18

38.5K 807 41
                                    


CHAPTER 18

My family chose a restaurant kung saan naroon ang ilang kakilala nila. Naroon din ang mga LeFevre, kasama si Don Antonio na talagang kinagulat ko dahil bihira lamang siya magpakita.

"Bakit hindi na lang tayo sa iisang mesa lahat?" ani Don Antonio na kinatuwa naman nila mom and dad.

I felt big. The two most powerful families in our society will have dinner together! Laking gulat ko nang tabihan ako ni Felix. Hindi naman sa hindi iyon ang ineexpect ko, hindi lang siguro ako sanay dahil dati rati ako ang nagpupumilit tumabi kay Marcus.

They talked about business, aktibong aktibo ang magkakapatid, habang ako ay nakikinig lamang. I still need to learn talaga. Buti pa ang LeFevre brothers alam na ang ibang pasikot sikot sa pagpapatakbo ng mga negosyo nila.

Kumakain kami ng desert nang napagpasyahan kong magfacebook muna. I still haven't uploaded a picture. Mamaya na lang siguro. I browsed my newsfeed at nakita ko ang pictrures namin kanina mula sa phone ni Audrey.

Nang natapos ako, ganoon na lamang ang gulat ko dahil may nag-tag sa akin sa isang picture. Kumunot ang noo ko. Hindi ko kasi kakilala iyon. I viewed the photo at nakita ko ang litrato kung saan nakangiti kami. It was taken in the restaurant! Hula ko ay kuha iyon habang nagbibiro si Don Antonio. Agad kong napansin kami ni Felix. I was all smiles while Felix was smiling as he seemed to stare at me. Nanlaki ang mata ko! Gusto kong ipabura iyon kaso baka mas lalong makahalata. Kinalma ko ang sarili ko.

Walang malisya iyon. Sa akin lang talaga may malisya dahil alam kong may nangyayari sa akin at kay Felix. Geez! I need to relax.

"What's that?" halos kumalabog ang puso ko nang pabulong akong tinanong ni Felix. Tinignan ko sila, walang nakapansin. Goodness! Sobrang paranoid ko lang talaga.

"Picture natin," sagot ko sabay pakita ng aking cellphone.

"Well, this looks nice," komento niya. Hindi ata niya napansin na nakatitig siya sa akin doon. Tumango na lang ako bilang sagot. Paranoid lang ako talaga.

"Maura, hija," tawag sa akin ni Don Antonio na nakaagaw ng pansin ko. Umayos ako kagaad ng upo.

"Yes, Don Antonio?"

"I heard you will party after this?" tanong nito. "My boys said you have plans?"

Lumagok ako ng wine bago sumagot. "Opo."

"Boys, you take care of Maura," sabi nito sa kanyang mga anak.

"Of course, ama. Especially that Felix will be with us," ani Theo. Ugh! Ang sarap batukan!

"I'll look after her, tita and tito," tila ba paalam ni Felix sa parents ko. Namula ang pisngi ko.

Humalakhak ng marahan si Don Antonio. "Ah! Ang bunso ko talaga ang nagmana sa akin. What a fine gentleman, kahit siya pa ang mas bata, siya pa talaga ang titingin kay Maura."

Lalo akong pinamulaan ng pisngi. Napansin ko naman ang pag igting ng bagang ni Felix.

"Maura is not that old, ama," tila ba pagpapaalala nito.

"Of course! Two years is just two years. Right, Juanico? Rose?" tanong ni Don Antonio sa mga magulang ko. I looked at my parents, hoping they won't give and awkward answer.

"Just numbers, Antonio," ani dad. Nakahinga akong maluwag dahil doon.

We stayed for like 2 hours. Kainan at kwentuhan ang naganap doon. I felt intimidated by the LeFevre brotehrs, lalo na si Felix na alam ang bawat sagot sa mga tanong na ipinupukol sa kanya ukol sa business nilang siya ang naghahandle.

The LeFevre Mafia (3): Marked by the Last Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon