Date Published: July 17, 2019
BATCH 10.
MIMI'S POV
Hawak-hawak pa rin ni Jake 'yung kamay ko habang natakbo papunta sa lugar kung saan silang unang napunta dito.
Kanina pa kami natakbo kaya napapagod na ko. Napahinto ako sa kakatakbo kaya napahinto din siya. Hinabol ko ang hininga ko at napatingin siya sa'kin na para bang nag-aalala siya.
"Ayos ka lang ba? Tara hanap muna tayo ng lugar kung saan pwede tayong magpahinga." Pag-aaya niya at pumasok kami sa pintuan.
Nakita naming isang locker room 'yung pinasukan namin at sinara ang pinto. Umupo ako sa upuan at do'n hinabol ang hininga ko.
Napaluhod sa harap ko si Jake at tinignan ng ako mabuti. Halata sa mga mata niya na nag-aalala siya sa'kin. Kinuha niya 'yung panyo niya mula da bulsa at pinunasan ang pawis ko sa noo.
"Dapat sinabi mo agad sa'kin kung napapagod ka na." Nakangiti niyang saad sa'kin at napatawa ako ng mahina sa kaniya.
"Ayoko namang maging pabigat. Gusto kong makatulong kahit na natatakot na ko." Sagot ko naman sa kaniya.
"Okay lang naman kung sasabihin mo sa'kin na pagod ka na. Napapagod din naman ako at kailangan kong maging malakas sa harap mo para hindi ka matakot." Sabi naman niya sa'kin.
"Pagbalik natin sa mundo natin, magkita ulit tayo. Gusto kitang makilala pa." Napatango ako at ngumiti sa kaniya.
"Sige. Haha. Tara na nga. Puntahan na natin 'yung room niyo." Pag-aayo ko at tumayo na ko mula sa kinauupuan ko.
Pagkabukas namin ng pintuan ay may nakita kaming isang batang babae na tanggal ang isang mata. Agad na pumunta sa harap ko si Jake na para bang gusto niya kong protektahan.
"Dito ka lang sa likod ko. Po-protektahan kita kahit na anong mangyari." Napahigpit 'yung pagkakamahawak ko sa kamay niya.
"Mag-ingat ka, Jake." Bulong ko at tumango siya. Nakatingin lang sa'min 'yung batang babae at tumatawa ng mag-isa.
"Hindi ba natin siya pwedeng kausapin man lang. Baka naman pwede siyang paki-usapan diba?" Suhestyon ko kay Jake.
"Bata, baka naman pwede mo kaming pakawalan diba? Mabait na bata ka naman diba?" Saad ni Jake do'n sa bata at tumingin siya ng inosente sa'min.
"Ate, kuya, papakawalan ko po kayo basta may kapalit." Nagkatinginan kami sa isa't isa dahil sa sinabi nang bata.
"A-ano 'yung kapalit?" Tanong ko naman sa kaniya. Tinuro niya 'yung parte ng mukha niya kung saan nawawala ang isa niyang mata.
"Pakihanap po. Hindi ko po alam kung saan ko naiwala eh." Sabi niya at napahinga ako ng malalim. Napatingin sa'kin si Jake at binalik niya do'n sa bata ulit ang tingin niya.
"Sige. Hahanapin namin. Pero sa naaalala mo, saan mo huling nakita 'yung mata mo bago mo mawala?" Sabi ni Jake at napa isip 'yung bata.
"Hindi ko po alam eh. Basta nasa isang room na punong-puno ng dugo." Sagot niya at nawala na siyang ng parang isang bula.
"Bibigyan ko lang po kayo ng dalawang oras para mahanap ang mata ko. At 'pag hindi niyo po nahanap, papatayin ko po si ate na maganda at akin ka na po kuya." Pahabol na saad nang bata sa'min.
"Room na maraming dugo? Ang hirap naman no'n. Hindi pa naman natin nakikita lahat ng room dito." Sabi ko naman.
"Hanapin na lang natin bago pa matapos 'yung dalawang oras. Ayokong makulong dito at ayokong patayin ka niya." 'Yun na lang ang sinabi ni Jake at naglakad na siya.
Agad naman akong sumunod sa kaniya at hinawakan niya ulit 'yung kamay ko ng mahigpit. Bawat room na madadaanan namin ay sinisilip ko para makita kung may puro dugo ba do'n o wala.
"Jake, b-bakit niyo nga pala sinubukang gawin 'yung game?" Tanong ko. Hindi ako sanay sa katahimikan na bumabalot sa'ming dalawa.
"Trip lang naming magkakaibigan. Saka hindi naman kasi totoo 'yung game kaya ginawa namin kahit na hindi namin alam kung paano bumalik sa sarili nating mundo." Sagot niya.
"So, lahat pala tayo ay 'yun ang nasa isip. Nilaro natin 'yung laro dahil sa hindi naman siya totoo pero nagkatotoo siya." Sabi ko naman.
"'Yun din ang pagkakamali nating lahat. Naniwala tayo na hindi siya totoo pero totoo pala talaga siya." Sabi niya at napatigil sa paglalakad.
Napatingin ako sa kaniya at nakita kong nakatingin siya sa isang room. Sumilip din ako sa room na tinitignan niya at nakita ko si Liza na wala ng buhay at napansin kong wala siyang suot na saplot sa katawan.
"Si Liza, patay na." Sabi ko at pumasok sa loob. Nakita kong punong-puno ng dugo ang buong room at dahan-dahan akong naglakad.
"Baka nandito 'yung mata ng bata." Sabi ko at dinukot ang phone ko at binuksan ang flashlight. Hinanap ko na 'yung mata mula sa sahig na puno ng dugo.
"Tulungan kita sa paghahanap." Rinig kong saad ni Jake at nagbukas na rin siya ng flashlight.
~~
Kanina pa kami naghahanap at hanggang ngayon ay hindi pa rin namin nakikita 'yung mata na 'yun. Kanina pa nanginginig dahil sa sobrang daming dugo.
"Mimi, pwede ka namang tumigil sa paghahanap kung natatakot ka na." Umiling ako sa kaniya bilang sagot kahit na alam kong hindi niya ko nakikita.
"Okay lang ako. 'Wag kang mag-alala. Hahanapin ko rin 'yung mata niya para matapos na agad 'to." Sagot ko naman sa kaniya.
Habang naghahanap ako ay napalapit ako sa bangkay ni Liza at do'n ko nakita 'yung nawawalang mata nang bata.
"Jake, nakita ko na 'yung mata." Pagtawag ko sa kaniya agad siyang lumapit sa pwesto ko ay tinignan 'yung bangkay ni Liza.
Kukunin na niya sana 'yung mata mula sa bangkay nang biglang hinawakan ni Liza 'yung kamay niya at tinulak niya si Jake pahiga sa sahig.
"Kailangan kitang patayin para mabuhay ulit ako." Rinig kong saad ni Liza at sinasakal niya si Jake. Sinusubukan naman siyang itulak ni Jake para makawala.
"Bitawan mo siya, Liza!" Hinawakan ko si Liza sa balikat niya at sinubukan ko din siyang hilahin palayo mula kay Jake.
"Manahimik ka diyan!" Sigaw niya sa'kin at hindi ko alam kung paano pero parang may malakas na pwersa na tumama sa'kin at lumipad ako papunta sa pader.
Tumama 'yung likod ko do'n sa pader at napa-upo sa sahig. Unti-unti ng dumidilim 'yung paningin ko at maya-maya lang ay nawalan na ko ng malay.
~~
THIRD PERSON'S POV
Pagkawala ng malay ni Mimi ay agad na hinawakan ni Jake si Liza sa bandang mukha niya gamit ang kaliwang kamay at sinikmuraan ito gamit naman ng isa niya pang kamay.
Tinulak niya si Liza sa gilid at sinipa-sipa ito. Hindi pa siya nakuntento kinuha niya pa 'yung kutsiylo na nakalagay sa teacher's table at tinadtad niya ng saksak si Liza.
Nang nakuntento na si Jake ay agad niyang nilapitan si Mimi na wala pa ring malay at napangiti.
"Buti nawalan lang siya ng malay." Nakangiting saad ni Jake at lumapit siya ulit kay Liza at kinuha 'yung mata ng bata.
Napatingin siya sa pintuan at nakita niya do'n 'yung batang babae at agad niyang binigay sa kaniya 'yung mata niya.
"Salamat po kuya. Tutulong din ako para makauwi kayo ng ligtas pero isang beses lang ah." Nakangiting saad nung bata at nawala na siya.
Nilapitan ulit ni Jake si Mimi at binuhat niya ito at naglakad na siya paalis mula sa room na 'yun habang bitbit niya si Mimi sa braso niya.
END OF BATCH 10.
BINABASA MO ANG
Last Batch (Revised Version)
Misterio / SuspensoAkala mo mga ordinaryong estudyante lng sila pero hindi pala. Akala mo lang pala. Tandaan maraming namamatay dahil sa maling akala. Kaya kilalanin mo muna kung sino ba dapat ang iyong pagkatiwalaan. Date Created: August 2014 Date Revised: March 26...