Date Published: July 17, 2019
BATCH 14.
REN'S POV
Kanina pa namin hinihintay bumalik sila Mimi pero hanggang ngayon ay wala pa rin silang dalawa ni Jake. Asan na kaya silang dalawa? Ligtas pa ba sila?
"Nag-aalala na ko sa kanila. Hanggang ngayon ay wala pa rin silang dalawa." Sabi naman ni Mond habang nakatingin sa pintuan.
"Mahirap pa namang walang kasamang mabait na kaluluwa dahil maraming mapaglaro dito. Kung naliligaw sila ay talagang mas magiging delikado sila." Sabi naman ni Alex.
"Asan si Mimi? Asan ang kapatid ko?" Napatingin kami sa nagsalita at nakita ko si Kriselda na tumitingin sa paligid at hinahanap si Mimi.
"Wala pa siya dito. Hindi pa siya bumabalik. May nangyari ba?" Tanong ko naman agad sa kaniya. Napahawak siya sa bandang dibdib niya.
"Kilala ko na kung sino ang pumapatay. Si Jane ang pumapatay." Nagulat kaming lahat sa sinabi niya. Si Jane? Pero bakit?
"Pero bakit?" Tanong ni Mikay sa kaniya. Napahinga siya ng malalim at tumingin sa'kin ng diretsyo.
"No'ng araw ng aksidente, naalala mo ba 'yung nag over-take na sasakyan no'n?" Tumango ako sa kaniya. 'Yun 'yung dahilan kung bakit kami na-aksidente at namatay siya.
"Sila Jane at ang boyfriend niya ang nakasakay sa sasakyan na 'yun. Nakulong ang boyfriend niya dahil sa may namatay sa aksidente at do'n din siya namatay-pinatay." Dugtong niya pa.
"Pinatay?" Tanong naman ni Mond at napa isip. Napatingin siya sa sahig at napapikit.
"Si Axel ang boyfriend niya. Kaibigan namin ni Alex. Taga ibang section siya. Siya 'yung kasama namin laging uminom at mag-yosi." Sabi ni Mond sa'min.
"'Pero 'wag mong sabihing ginawa niya 'to para gumanti?" Tanong ni Mond at napa-iling. May alam ba siya sa mga nangyayari ngayon?
"May galit siya sa inyong lahat. Kay Ren dahil ikaw ang nag pursige na kasuhan si Axel. Si Mond dahil sa hindi siya tinulungan ng tatay niyang mayor. Si Alex dahil iniwan sila sa ere." Mahabang saad ni Kriselda sa'min.
"Si Mikaela dahil ang tingin niya ay isang kriminal si Axel. Si Liza na inaakit si Axel at may nangyari sa kanila. Si Sheen na kumampi sa panig ni Ren." Dugtong pa ni Kriselda.
Pero paano si Mimi at 'yung iba pang hindi namin kilalang tao? Anong kasalanan nila? Bakit nila 'to ginagawa?
"Bakit sila Mimi damay? Wala namang ginawa sa kaniyang masama sla Mimi. 'Yung ibang taong nandito ngayon na pinatay nila? Bakit sila damay?" Tanong ni Sheen.
"Naalala niyo ba ang ritual na ginawa niyo?" Tanong niya at tumango kami. Paano naman namin makakalimutan 'yun? Kailangan namin 'yun para makabalik.
"Nandito kayo sa mundo na gusto ni Jane. Kung saan pwede niya kayong patayin ng walang pumipigil sa kaniya. Sa mundo kung saan makakasama niya ang mahal niya." Paninimula niya sa'min,
"At ito rin ang mundo ni Mimi kung saan ay wasak-wasak at halos katakutan na niya lahat. Kung saan gusto niyang makakilala ng isang tao na tatanggapin siya ng buong-buo kahit na mahina siya o matatakutin." Dugtong niya.
"Anong ibig mong sabihin do'n?" Tanong Mikay. Napahinga namang ng malalim si Mond at napatingin kay Alex.
"Tulad ng sinabi ko kanina na may dalawa tayong principal sa ritual. Ito 'yung mundo na nasa isip ni Mimi habang ginagawa natin 'yung ritual. Kasama niya ang kapatid niya at may taong nandiyan para sa kaniya at tanggap siya." Napatingin kaming lahat kay Alex nang nag salita siya.
BINABASA MO ANG
Last Batch (Revised Version)
Детектив / ТриллерAkala mo mga ordinaryong estudyante lng sila pero hindi pala. Akala mo lang pala. Tandaan maraming namamatay dahil sa maling akala. Kaya kilalanin mo muna kung sino ba dapat ang iyong pagkatiwalaan. Date Created: August 2014 Date Revised: March 26...