Date Published: July 17, 2019
BATCH 18.
MIMI'S POV
Wag mong sabihin...? Gano'n 'yun? Gano'n ang mangyayari?
"Makakalimutan natin silang lahat? Lahat ng mga namatay-pinatay sa mundong 'yun ay makakalimutan ng lahat." Sabi ko.
Napatingin silang lahat sa direksyon ko at alam kong tulad ko ay 'yun din ang naisip nila.
Napa-iling si Mikaela at nilagay niya sa mga kamay niya ang mukha niya. Narinig ko na rin 'yung mga hikbi niya at agad naman siyang kinomfort ni Jiro.
"Hindi ko pwedeng makalimutan si Alex. Hindi ko kayang makalimutan siya." Naiyak niyang saad sa'min. Napa isip naman ako ng paraan para hindi namin sila makalimutan.
"Bakit kaya hindi natin isulat o gumawa tayo ng video para hindi natin makalimutan lahat ng tao at lahat ng nangyari sa'tin sa mundong 'yun?" Suhestyon naman ni Jake.
"'Yung mga pictures kung saan kasama natin sila ay nando'n pa rin ba sila?" Tanong naman ni Sheen sa lahat.
Kinuha namin lahat ng mga cellphone namin at tinignan kahat ng mga litrato kung nando'n pa ba silang lahat. Nang makumpirma namin na nando'n pa sila ay agad kaming nakahinga ng malalim.
"'Yung iba lang ba ang hindi makakaalala sa kanila?" Tanong naman ni Ren. Sinearch ko sa internet ang tungkol sa closet game.
Habang naghahanap ng mga kasagutan sa closet game ay naramdaman kong nakatingin din si Jake sa phone ko at napatingin ako sa kaniya.
"Sa tingin ko, ang mga taong makakalimot lang sa kanila ay 'yung mga taong hindi natin kasama sa mundong 'yun at hindi tayo." Sabi niya sa'kin.
Napatigil na ko sa paghahanap at napatango na lang sa kaniya. Napatingin ako sa pintuan nang bumukas 'yun at nakita namin ang mga magulang ni Gian.
"Good morning po." Bati naming lahat sa kanilang dalawa at nginitian nila kami.
"Kukunin na namin si Gian at pupunta na kami U.S." Sabi ng tatay ni Gian sa'min at kinarga na nila siya. Bago pa sila tuluyang maka alis ay tinanong sila ni Mond.
"Ma'am, sir, tanong lang po, may kapatid po ba si Gian?" Tanong ni Mond at napatingin sa kaniya 'yung mag asawa. Lahat kami ay naghihintay ng sagot.
"Siya lang ang nag-iisa naming anak. Bakit mo naitanong iho?" Tanong ng nanay ni Gian. Hindi nga nila sila naalala.
"Wala lang po. Kasi nanaginip po kasi siya kanina eh. May tinatawag po siyang ate." Pagpapalusot naman ni Jiro.
"Bakit isa sa mga pinsan niya lang." Sabi naman ulit ng tatay ni Gian. Ngumiti sila sa'min at tuluyan na silang lumabas ng kwarto.
"I think, kailangan natin i-post sa social media 'yung tungkol sa mga nangyari sa'tin sa mundong 'yun. Para naman kung may mga tao na gustong i-try ang game ay mag dalawang isip." Suhestyon ko sa kanila.
"Ang tanong, may maniniwala kaya? Nakita mo naman 'yung do'n sa dalawang pulis kanina." Sagot naman ni Ren.
"Kahit na i-post na lang natin. Kung maniwala sila o hindi ay nasa kanila na 'yun. At least sinabihan natin sila." Sagot ko naman pabalik.
"Para naman kahit paano ay makatulong tayo. Mas okay na rin 'yun kesa naman sa wala talaga tayong ginawa diba?" Sabi naman ni Jiro.
"Sige. Gawin natin 'yan 'pag nakalabas na sila Jake at Mikay mula dito sa ospital." Sagot naman ni Sheen.
~ AFTER ONE MONTH ~
Nandito kami sa bahay ni Mond at nagre-record kami. Nire-record namin lahat ng mga sinasabi namin para naman 'pag nakalimutan namin lahat ng mga nangyari ay meron kaming babalikan para makaalala.
Kinukwento namin lahat ng mga nangyari, kung sino ang mga kasama namin, kung ano ang mga nakita namin at kung ano-ano pa.
Mula nang nakabalik kami dito ay wala na talaga nakakaalala sa mga namatay na kasama namin. Para silang hindi nag e-exist talaga dahil kahit isa ay hindi na sila kilala pwera lang sa'min.
Habang inaalala namin lahat ng mga nangyari ay nagtatawanan kami pero ramdam pa rin ang takot at lungkot dahil sa pagkawala ng mga kaibigan namin at pati na rin sa mga naranasan ng lahat sa mundong 'yun.
~~
Pagkatapos namin gawin lahat ng dapat naming gawin ay nagsimula na kaming umuwi. Sabay kaming dalawa ni Jake.
Nasa iisang subdivision lang naman kami nakatira kaya lagi kaming sabay umuuwi.
Habang naglalakad kami ng tahimik ay napapatingin ako sa kalangitan. Kamusta kaya silang lahat? Ayos lang kaya sila? Nakuha kaya nila 'yung katahimikan? O nando'n pa rin ang mga kaluluwa nila at habang buhay ng mamamalagi do'n.
"Bakit ang tahimik mo ata?" Napatingin ako kay Jake nang nagsalita siya sa tabi ko. Umiling ako sa kaniya at ngumiti na lang.
"Iniisip mo na naman 'yung mga kaibigan mong namatay noh?" Ngumiti na lang ako ng malungkot dahil sa sinabi niya.
"Kung hindi lang sana natin ginawa 'yung game na 'yun, dapat kompleto pa rin tayo." Sabi ko sa kaniya.
"Kasama pa rin namin 'yung mga kabigan namin at ikaw kasama mo pa mga kaibigan mo." Dugtong ko pa sa kaniya.
"Kung hindi natin ginawa 'yung game edi dapat hindi tayo nagkakilala. Hindi ko pinagsisisihan 'yung nangyari dahil nakilala kita." Nakangiting saad niya at napatigil kami sa paglalakad.
"Masaya akong makilala ka kahit na sa isang delikadong lugar pa tayo nagkakilala." Sabi niya sa'kin at hinawakan niya ko sa pisnge.
"Masaya din ako no'ng nakilala kita." Sabi ko rin sa kaniya at mas lalong lumawak 'yung ngiti niya sa'kin.
"I like you. I know that halos isang buwan pa lang tayo nagkakilala but I really like you, Mimi." Seryosong saad niya sa'kin.
Bumilis 'yung tibok ng puso ko at hindi ako naka react agad. Nakita kong unti-unting lumapit ang mukha niya sa mukha ko at nang hahalikan na niya ako ay...
"Ahem. 'Wag kayo dito. Harang kayo eh." Napatingin kami sa direksyon ng nagsalita at nakita namin sila Mikaela, Sheen, Jiro at Ren.
"Maglalandian na nga lang kayo talagang dito pa? Best friend mo ko Mi pero hindi kita kukunsintihin sa ganiyan ah." Panenermon ni Sheen sa'kin.
"Best friend mo rin ako Mi at alam mo 'yan pero 'wag muna. Hindi pa kayo eh." Sabi naman ni Ren. Napatawa na lang si Mikaela dahil sa nangyari.
"Kapag 'yan umiyak ng dahil sa'yo Jake, patay ka sa dalawang 'to." Iling-iling na saad ni Mikaela at naglakad na ulit kami pauwi.
Sana ganito na lang lagi...
END OF BATCH 18.
![](https://img.wattpad.com/cover/21433446-288-k723634.jpg)
BINABASA MO ANG
Last Batch (Revised Version)
Mystery / ThrillerAkala mo mga ordinaryong estudyante lng sila pero hindi pala. Akala mo lang pala. Tandaan maraming namamatay dahil sa maling akala. Kaya kilalanin mo muna kung sino ba dapat ang iyong pagkatiwalaan. Date Created: August 2014 Date Revised: March 26...