sila Mond nang may narinig kaming nag-uusap. Napatigil kami sa paglalakad at tumingin sa isang room.

May nakita kaming isang babae at limang bata at nag-uusap sila sa loob. Napatingin ako kay Jake dahil baka kilala niya 'yung babae dahil sa parehas sila ng uniform.

"Si Tess. Buhay pa pala siya." Sabi niya at dahan-dahan niyan binuksan 'yung pintuan at pumasok. Sumunod ako sa kaniya sa loob.

Napatingin silang lahat sa'ming dalawa at agad na tumayo 'yung babae at lumapit kay Jake. Niyakap niya ng mahigpit si Jake at sinamaan ako ng tingin.

Ano na naman ang ginawa ko at ang sama niyang tumingin sa'kin? Tumahimik na lang ako dito sa pwesto ko at hindi na nagsalita pa.

Hanggang ngayon ay masama pa rin siyang nakatingin sa'kin kaya naman tumingin na lang ako sa limang bata na nakatingin din sa'min.

"Masaya ako na nakita mo na 'yung mata mo." Sabi ko do'n sa batang humingi ng tulong sa'min kanina para mahanap 'yung nawawala niyang mata.

"Salamat po ate, kuya." Sagot naman niya at napangiti ako ng todo sa kaniya. Naglakad ako palapit sa kanila at pumantay sa kanila.

"Pwede ba kong magtanong?" Tanong ko sa kanila at tumango sila. Pinaligiran nila akong lahat.

"Bakit sila pumapatay? At sino sila?" Tanong ko agad sa kanila at nagkatingin sila sa isa't isa bago sumagot.

"Hindi po namin alam ang pangalan nila pero 'yung isa ay kilalang-kilala mo." Kilalang-kilala ko? Sino sa kanila?

"Sino sa kanila?" Tanong ko naman at napayuko sila. Hindi ba nila pwedeng sabihin kung sino siya?

"Pasensya na po ate pero hindi po namin masabi kung ano po ang pangalan niya dahil hindi rin po namin alam eh. Basta po babae siya." Sabi naman ng batang lalaki.

Babae? 'Yung naka-itim na babae? Impossible kung si ate Kriselda 'yun kasi tinutulungan niya kami at kung siya nga ang napatay dapat no'ng una pa lang ay ginawa niya na agad.

"Mi, tara na. Baka hinihintay na tayo do'n." Napatingin ako kay Jake nang tinawag niya ko. Tumayo na ako at nakita kong nasa tapat na ng pintuan 'yung kasama niyang babae.

"Jakey, lets go. Hayaan mo na siya kung gusto niyang makasama pa 'yang mga bata." Maarte niyang saad at naglakad na ko palapit kay Jake.

"Ingat kayo ah." Nakangiti kong saad do'n sa mga bata at naramdaman kong hinawakan ni Jake ang kamay ko. Nakita ko naman na tinaasan ako ng kilay nung babaeng malapit sa pintuan.

Naglakad na kami palabas ng room at bumalik na sa lugar kung saan namin huling nakita sila Mond.

END OF BATCH 12.

Last Batch (Revised Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon