Date Published: November 29, 2014
Date Re-Published: July 17, 2019BATCH 2.
MIMI'S POV
Asan na kami ngayon?
Lumabas na kaming lahat mula sa cabinet at napatingin sa paligid. Nandito pa rin naman kami sa school namin pero bakit parang may iba?
"Nandito pa rin naman tayo diba?" Tanong naman ni Sheila sa lahat. Narinig ko naman na tumawa si Jane kahit na wala naman talagang nakakatawa.
"Sabi sa inyo, hindi totoo 'tong mga 'to. Usapan lang talaga sila para may ma-curious o kaya naman matakot." Natatawang saad ni Jane sa'ming lahat.
Napahawak ako kay Sheen dahil iba talaga ang pakiramdam ko ngayon. Nandito nga kami sa school pero pakiramdam ko naman may kakaiba dito at delikado.
"'Wag kang mag-alala, Mimi. Nandito lang ako - kami ni Ren." Paniniguro sa'kin ni Sheen habang nakangiti at napatango naman si Ren sa'kin.
"Tara na guys. Wala namang kwenta eh." Pag-aaya ni Mond at naglakad na siya palabas ng classroom. Sumunod naman sila Alex sa kaniya.
"Woah." Rinig kong saad ni Alex pero hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kaniya dahil sa madilim pa rin ang room at naiwan na kaming apat dito nila Jane.
"Wala ba talaga kayo nararamdamang kakaiba sa paligid?" Tanong ko pa sa kanila. Napa iling naman si Jane at sila Sheen naman ay napatingin sa paligid.
"Buksan nga natin 'yung ilaw. Ang dilim eh." Sabi ni Ren at pagkabukas namin ng ilaw ay agad akong sumigaw dahil sa may isang patay na estudyante sa harap ko.
"AAAHHHH!" Napa-upo ako sa sahig at agad naman akong nilapitan nila Sheen at Jane para pakalmahin.
"S-sino 'yan?" Takang tanong naman ni Ren. Hindi namin kilala 'tong taong 'to. At base sa uniform niya ay taga ibang school siya.
"Wait lang. Hindi naman totoo 'tong closet game eh. Baka may nangti-trip lang sa atin diba?" Hindi makapaniwalang saad naman ni Jane.
"Kung may nangti-trip nga sa atin ngayon, hindi magandang biro 'to." Sabi naman ni Sheen. Lumapit naman si Sheen sa bangkay at tinignan ito ng mabuti.
"Parang may sumaksak sa kaniya na kung ano at hindi ko alam kung ano 'yun." Sabi pa niya at napatayo na ko at inilalayan ni Jane. Lumapit kaming dalawa sa may bangkay at may nakatusok nga sa kaniya na hindi ko alam kung ano 'yun.
"May signal ba kayo diyan? Wala akong signal kaya hindi ako makatawag." Sabi ni Ren sa aming tatlo. Kinuha ko agad 'yung phone ko at wala din akong signal.
"Wala din akong signal. Kayo guys?" Sabi ko at napa iling din sila Sheen. Paano na 'yan? Ano na ang gagawin namin ngayon?
"Mag ikot kaya tayo. Hanap tayo ng telepono. O kaya hanapin natin 'yung iba." Suggestion ko sa kanilang tatlo at agad naman silang pumayag.
"'Wag tayong maghihiwalay ah." Sabi ni Jane at naghawak kamay kaming apat para makasiguro na hindi kami magkakahiwalay.
Habang naglalakad ay wala namang pinagbago sa paligid pero may kakaiba nga lang. Nakakatakot naman dito. Hindi na 'to tulad ng dating school na kilala at alam ko.
"Hindi ako makapaniwala na nagkatotoo 'yung game. Akala ko talaga joke-joke lang 'yun." Hindi makapaniwalang saad ni Jane at napahinto.
Napahinto din ako at tinanong si Jane. "Ano meron diyan? May telepono ba diyan?" Tanong ko sa kaniya at umiling siya. Tinuro niya sa'kin 'yung isang kwarto at nanlaki ang mga mata ko nang may nakita akong isang batang babae na tanggal ang isang mata at pinaglalaruan ito.
"AAAAAHHHHH!" Sigaw ko at tumakbo palapit kanila Sheen at Ren na nakatayo sa harap. Niyugyog ko silang dalawa dahil sa sobrang takot.
"Ren! Sheen! Tara na! Alis na tayo dito." Sabi ko sa kanilang dalawa pero parang wala silang naririnig. Napatingin ako sa kanila at agad akong napalayo nang hindi na pala silang dalawa ang hinahawakan ko kundi dalawang lalaki na may dugo sa buong katawan nila.
Parehas silang duguan pero 'yung isa ay may saksak sa bandang ulo niya at 'yung isa naman ay hati ang kalahati ng ulo niya. Tatakbo na sana ako pabalik kay Jane nang nakita kong wala na siya sa pwesto niya kanina.
Kaya naman tumakbo na lang ako kung saan may daanan at naghanap na ng lugar kung saan pwedeng magtago.
~~
SHEEN'S POV
Asan na ko ngayon? Parang kanina lang ay kasama ko sila Ren ah. Bakit ngayon ay ako na lang ang mag-isa? Saka bakit parang ang laki nang pinagbago ng school na 'to? Napatingin ako sa buong paligid at nakita kong nasa loob ako ng clinic ngayon.
"Ren?! Jane! Mi! Asan na kayo?" Sigaw ko. Pero mukha namang ako lang talaga ang nandito ngayon. Lalabas na sana ako mula sa clinic nang may narinig ako na para bang nagta-type sa computer.
Napatingin ako sa direksyon na 'yun at may nakita akong isang babaeng nakaputi at nakaupo sa upuan. Hindi ko makita ko ang mukha niya dahil sa nahaharangan ito ng mga buhok niya.
"Miss?" Pagtawag ko sa kaniya pero mukhang hindi niya ko na rinig dahil patuloy pa rin siya sa pagta-type ng kung ano sa computer niya.
Maglalakad na sana ako palapit sa kaniya nang may naapakan ako kung ano kaya napatingin ako sa sahig at nanlaki ang mga mata ako nang nakita kong isang kamay. Napatingin ulit ako do'n sa babae at nakita ko ay nakatingin na din siya sa'kin at wala siyang kamay.
Agad-agad kong binuksan ang pintuan at tumakbo na paalis mula sa lugar na 'yun at hinanap na ang iba pa.
~~
MIMI'S POV
Nakaupo ako sa sahig ng isang room at nakatago sa tabi ng isang cabinet. Nagtatago ako dahil ayokong makakita ulit ng mga multo. Ano na ba ang nangyari at ganito na ang nakikita namin pagkatapos ng ritual na 'yun?
Akala ko ba ay hindi totoo ang mga ganito? Pero bakit nangyari ito ngayon? Gusto ko ng umalis dito at umuwi na. Ayoko na dito.
Naiiyak na ko dahil sa sobrang takot gusto ko ng makita ang mga kaibigan ko. Ren, Sheen, nasaan na ba kayo ngayon? Natatakot na ko.
Napatingin ako sa taong humawak sa balikat ko at nagulat ako nang nakita ko ang kapatid kong si Kriselda. Pero bakit siya nandito? Matagal na siyang patay.
"A-anong ginagawa mo dito? M-matagal ka ng patay." Naguguluhan kong saad sa kaniya at nginitian niya lang ako. Tumabi siya sa sa'kin at niyakap ako ng mahigpit.
"'Wag kang mag-alala. Nandito lang ako. Hindi ka niya masasaktan. Hindi ko hahayaang saktan ka niya." Seryoso niyang saad. Pero sino ang tinutukoy niya?
"A-anong ibig mong sabihin? Sinong siya?" Takang tanong ko at tinapat niya ang hintuturo niya sa harap ng labi niya na para bang sinasabihan niya kong manahimik muna. May tinuro siya sa likod ko at napatingin ako sa direksyon na tinuro niya.
A-anong? Sino siya?
•••• END OF BATCH 2 ••••
BINABASA MO ANG
Last Batch (Revised Version)
Детектив / ТриллерAkala mo mga ordinaryong estudyante lng sila pero hindi pala. Akala mo lang pala. Tandaan maraming namamatay dahil sa maling akala. Kaya kilalanin mo muna kung sino ba dapat ang iyong pagkatiwalaan. Date Created: August 2014 Date Revised: March 26...