Date Published: July 17, 2019
BATCH 17.
MIMI'S POV
Halos tatlong araw na ang nakakaraan simula nang nakabalik kami sa orihinal naming mundo. Lagi tinatanong ng mga mga magulang namin kung anong nangyari pero wala kaming ma-isagot sa kanila.
Sino nga naman ang maniniwala sa sasabihin namin diba? Wala namang maniniwala na nagkatotoo 'yung closet to another world game na 'yun. Magmumukha lang kaming tanga 'pag sinagot namin 'yan sa kanila.
Nandito pa rin kaming lahat sa ospital at nagpapalakas at nagpapahinga. Naka-upo ako sa upuan na nasa tabi ng kama ni Jake at tahimik habang ang iba naman ay nag-uusap.
"Sa tingin niyo, tama ba talaga 'yung desisyon natin na hindi sabihin sa kanila ang tungkol sa totoong nangyari?" Tanong ni Jiro sa lahat.
"Oo. Wala naman maniniwala sa'tin kung sasabihin natin sa kanila ang totoo eh." Sagot naman ni Mikaela.
"Baka sabihin pa nila ay naka-drugs tayo 'pag sinabi natin 'yan sa kanila." Sagot naman ni Mond.
"Magmumukha lang tayong baliw 'pag sinabi natin 'yan sa kanila." Sagot ko naman.
"Hindi nila tayo paniniwalaan dahil sa hindi naman sila ang naka-experience ng ganito. Kaya 'wag na tayong magsayang ng laway para magsabi ng totoo." Sabi naman ni Sheen.
"Hindi ba kayo nagtataka? Bakit parang hindi man lang hinahanap sila Liza, Alex, Laureen, Sheila, Jean at Jane ng mga magulang nila?" Takang tanong ni Ren sa'min.
Ngayon na sinabi niya 'yun ay tama siya. Nagtataka din ako kung bakit hindi nga sila hinahanap ng mga magulang nila eh kasama din namin silang nawala ng halos isang linggo.
"Akala ko, ako lang nakapasin no'n." Sabi naman ni Jiro. Napayuko kaming lahat at napa isip. Bakit nga kaya hindi sila hinahanap?
Napatingin kaming lahat sa pintuan nang may kumatok do'n. Nang bumukas ito ay nakita namin 'yung dalawang pulis at pumasok sa loob.
"Magandang hapon sa inyo mga bata. Kamusta ang pakiramdam niyong lahat?" Tanong ng isang pulis at napatingin sa paligid.
"Ayos lang po kami, sir." Sagot ni Mond sa kaniya. Umayos kaming lahat ng upo pwera lang kanila Jake at Gian na natutulog pa rin hanggang ngayon.
Umupo naman 'yung dalawang pulis sa harap naming lahat at may kinuhang maliit na notebook naman 'yung isa mula sa bulsa niya.
"Sabihin niyo nga sa'min, ano ba talaga ang nangyari sa inyo?" Tanong ng isang pulis. Napatingin kaming lahat sa isa't isa.
"'Wag kayong matakot mga bata. Hindi namin kayo sasaktan." Paniniguro ng isang pulis sa'min. Wala pa ring sumagot sa kanila kaya naman napabuntong hininga silang dalawa.
"Ano bang meron at ayaw niyong sabihin sa'min?" Tanong ulit ng isang pulis at napakamot ng ulo.
"Alam niyo po ba 'yung tinatawag ng iba na closet game? O mas kilala sa tawag na closet to another world game." Paninimula ko. Napatigin silang lahat sa'kin.
"Mi! Alam mong walang maniniwala sa'tin." Pagpapaalala naman ni Ren sa'kin at tumango ako.
"Hindi. Sige iha, ituloy mo lang." Pagpu-pursige naman ng isang pulis sa'kin.
"Ginawa po namin 'yung ritual na 'yun at napunta kami sa isang mundo na ibang-iba po dito." Pagpapatuloy ko sa kanila.
"May mga multo at may pumapatay po sa kanila. Napatay po nila 'yung anim na kasama namin at 'yung ate ni Gian pati na rin po 'yung ga kaibigan ni Jake." Pagpapatuloy naman ni Jiro.
Wala ng nagawa 'yung iba kaya naman hinayaan na lang nila na magsalita kami at sabihin sa dalawang pulis ang totoong nangyari. Maniwala man sila sa'min o hindi at least, sinabi na namin sa kanila ang totoo.
"Closet to another world game. 'Yan 'yung pinag-uusapan ng mga kabataan ngayon sa social media." Sabi ng isang pulis.
"Sigurado ba kayo dito? Baka naman naka-drugs kayo ah." Pag-akusa naman ng isang pulis sa'min.
"Ito 'yung dahilan kung bakit ayaw naming magsalita sa tuwing tinatanong niyo kami." Komento naman ni Mond.
Napa iling na lang kaming lahat dahil do'n at nanahimik na lang. Kung ayaw nilang maniwala, edi 'wag. Hindi namin sila pipiliting maniwala dahil hindi naman nila naranasang manatili sa lugar na 'yun.
"Pero may iba pa kayong kasama? Pero bakit sa report sa'min ay kayo-kayo lang din ang nawawala?" Napatingin kaming kahat sa kanilang dalawa.
Anong ibig nilang sabihin do'n? May nangyari ba na hindi namin alam? O baka naman may epekto ang larong 'yun ng hindi nasabi sa'min ni ate?
"Ang mga report lang sa'min na nawawalang estudyante ay sina:
1. Mimi Marquez
2. Sheen at Jiro Angeles
3. Ren Seirin
4. Mond Agoncillo
5. Mikaela Serez
6. Gian Renato at si...
7. Jake Lorenzo Arcias.Kayo-kayo lang ang mga nireport sa'min na nawawala." Nanlaki ang mga mata namin dahil sa sinabi nila.
Seryoso? Bakit wala sila Alex? Hindi ba napansin ng mga magulang nila na nawawala din sila kasama namin?
"P-paano po sila Alex Perez? 'Yung iba naming kaklase na kasama namin sa delikadong game na 'yun?!" Sigaw naman ni Mond.
Agad namang pinigilan nila Ren at Jiro si Mond bago pa siya tuluyang mag-wala. Napatingin ako kay Mikaela at nakita kong nakayuko siya at hindi makapaniwala.
"Sigurado po ba kayo na walang report tungkol kanila Alex Perez, Jane Sarmiento, Jean Estrada, Liza Octurian, Sheila Alcantara at Laureen Samiento?" Paniniguro ko.
"Wala po ma'am pero titignan namin ang tungkol diyan. Babalitaan na lang namin kayo 'pag may nakalap na kaming impormasyon tungkol sa kanila." 'Yun na lang ang sinabi nila at lumabas na sila mula sa room.
Napatingin ako sa humawak sa kamay ko at nakita ko si Jake na kakagising pa lang. Nakita kong nakatingin siya sa'kin na para bang nag-aalala siya.
"Narinig ko 'yung ibang usapan niyo. Impossible naman kung hindi ire-report sa mga pulis na nawawala din 'yung iba." Pagsang-ayon niya sa'min.
"Parang may hindi pa tayo alam tungkol sa closet game na 'yun." Napatingin kaming lahat kay Mikaela nang nagsalita siya.
"Naalala ko 'yung sinabi ng kapatid mo, Mimi. Bago siya umalis para sumunod kanila Sheen." Dugtong niya pa sa'kin.
"Naalala ko rin 'yung sinabi niya. Ang mga mamamatay ay hindi na makakabalik pa sa orihinal nating mundo pati na rin ang mga alala nila."
~ FLASHBACK ~
THIRD PERSON'S POV
Susunod na sana si Kriselda kanila Ren para tumulong nang may naalala siya na dapat niyang sabihin kanila Jiro at Mikaela.
"Tandaan niyo 'to, hinding-hindi na babalik sa orihinal niyong mundo ang mga taong namayapa na dito. Pati na rin ang mga alala nila ay hindi na rin makakabalik pa." Mahabang saad ni Kriselda at tuluyan na siyang umalis.
~ END OF FLASHBACK ~
MIMI'S POV
Hindi na babalik sa orihinal na mundo ang mga taong namayapa na sa mundong 'yun pati na rin an mga alala nila?
'Wag mong sabihin...? Gano'n 'yun? Gano'n ang mangyayari?
END OF BATCH 17
BINABASA MO ANG
Last Batch (Revised Version)
Детектив / ТриллерAkala mo mga ordinaryong estudyante lng sila pero hindi pala. Akala mo lang pala. Tandaan maraming namamatay dahil sa maling akala. Kaya kilalanin mo muna kung sino ba dapat ang iyong pagkatiwalaan. Date Created: August 2014 Date Revised: March 26...