Date Published: July 17, 2019
BATCH 16.
THIRD PERSON'S POV
Tutulungan na sana ni Jake si Mimi nang bigla siyang hinawakan no'ng lalaking nakamaskara sa braso at tinulak sa pader.
Nauntog siya do'n at napahawak sa noo niya na tumama. Napa-ilag siya sa kamao nang lalaki at sinipa ito sa bandang tiyan.
Nang napahawak sa tiyan 'yung lalaki ay sinuntok niya ito sa mukha hanggang sa natanggal ang suot nitong maskara.
Nagulat si Jake sa nakita niya dahil sa basag ang mukha nito at halos hindi na makilala dahil sa sobrang pagkabugbog.
Dahil sa natanggal ang maskara niya ay nagalit 'yung lalaki at sinugod si Jake. Hinawakan ni Jake ang braso no'ng lalaki para pigilan ang ang pagsaksak nito sa kaniya.
Sinipa niya ulit ito sa tiyan kaya naman nawala ito sa balanse. Kukunin na sana ni Jake 'yung itak nung lalaki nang biglang may humawak sa paa niya at nakita niya si Tess.
Tinutulungan ni Tess 'yung lalaki. Dahil sa hanggang ngayon ay may gusto pa rin siya kay Jake at hindi pa rin nakaka-move on kaya niya gustong mapatay si Jake.
"Bitawan mo ko. Kahit kailan, hinding-hindi na ko magiging iyo." Sabi ni Jake at inapakan niya si Tess gamit ng isa niyang paa.
Dahil sa napunta kay Tess ang buong atensyon niya ay hindi niya napansin na nasa likod na niya 'yung lalaki at sinaksak sa bandang balikat niya ang itak na hawak nito.
"Ahhh!" Daing ni Jake at npaluhod ito sa sahig. Sasaksakin na sana siya nang lalaki at napatingin sila sa direksyon nila Mimi.
Hawak-hawak ni Mimi sa leeg si Jane kaya naman pinuntahan sila nang lalaki at pumunta sa likod ni Mimi ng hindi niya napapansin.
"M-Mi!" Napatingin si Mimi sa direksyon ni Jake. Nang nakita niyang nakaluhod si Jake sa sahig ay habang nakahawak sa balikat niyang may dugo.
Lilingon na sana si Mimi sa likod niya nang...
"Mimi!" Rinig niyang tawag sa kaniya ni Sheen. Nagulat na lang siya nang nakita niya si Sheen sa likod niya at may saksak sa balikat dahil agad na nahawakan nila Mond ang kamay at braso no'ng lalaki kaya hindi nagalusan ng malala si Sheen.
Dahil sa binitawan ni Mimi si Jane ay agad siyang tinulak ni Jane kaya naman bumangga siya kanila Sheen at napa-upo silang apat sa sahig.
Dahan-dahan namang lumapit si Jake sa kutsilyo na malapit sa kaniya at binigay kay Mimi. Napunta naman ito malapit sa paa ni Mimi.
"Ang kulit niyo rin ah. Bakit ba kayo nagmamadaling mamatay?" Nakangising tanong ni Jane sa lahat. Hinawakan ni Jane si Mimi sa buhok at kinaladkad ito.
"Aaah!" Daing ni Mimi at napahawak sa kamay ni Jane at pilit itong tinatanggal ang pagkakapit nito sa buhok niya.
Nang naabot na ni Mimi 'yung kutsilyong inabot sa kaniya ni Jake ay kinuha niya na iyon at agad na sinaksak sa tiyan ni Jane.
"Aah!" Napatingin si Jane sa bandang tiyan niya at napaluhod. Mas diniin pa ni Mimi 'yung pagkakasaksak niya kay Jane at binitawan na 'yung kutsilyo.
Agad namang lumapit si Jake kay Mimi at agad itong niyakap ng mahigpit. Dumating naman si Kriselda at pinigilan si Axel.
"Umalis na kayo dito! Bilis. Ako na ang bahala kay Axel!" Sigaw ni Kriselda at dumating naman 'yung mga namatay na kaibigan ni Jake.
"Kami na ang bahala dito. Umuwi na kayo ng ligtas!" Sigaw ni Eric kaya naman inalalayan ni Jake si Mimi para umalis na mula sa lugar na 'yun.
"Ate, ingat ka." Sabi ni Mimi ng hindi pa siya masyadong nakakalayo. Ngumiti naman sa kaniya si Kriselda at tuluyan na silang umalis mula sa lugar na 'yun.
Naglalakad na sila pabalik sa room na pinanggalingan nila nang biglang nagkaroon ng malakas na lindol. Na out of balance silang lahat dahil do'n.
Nagsimula na ring magsihulugan ang mga kisame at gumuho na rin ang sahig dahil sa lakas ng lindol. Inalalayan nilang lahat ang isa't isa hanggang sa makabalik sila sa room kung saan nila iniwan ang iba.
Nang nakalapit na sila do'n sa room na 'yun ay agad silang tinulungan ni Alex at pinapasok sa loob ng silid aralan. Agad namang binigay ni Rian si Gian sa kanila.
Binuhat ni Ren si Gian at agad silang pumasok sa loob ng kabinet at umupo sa malaking box. Tumingin muna sila kanila Alex.
"Mag-ingat ka babe. 'Wag mong pababayaan ang sarili mo." Sabi ni Alex kay Mikaela at hinalikan ito.
"Kayo na ang bahala kay Gian. Maraming salamat." Sabi naman ni Rian sa kanila.
Sinara na nila Rian ang pintuan ng kabinet at sinimula na nilang baliktarin ang steps ng ritual.
Inihada na nila 'yung mga gamit na una nilang ginamit at binaligtad ang mga ginawa nila kanina bago sila mapunta sa delikadong lugar na 'yun.
Pinikit na nila ang mga mata nila...
~~
MIMI'S POV
Binuksan ko ang mga mata ko at wala akong makita dahil sa sobrang dilim ng paligid. Napatingin ako sa sinasandalan ko at nakita ko si Jake na natutulog.
Dahan-dahan kong inayos ang pagkaka-upo ko at onti-onting binuksan ang pintuan ng kabinet. Nakita ko naman na napagalaw si Mond.
"Asan na tayo?" Mahinang tanong niya sa'kin. Hindi ako nakasagot sa kaniya dahil hindi ako sigurado kung na saan na kami ngayon.
Lumabas siya mula sa kabinet at binuksan ang flashlight mula sa phone niya at lumapit sa switch ng ilaw at binuksan ito.
Nakita namin 'yung room na nasa dating ayos nito bago kami mapunta sa delikadong lugar na 'yun. Dahan-dahan akong lumabas at tinignan ang paligid.
"Naka-uwi na ba tayo? Nandito na ba talaga tayo sa mundo natin?" Paniniguro sa kay Mond.
"Nandito na ba tayo? Naka-uwi na ba tayo?" Tanong din ni Mikaela at lumabas na siya mula sa kabinet. Nagsisunuran na 'yung ibang lumabas.
"Tignan kaya natin kung tagumpay 'yung ginawa natin." Suhestyon naman ni Ren sa lahat at sumang-ayon naman kami.
Inalalayan naman ni Jiro si Sheen na may sugat pa sa balikat. Napa-akbay naman si Mond kay Mikaela nang nakita niyan balisa ito.
Buhat-buhat pa rin ni Ren si Gian na hanggang ngayon ay tulog pa rin. Isa-isa na kaming sumunod kanila Ren at hinintay ko si Jake na lumabas mula sa kabinet.
Nang nagtaka na ko kung bakit hindi pa siya lumalabas ay tinignan ko na siya at nilapitan. Tinapik ko siya ng mahina at gumalaw naman siya.
Napahawak ako sa bandang dibadib ko ng nalaman kong buhay pa siya. Tumingin siya sa'kin at ngumiti ng matamis.
Inalalayan ko siyang tumayo at lumabas mula sa kabinet. Naglakad na kami at sumunod sa iba pa. Nang naabutan na namin 'yung iba pa ay tahimik lang kaming naglalakad at hinahanap ang daang palabas.
"Kailangan nating pumunta ng ospital para sa mga sugat ng iba." Suhestyon ko at tumango sila. Tumahimik na ulit kami at pinakiramdaman ko ang paligid.
Wala namang akong nararamdamang kakaiba dito sa lugar na 'to. At alam kong ganito ang alam kong pakiramdam pag dating sa school na 'to.
Alam ko at sigurado akong nakabalik na kami sa totoo naming mundo. Wala na kami sa delikadong lugar na 'yun. At sigurado na talaga ako.
Nang nakita na namin 'yung daang palabas ay agad kaming napatingin sa isa't isa at binuksan agad 'yung pintuan.
Napangiti kaming lahat nang nakumpirma na talaga namin na naka-uwi na kami. May dumating na dalawa guard at lumapit sa amin.
"Alam niyo bang mahigit isang linggo na kayong hinahanap ng lahat dito? Anong nangyari sa inyo? Bakit duguan ang dalawa sa inyo? At bakit ang dumi niyo ring tignan?" Tanong sa amin ng dalawang guard.
"Kuya, papuntahin niyo na po muna kami ng ospital bago po lumala 'yung mga tama nila." Sabi ni Mond at agad naman na sinunod 'yun ng mga guard.
END OF BATCH 16.
BINABASA MO ANG
Last Batch (Revised Version)
Mystery / ThrillerAkala mo mga ordinaryong estudyante lng sila pero hindi pala. Akala mo lang pala. Tandaan maraming namamatay dahil sa maling akala. Kaya kilalanin mo muna kung sino ba dapat ang iyong pagkatiwalaan. Date Created: August 2014 Date Revised: March 26...