Date Published: July 17, 2019
BATCH 9.
SHEEN'S POV
Natakbo kami sa hallway at hinahabap 'yung iba pa. Nakakapagod na dito at gusto ko ng umuwi talaga. Gusto ko pang mabuhay.
Lumiko at sa kanan at hindi ko napansin ay may nakabanggaan akong tao do'n at nakita ko si Mikaela. Agad ko siyang inalalayang tumayo.
"Asan na 'yung iba? Ba't ikaw lang mag-isa?" Tanong ko at napansin kong umiiyak siya. Agad niya kong niyakap.
"Si Alex, wala na. Patay na siya. May pumatay sa kaniya." Umiiyak niyang saad at niykap siya. Napatingin ako sa likod niya at nakita ko si Alex na nakatayo habang nakatingin sa'ming dalawa at may laslas siya sa leeg.
"Alex..." Napalingon si Mikaela at agad siyang tumakbo palapit sa kaniya at niyakap. Niyakap siya pabalik ni Alex at ngumiti ng malungkot.
"Ginawa ko lang 'to para iligtas ka. Gusto kong makauwi ka ng ligtas. Gusto kitang protektahan sa lahat ng makakaya ko." Lumapit ako sa kanilang dalawa at pinanood sila.
"Pero hindi ko sinabi sa'yo na isakripisyo mo ang buhay mo para sa'kin. Gusto ko pa kita makasama hanggang sa mag college tayo o kaya hanggang sa pagtanda." Sagot naman ni Mikaela sa kaniya.
"Patawad, Mikay. Pero lagi mong tandaan, nandito lang ako palagi at nagbabantay sa'yo. Mahal na mahal kita. Alagaan mo ang anak nating dalawa." Sabi ni Alex at nakita kong hinawakan niya ang tiyan ni Mikaela.
"'Wag kang mag-alala, poprotektahan ko kayo ni baby." Sabi pa niya at hinalikan siya sa labi.
MIMI'S POV
Kanina pa ko hindi mapakali dito sa kinatatayuan ko. Naiwan kaming apat dito nila Jake habang hinihintay na bumalik sila Ren.
"Kung hanapin ko rin kaya 'yung amin? Para lang sigurado." Rinig kong saad ni Jake. Napatingin ako sa kaniya at nakita kong nakatingin din siya sa direksyon ko,
"Samahan kita. Sa mga oras na 'to dapat hindi na tayo maghiwa-hiwalay pa para mas ligtas." Sabi ko naman sa kaniya at tumingin ako kay Mond at tumango siya.
"Mag-ingat kayong dalawa. Dito lang kami ni Gian. Isasara na rin namin 'yung pintuan ng room para mas ligtas. Sumigaw na lang kayo ng invidia para makasiguro kaming kayo nga 'yan." Mahaba niyang saad at umalis na kami ni Jake mula sa lugar na 'yun.
~~
Tumatakbo kami ni Jake papunta sa room na kung saan sila unang dumating dito nang nakita namin 'yung lalaking nakamaskara na may hawak na maso.
Napatigil kami mula sa pagtakbo at naramdaman kong hinawakan ni Jake 'yung kamay ko. Napalingon ako sa likod at nakita ko din 'yung babaeng naka itim na may hawak na palakol.
"Nandito din 'yung babae, Jake. Paano na 'yan?" Tanong ko at napamura siya dahil do'n. Ate, tulong please.
"Layuan niyo silang dalawa ngayon din!" Napatingin kami ni Jake sa nagsalita at nakita namin si ate Kriselda.
May kasama siyang dalawang lalaki na hindi ko kilala pero parehas sila ng uniform mula kay Jake. Napatingin ako sa kasama ko at nakita kong nakatingin din siya sa kanila.
"Jake, ilayo mo na dito 'yung babae! Kami na ang bahala dito! Iligtas niyo na ang sarili niyo!" Sigaw nang isang lalaki.
"Salamat Eric sa tulong mo!" Hinila na ko ni Jake paalis sa lugar na 'yun. Napalingon ulit ako sa kanila at nakita kong pinatutulungan nilang tatlo 'yung mga masasamang espirito.
BINABASA MO ANG
Last Batch (Revised Version)
Mistério / SuspenseAkala mo mga ordinaryong estudyante lng sila pero hindi pala. Akala mo lang pala. Tandaan maraming namamatay dahil sa maling akala. Kaya kilalanin mo muna kung sino ba dapat ang iyong pagkatiwalaan. Date Created: August 2014 Date Revised: March 26...