Date Published: July 17, 2019
BATCH 15.
MIMI'S POV
Ayoko talagang gawin ang ritual na 'to. Ayokong mapahamak. Ayokong may mangyaring masama sa'kin dahil natatakot ako.
Hindi naman ako kasing lakas at kasing tapang ni ate Kriselda para ipagpatuloy 'to. Pero may nagsasabi din sa'kin na i-tuloy ko 'to at hindi ko alam kung bakit.
Maraming napasok sa isip ko na nakakatakot na bagay at na-isip ko rin na may taong magliligtas sa'kin at tatanggapin ako kahit na mahina at matatakutin ako.
Habang ginagawa namin ang ritual ay naiisip kong mapupunta kami sa isang lugar kung saan makakasama ko si ate Kriselda.
Nandoon kaming dalawa at ginagawa ang mga bagay na ginagawa namin noon kung saan ay mahina ako at aasang tutulungan ako ni ate at po-protektahan niya.
Ayos lang sa'king mapunta sa isang nakakatakot na lugar basta kasama ko si ate Kriselda at may makikilala akong bagong tao na tatanggap ng buong-buo sa'kin at hindi ako iiwan.
Habang nakapikit ay hinihiling ko lahat ng gusto kong hilingin para maging masaya ako kahit paano, kahit saglit lang ay ayos na sa'kin.
Pinagsama ko ang mga kamay ko at tinapat sa bandang dibdib ko habang hinihiling ang mga 'yon sa isip ko. Sana may mga tao din do'n na magliligtas sa'min 'pag napahamak kaming lahat.
Sana makabalik kami sa orihinal naming mundo kahit na alam kong hindi totoo ang ritual na 'to. Sana ligtas kaming lahat at walang masasaktan mula sa grupo namin.
Napahinga ako ng malalim at ginawa na ang susunod na step na sinabi ni Jane sa'min kanina.
JANE'S POV
Nang nakita kong pumikit silang kahat dahil sa sinabi ko ay napangisi ako. Sisiguraduhin kong magkakatotoo ang ritual na 'to.
Sisiguraduhin kong pagbabayaran nilang lahat ang kasalanang ginawa nila sa'min ni Axel. Hindi ako makakapayag na mamuhay sila ng payapa.
Habang kami ay nagdudusa ni Axel nang dahil sa kanila. Galit na galit akong tumingin sa mga nagkasala sa'min ni Axel.
Pinatay si Axel nang dahil sa kanilang lahat. Nasira ang buhay ko nang dahil sa kanila. Pinatay si Axel habang nasa kulungan pa siya at ako naman ay pina-rape mula sa iba't ibang lalaki dahil sa gusto kong siraan ang ama ni Mond.
No'ng araw ng aksidente ay tumakbo kaming dalawa ni Axel palapit sa ama ni Mond na isang mayor mula sa lugar namin para humingi ng tulong.
Pero sa kasamaang palad ay pinagtabuyan niya kami dahil kami daw ang nagkamali kahit na hindi naman talaga.
Kasalanan nila Ren ang lahat dahil sila nakaharang sa dinaraanan namin sa kalsada kaya kami nag over-take no'n at mabilis din kaming magpatakbo dahil sa nagmamadali kaming pumunta sa mall para mag-date.
Nang napagdesisyonan ng korte na i-kulong si Axel ay pinangako ko sa kaniya na makakalabas siya sa kahit anong paraan.
Kaya sinubukan kong siraan ang mayor ng lugar namin para i-blockmail siya at pakawalan si Axel pero hindi nangyari ang gusto kong mangyari.
Ang ginawang hakbang ng mayor ay pasukin ang bahay na tinitirhan namin ni Axel at pinagtulungan ako ng limang lalaki at ni-rape nila akong lahat.
Kitang-kita ko ang mayor na pumasok sa loob ng bahay at umupo sa sofa ng sala at pinanood kaming mga tauhan niya habang ginagalaw nila ako.
Bini-bidyohan niya kami habang ginagawa 'yun. Wala siyang awa kaya nagtataka ako kung paano namin naging kaibigan si Mond.
Mabait si Mond bilang kaibigan pero ang ama niya ay hindi. Hanggang sa tuluyan na kong nagalit sa buong pamilya ng mayor dahil sa ginawa nila hanggang sa nagalit ako ng tuluyan kay Mond.
Gagamitin niyang pang blockmail ang video na kinuha niya laban sa'kin. Kung sisiraan ko daw siya ulit ay ikakalat niya ang video na 'yon sa social media.
Hindi natapos sa araw na 'yon ang kababuyang ginawa ng mayor sa'kin. Araw-araw ay pinapa-rape niya ko sa iba't ibang tauhan niya hanggang sa magpakamatay ako.
Pero bago kong gawin 'yun ay dadalhin ko muna ang anak niya papunta sa isang lugar kung saan walang makakapigil sa'king patayin siya.
Hiniling ko na ang gusto kong hilingin at doon ko sila papatayin isa-isa at wala akong ititirang buhay mula sa kanila. Makakasama ko rin ang pinakamamahal kong si Axel.
Una kong papatayin ay ang mga mahihina hanggang sa mga malalakas sa'min. Walang makakatakas sa kanilang lahat.
Madali lang naman silang utuin kaya napapunta ko silang lahat ngayon dito at napaniwala ko sila na hindi totoo ang closet game na 'to.
Napatawa ako sa isip ko at tinuloy na ang ritual para magawa ko na ang plano ko na patayin silang lahat sa dinensyon na pinili ko.
•••• END OF CHAPTER 15. ••••

BINABASA MO ANG
Last Batch (Revised Version)
Детектив / ТриллерAkala mo mga ordinaryong estudyante lng sila pero hindi pala. Akala mo lang pala. Tandaan maraming namamatay dahil sa maling akala. Kaya kilalanin mo muna kung sino ba dapat ang iyong pagkatiwalaan. Date Created: August 2014 Date Revised: March 26...