Batch 4.

89 8 3
                                    

Date Published: May 28, 2015
Date Re-Published: July 17, 2019

BATCH 4.

MIKAELA'S POV

Napahinto ako mula sa paglalakad nang may naramdaman akong kakaiba. Napalingon ako sa pinanggalingan ko dahil pakiramdam ko ay may nangyaring masama kay Alex.

Hindi dapat ako bumalik. Kailangan kong hintayin si Alex. Sabi ko sa isip ko at pumasok ako sa isang room at doon nagtago muna habang hinihintay si Alex.

Sana ligtas siya.

MIMI'S POV

Nasa hallway ako at hinahanap sila Ren na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mahagilap. Nasan na kaya sila? Sana ligtas lang sila.

"Mi, iwan muna kita mag-isa dito. Darating agad ako 'pag alam kong nasa panganib ka. Hindi ako pwedeng makita ng ibang espirito dito." Sabi ni ate at tumango ako. Niyakap na niya muna ako at nawala na siya ng parang bula.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at nilabas na ang phone ko dahil sa sobrang dilim ng paligid. Binuksan ko 'yung flashlight at dahan-dahan nagpatuloy sa paglalakad.

Paano kaya nangyari 'to? Ganito ba talaga ang school na 'to sa ibang mundo o dimensyon? Sobrang nakakatakot. Paano kaya nagkatotoo 'yung larong 'yun? Marami pa talaga akong tanong na hindi ko alam kung ano ang sagot.

Maya-maya lang ay napatigil ako sa paglalakad dahil sa may nakita akong isang lalaking nakatayo sa harap ko. Nang nakilala ko siya ay agad ko siyang nilapitan at tinawag.

"Alex, buti nakita kita. Asan sila Mond? Bakit mag-isa ka lang?" Tanong ko agad sa kaniya at tumingin siya sa'kin.

"'Wag kang mag-alala. Nagkahiwalay lang kami ni Mikay pero nakakasiguro akong ligtas siya." Sagot niya sa'kin. Napahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi niya.

"Sila Mond naman, hindi ko alam kung nasaan na sila o ligtas ba sila. Ang alam ko lang ay nagkahiwalay na kami no'ng pagkalabas namin ng classroom kanina." Dugtong niya pa sa'kin.

"Sana okay lang sila. Delikado pa naman dito dahil sa may pumapatay at may ibang tao rin na nandito ngayon at hindi lang tayo." Sabi ko naman.

"Ako na ang bahala kay Mikay. Hanapin mo na sila Sheen. Mag-ingat ka, Mi." 'Yun na lang ang sinabi niya at naglakad na siya paalis pero agad siyang tumigil kaya nagtaka ako.

"'Wag kang liliko diyan sa daanan na 'yan kundi mapapahamak ka."At iniwan na niya ako ng tuluyan dito. Parang may kakaiba sa kaniya pero hindi ko na lang pinansin 'yun dahil baka nag-aalala lang siya kay Mikaela.

Nang nawala na si Alex sa paningin ko ay naglakad na ulit ako sa kabilang daanan at napatigil ako agad dahil sa may nakita akong isang lalaking naka itim na may suot na maskara at may hawak na lagare.

Kaya naman tumakbo agad ako papunta sa dinaanan ni Alex at naghanap ng lugar kung saan pwedeng magtago muna. Napatingin ako sa likod ko at nakita kong hinahabol ako ng lalaking nakamaskara.

Dapat pala nakinig ako kay Alex kanina o kaya sana sumama na ako sa kaniya kanina. Ayoko pang mamatay at gusto ko pang mabuhay ng mas matagal kesa dito.

"Ayoko pa pong mamatay. Ate, asaan ka na?" Natatakot kong bulong sa sarili ko at nadapa ako nang hindi ko nakita na may isang nakataas na sahig.

"Aray!" Napatingin ako sa paa ko at sinubukan kong igalaw 'yun at agad akong napangiwi nang may naramdaman akong hapdi. Napatingin ako sa harap ko at nakita ko 'yung lalaking nakamaskara na huminto.

Last Batch (Revised Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon