Date Published: May 23, 2016
Date Re-Published: July 17, 2019BATCH 7.
REN'S POV
Naglalakad kami ni Gian sa hallway dala-dala namin 'yung mga files na kakailanganin naming ipakita sa iba 'pag natagpuan na namin ang isa't isa.
Hawak ko ang kamay ni Gian para hindi siya mawala o kaya para hindi siya matakot. Naramdaman ko naman napahinto siya kaya naman napahinto din ako at napatingin sa kaniya.
"Kuya, may babae po oh." Napatingin ako sa tinuro niya at nakita si Kriselda kaya naman agad namin siyang nilapitan.
"Babe..." Napangiti siya sa'kin at tinapat ang hintuturo niya sa bandang labi niya kaya napatahimik ako at gano'n din si Gian.
Hinintay namin 'yung susunod na mangyayari at may narinig kaming nag-uusap sa loob ng isang room.
"Kaso nga lang baka naiba na rin 'yung pwesto no'n dahil no'ng inikot namin 'tong school kanina ay 'yung iba nawala sa mga lugar na alam natin at 'yung iba naman ay napunta sa hindi natin inaasahang lugar." Ang boses na 'yun... si Mond?
"Si Mond 'yun ah." Sabi ko sa sarili ko at napatingin kay Kriselda. Napangiti at napatango siya sa'kin. Aalis na sana siya nang bigla ko siyang hinawakan sa braso niya kaya napatigil siya.
"Babe, thank you." Sabi ko at niyakap siya ng mahigpit. Naramdaman ko naman na hinila ako ni Gian palayo kay Kriselda at nakita kong natatakot siya.
"Kuya, patay na po siya. Baka saktan ka niya o kaya patayin ka rin po niya." Sabi niya at napa-iling ako sa kaniya.
"Hindi niya kayang gawin sa'kin 'yan. Mahal ako niyan kahit sa kamatayan eh." Nakangiti kong saad kay Gian at napatingin kay Kriselda.
"Mahal na mahal kita, Ren. Hanggang sa kabilang buhay, hindi magbabago 'yun." Nakangiting saad niya at nagsimula na siyang maglakad.
"Ako na ang bahala kay Sheen. Gagabayan ko rin siya papunta sa kung nasaan kayong lahat. Hindi ko hahayaan saktan niya kayo." Pahabol niyang saad nawala na siya sa isang madilim na parte ng hallway.
Niya? 'Yung babaeng naka-itim at lalaking nakamaskara baa ng tinutukoy niya? Hindi ko na pinansin ang sinabi niya at pumunta na lang sa loob ng room habang hila-hila ko si Gian.
"Guys?! Mond, ikaw ba 'yan?!" Sigaw papunta do'n sa room kung saan narinig ko silang nag-uusap kanina. At pagkapasok ko ay nakita kong nandito sila pwera lang kanila Alex, Mikaela, Jane, Sheila, Laureen, Jean, Liza at Sheen.
~~
Nang umayos na ang lahat ay nagpakilala kami sa mga bagong kasamahan at nagsimula ng magplano.
"So, ang mga pumapatay dito ay ay 'yung babaeng naka-itim at 'yung lalaking nakamaskara." Rinig kong saad ni Jake.
"Nakita ko na 'yung lalaking nakamaskara dahil siya 'yung pumatay sa mga kaibigan ko. 'Yung babaeng naka-itim naman ay hindi pa." Dugtong niya pa.
Pinakita ko sa kanilang lahat 'yung mga files na pinakita sa'min ni Kriselda kanina sa storage room.
"Buti nakita niyo lahat 'to, Ren." Sabi naman ni Jiro sa'kin at napangiti.
"Sa totoo lang, tinuro lang sa'kin ni Kriselda ang mga 'yan habang nasa loob kami ng storage room kanina." Nakita kong napatingin sa'kin si Mimi na para bang nag-aalala.
"'Wag kang mag-alala. Ayos lang ako. Masaya pa nga akong makita siya eh." Paniniguro ko kay Mimi.
"Sino si Kriselda?" Tanong naman ni Mond sa'min. May kinuha naman si Mimi sa bulsa niya at ipinakita ito sa lahat.
"Kamukha po ni ate Mimi 'yung Kriselda. Parehas po silang maganda pero patay na po 'yung Kriselda eh." Sabi naman ni Gian.
"Nakakatandang kapatid ko si ate Kriselda. Hindi kami mapaghiwalay dalawa. Lagi kaming magkasama. Kaya pati sa pagpanaw niya ay nandito pa rin siya." Napahawak si Mimi sa bandang dibdib niya.
"Kasama ko pa rin siya. Pino-protektahan at binabantayan." Dugtong niya pa at napangiti ng malungkot. Hinawakan siya ni Jake sa balikat at napangiti sa kaniya.
"So, pwede nating pagkatiwalaan 'yung kapatid ni Mimi." Sabi naman ni Mond at napatango kaming lahat. Nakita ko naman si Jiro na tahimik at nakatitig sa isang libro.
"Jiro, may problema ba?" Tanong ko sa kaniya at napa iling siya. Nagbasa na lang ulit do'n sa librong binabasa niya.
"Closet to another world game." Rinig kong saad niya at nakuha niya ang atensyon ng lahat na nandito sa room.
"Ang may kakayahang kontrolin ang mundong ito ay ang tao o kaluluwang nagmamay-ari nito." Dugtong niya pa.
"Anong ibig mong sabihin? Nagmamay-ari ng mundong ito?" Takang tanong ni Mond sa kaniya.
"Ang principal ay ang may kakayahang humiling sa mundo kung saan niya gustong mapunta. At siya din ang magde-desisyon kung sino ang magiging magmamay-ari nito." Principal? Anong principal?
"Ang principal 'yung taong nagsimula ng ritual." Sabi naman ni Jake sa lahat. Si Jane ang nagsimula nito kaya alam niya kung anong klaseng mundo 'to.
"Si Jane ang nagsimula. Alam niya kung anong klaseng mundo 'to. Kaya alam kong alam niya kung anong klaseng mundo 'to." Sabi ni Jiro.
"Walang kasiguraduhang makakabalik tayo sa sariling mundo natin dahil sa lahat ng taong ginawa ang ritual ay wala pang nakabalik kahit na isa sa kanila." Dugtong niya pa.
"Pero sabi ni ate may paraan daw pero hindi pa sigurado kung effective. Hindi ko sinabi sa'yo kuya kasi hindi naman ako sure kung effective o hindi eh." Napatingin silang lahat kay Gian dahil sa sinabi niya.
"Ano 'yung paraan na 'yun? Subukan natin baka umepekto." Suhestyon naman ni Mond at napatango kaming lahat sa kaniya bilang pagsang-ayon.
"Kung ano 'yung una niyo pong ginawa para makapunta dito babaliktarin niyo lang po 'yung steps." Babaliktarin lang namin lahat ng 'yun?
"Pwede bang gumamit ng panibago o dapat 'yung luma pa rin? I mean 'yung papel na may pangalan natin. Dapat ba 'yun pa rin ang gamitin o pwede gumawa ng panibago?" Tanong ni Jake.
"Hindi na po nasabi ni ate kanina kasi bigla pong dumating 'yung lalaking nakamaskara at pinatay siya eh." Sagot ni Gian.
Napabuntong hininga kaming lahat dahil sa nalaman namin. Hindi namin alam kung pwedeng gumawa ng panibago o hindi.
"Pero hula ko pwede gumawa ng bago kasi nilagay natin sa baso na may tubig 'yun diba? Ibig sabihin no'n ay natunaw na 'yun." Pagpapaalala naman ni Mimi.
"Saka sa tagal ng oras na nandito tayo na nag-uusap at nagtatago mula sa mga espiritong pumapatay, siguradong tunaw na 'yun sa mga oras na 'to." Sabi pa ni Jiro.
"Kuha at maghanap tayo ng papel at baso. Pwede rin namang balikan natin 'yung mga classroom kung saan tayo unang nanggaling para kunin 'yung mga gamit do'n." Sabi ni Jake at tumango kami.
"Dito tayo magkita-kita ulit. Mi, Jake, Mond, iwan na lang naming muna kayo dito at samahan niyo si Gian. 'Wag kayong aalis dito kahit na anong mangyari." Sabi ko kanila Mond at binigay sa kaniya si Gian at tumango sila.
"Gian, magpakabait ka ah. Sumunod ka sa mga kuya at ate mo. 'Wag matigas ang ulo." Tumango siya at hinawakan 'yung kamay ni Mond.
"Sama ako sa'yo, pre." Sabi ni Jiro at tumakbo na kami palabas mula sa room na 'yun.
END OF CHAPTER 7.
BINABASA MO ANG
Last Batch (Revised Version)
Mystery / ThrillerAkala mo mga ordinaryong estudyante lng sila pero hindi pala. Akala mo lang pala. Tandaan maraming namamatay dahil sa maling akala. Kaya kilalanin mo muna kung sino ba dapat ang iyong pagkatiwalaan. Date Created: August 2014 Date Revised: March 26...