Batch 3.

114 7 1
                                    

Date Published: January 3, 2015
Date Re-Published: July 17, 2019

BATCH 3.


MIMI'S POV

A-anong? Sino siya?

May nakita akong isang babaeng naka itim na damit at may hawak-hawak siyang isang lalaki sa kamay niya. Hinihila niya ito gamit ng damit nung lalaki. Pero base do'n sa lalaki ay parang tulog siya o kaya patay na siya dahil hindi na siya nakilos pa at may dugo ito sa bandang kamay.

"Siya ang pinakamasamang espirito dito sa mundong 'to. Kailangan mong mag-ingat sa kaniya." Rinig kong bulong sa'kin ni Kriselda. Naramdaman ko rin na niyakap niya ko ng mahigpit mula sa likod.

"Ililigtas kita. Makakauwi ka ng ligtas kanila papa. Pangako 'yan." Bulong niya pa sa'kin at naramdaman ko talaga na ligtas ako sa yakap ng kapatid ko.

"Hintayin lang natin siyang makaalis at hahanpin na natin ang mga kaibigan mo." Tumango ako sa kaniya at hinintay na makaalis 'yung babae.

~~

REN'S POV

Kanina pa ko nagpa ikot-ikot dito sa hallway na 'to at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makita sila Mimi. Paano ba kami nagkahiwa-hiwalay kanina? Ano ba meron sa lugar na 'to at parang biglang nagbago?

Ito pa rin naman ang eskwelahan namin pero bakit parang ang daming nagbago dito? Napatigil ako mula sa paglalakad nang may naramdaman ako na para bang may nasunod sa'kin mula sa likod at napalingon ako. May nakita akong isang batang lalaki na sa tingin ko ay nasa 6-8 years old.

"Bata okay ka lang? Nawawala ka ba?" Nag-aalala kong tanong sa kaniya at nilapitan siya. Tumango naman siya bilang sagot sa'kin kaya naman hinawakan ko siya sa kamay para hindi siya mawala.

"Anong pangalan mo?" Tanong ko. Nakita ko rin na may yakap siyang teddy bear at nararamdaman ko rin ang panginginig niya. Mukhang takot na takot siya.

"Gian po. Kuya, natatakot po ako kasi nakita ko po ate ko na pinatay ng isang lalaki." Napatingin ako sa kaniya at lumuhod sa harap niya.

"Ate mo? Bakit kayo nandito sa eskwelahan namin? Saka pinatay? Ligtas 'tong lugar na 'to." Sabi ko naman sa kaniya at umiling siya.

"Sabi po sa'kin ni ate ay nasa ibang mundo daw po tayo ngayon kasi nilaro po namin 'yung closet game." Sagot niya sa'kin. Tulad ng amin? Pero sabi naman ni Jane ay hindi naman totoo 'yun ah.

"Kuya, tara na po. Tago po tayo dito." Hinila niya ko sa isang room at nagtago doon. Sumilip ako ng onti mula sa pintuan at tinignan kung sino ang dadaan. May nakita kaming isang babaeng naka itim at may hawak siyang palakol.

Naramdaman kong sumiksik sa pwesto ko si Gian kaya naman niyakap ko siya ng mahigpit. Patuloy pa rin sa paglalakad 'yung babae hanggang sa makalagpas na siya mula sa pwesto namin.

"Hindi siya 'yung pumatay kay ate pero nakita ko siya kanina may hinihilang lalaking patay." Sabi ni Gian. Hula ko kailangan ko ng tanggapin na nasa ibang mundo nga kami dahil sa bwiset na closet game na 'yun.

"Ano ba 'tong pinasok namin ngayon? Kailangan kong makita agad si Mimi kundi baka takot na takot na siya ngayon." Nag-aalala kong saad at napatingin sa'kin si Gian.

"Hanapin na natin 'yung mga kasama mo kuya bago pa mahuli ang lahat." Dahan-dahan na kaming lumabas mula sa room at naglakad na kami palayo mula sa lugar na 'yun.

~~

MIKAELA'S POV

Magkasama kami ni Alex at magkahawak kamay. Kanina pa talaga ako natatakot dahil pakiramdam ko ay may nag iba sa eskwelahan namin ngayon.

Last Batch (Revised Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon