Date Published: July 17, 2019
BATCH 11.
REN'S POV
Nandito na kami sa classroom na pinagmulan naming lahat at kinuha na namin lahat ng mga gamit na nandoon na kakailanganin namin para makabalik sa orihinal naming mundo.
"Hindi pa natutunaw 'yung ibang papel." Rinig kong saad ni Mikay. Binasa niya lahat ng mga papel na nandoon.
"Wala na 'yung papel na may pangalan nila Jane, Liza, Sheila, Laureen, Jean at Alex. Ibig sabihin ba no'n ay dahil patay na sila?" Tanong pa niya sa'min.
"Oo. 'Yun ang sabi sa'min kanina. 'Pag namatay ka na ay matutunaw na ang papel kung saan nakasulat ang pangalan ng taong 'yun." Napatingin siya kay Alex at ngumiti si Alex sa kaniya.
"Okay lang, babe. Kasama mo pa rin ako kahit na nakabalik ka na sa orihinal nating mundo." Sabi ni Alex at hinawakan niya si Mikay sa ulo.
"Tara na. Baka hinahantay na tayo ng iba do'n. Pag-aaya ni Jiro at bumalik na kami sa kinalalagyan nila Mond at Gian.
~~
MIMI'S POV
Nagising ako dahil sa naramdaman kong lumulutang ako. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at nagulat ako nang nakita kong binubuhat ako ni Jake.
"J-Jake! I-ibaba mo na ako! O-okay na ko." Nauutal king saad sa kaniya at binaba na niya ako. Doon ko lang nakita na punong-puno ng dugo 'yung suot niyang damit.
"Pinatay ko siya. Dahil kung hindi ko ginawa 'yun, pwedeng patayin niya tayong dalawa." Paliwanag niya. Kinuha ko 'yung panyo ko at pinunasan 'yung mga dugong nasa mukha niya.
"Naiintindihan ko. Ipaliwanag na lang natin sa iba ang nangyari." Sagot ko naman at napangiti siya sa'kin. Napatingin ako sa paligid at nakita kong nasa hallway pa rin kami.
"Hindi pa rin nahahanap 'yung room na pinagmulan niyo?" Tanong ko at tumango siya. Napabuntong hininga naman ako.
"'Yung mata pala no'ng bata? Kamusta? Nakita na niya ba?" Tumango siya bilang sagot at ngumiti sa'kin.
"Buti naman." Napahinga ako ng maluwag dahil sa nalaman ko. Naglakad na ulit kami at nakita kong pumasok siya sa isang room.
"Anong meron diyan, Jake?" Tanong ko at sumilip ako sa loob. Nakita kong isang room 'yun na punong-puno ng gamit at lumapit si Jake sa isang upuan.
May kinuha siyang damit sa loob ng isang bag at nagsimula na siyang maghubad. Iniwas ko agad 'yung paningin ko at hinintay siya sa labas ng room.
"Bakit nandiyan ka lang? Pumasok ka kaya." Rinig kong saad niya. Kahit na hindi ko siya nakikita ay alam kong nakangisi siya. Mas lalo naman akong namula dahil do'n
"H-hindi. D-dito na lang ako." Nautal akong saad sa kaniya at mamaya-maya lang ay lumabas na siya ng room at iba na ang suot niyang damit. May dala na rin siyang bag at hawak na niya ang papel.
"Tara na. Balik na tayo at baka nando'n na silang lahat." Pag-aaya niya at nilagay na niya sa loob ng bag niya 'yung papel.
Nagsimula na kaming maglakad nang may nakita kaming babaeng naglalakad na may hinihilang isa pang babae. Napatingin kami sa isa't isa at sinundan 'yung babae.
Hindi siya 'yung babaeng naka itim at nakaka-curious din kung saan niya dadalhin 'yung hinihila niyang katawan.
Naramdaman kong hinawakan ulit ni Jake 'yung kamay ko at naglakad na kami para sundan pa 'yung babae. Napunta kami sa gym ng school at maraming bangkay ang nandoon.
"Kung umalis na kaya tayo? Delikado dito." Bulong ko at tumango siya. Aatras na sana kami nang biglang may tumulak sa'min mula sa likod kaya nakapasok kami sa loob ng gym.
"Aray!" Napa-upo kami sa sahig at tumingin sa direksyon ng tumulak sa'min at nakita namin 'yung babae na may bitbit na katawan kanina. Hindi pa masyadong magaling ang paa ko kaya nakaramdam ulit ako ng hapdi mula doon.
Nakangiti siya sa'min at may hawak siyang kutsilyo. Gagalaw na sana ako nang hindi ko maigalaw 'yung katawan ko.
Sinubukan ko pang igalaw 'yung bibig ko para magsalita pero hindi ko magawa. Natatakot na ko. Ayoko na dito.
"Ikaw muna 'yung uunahin ko." Sabi niya at tinapat niya sa leeg ko 'yung kutsiylong hawak niya. Napa-iyak na ko mula sa sobrang takot.
Napatingin ako sa direksyon ni Jake at nakita kong sinusubukan niya ring gumalaw pero hindi rin siya makagalaw.
Wala akong pwedeng asahan ngayon kundi ang sarili ko. Kailangan kong iligtas ang sarili ko ngayon ng walang tulong mula sa iba.
Napapikit ako ng mata at nagsimula na kong magdasal. Habang nagdadasal ako ay naramdaman kong nawala na sa bandang leeg ko 'yung kutsilyo kaya napatingin ako at nakita kong lumayo na siya mula sa'kin.
Naigagalaw ko na 'yung buong katawan ko kaya naman sinugod ko 'yung babae at nakipag-agawan ako sa kutsilyo niya.
Umupo ako sa ibabaw niya at pilit na kinukuha 'yung kutsilyong hawak niya at nang nakuha ko na 'yung kutsilyo ay pinagsasaksak ko siya.
"M-mamatay ka na. Tigilan niyo na kami! Hindi din namin ginustong mapunta dito kasama niyo!" Sigaw ko at tinadtad pa siya ng saksak.
Naramdaman kong may humawak sa balikat ko at pilit akong pinatayo. Kinuha niya 'yung kutsilyo na nasa kamay ko.
"Tama na. Ayos na. Alis na tayo dito." Rinig kong bulong niya sa'kin at tinulak niya ko ng mahina para maglakad at umalis na kami sa lugar na 'yun.
~~
Kanina pa kami naglalakad pabalik sa room kung saan namin iniwan sila Mond ng tahimik. Kahit sa'min ay walang nagsasalita.
"Mi, tigil." Napatingin ako sa kaniya nang hinawakan niya ko sa balikat at tinignan niya ang buong katawan ko na pa bang may hinahanap na kung ano.
"Kailangan mong maligo. Hanapan na din kita ng damit na pang palit." Sabi niya sa'kin at hinila niya ko sa isang locker room at nakita ko na ito 'yung locker room ng mga varsity sa swimming.
"Nakita ko lang 'to kaya pinatigil agad kita kanina." Sabi niya pa at tinulak na niya agad ako papasok sa isang shower cubicle.
Wala na kong nagawa kundi ang maghubad at buksan ang shower ay naligo na.
THIRD PERSON'S POV
Habang naliligo si Mimi ay naghahanap na si Jake ng damit na pwedeng ipangpalit ni Mimi sa mga locker na nandoon.
Nang may nakita na siyang isang blouse, underwear at short at agad niyang kinuha 'yun at nilagay sa taas na parte ng pintuan kung saan naliligo si Mimi.
"'Yan 'yung gamitin mo ah." Sabi niya at umupo na siya sa upuan para hinintay matapos si Mimi sa pagligo.
END OF CHAPTER 11.
BINABASA MO ANG
Last Batch (Revised Version)
Mystery / ThrillerAkala mo mga ordinaryong estudyante lng sila pero hindi pala. Akala mo lang pala. Tandaan maraming namamatay dahil sa maling akala. Kaya kilalanin mo muna kung sino ba dapat ang iyong pagkatiwalaan. Date Created: August 2014 Date Revised: March 26...