28

25K 604 92
                                    

IG: m.grys || TWITTER: grysorange  


Everything is a blur. Parehas kaming walang imik ni Felix sa loob ng kanyang sasakyan. Tanging siya at ang isang tauhan niya lamang ang nag-uusap gamit ang cellphone nito. I can see two of his service cars in front and behind us. Agresibo pa rin ang ginagawa nilang pagpapatakbo ng mga sasakyan. Marahil ay naninigurado silang makakalayo kami mula sa pinangyarihan ng gulo. 

Kung gaano ako katahimik, ganoon karami ang tumatakbo sa isip ko.

Why didn't Felix tell me that our place isn't safe anymore? Why did Gregory target me again? Why did Kimberly answer Felix's phone? What happens now?

"We're off to somewhere far and safe. Kimberly already told your parents what happend kaya papunta na rin sila doon," pagbabasag nito sa katahimikang bumabalot sa kanyang sasakyan.

"Saan tayo pupunta?" I managed to ask.

"One of our headquarters. Mas ligtas kayo doon dahil bantay sarado ang lugar.

Hindi na ako muling umimik pa. I was lost for words. Hindi ko pa alam kung ano ang dapat kong sabihin matapos ang lahat. I want to ask him kaso wala akong lakas. 

"You should sleep first, malayo pa tayo," aniya.

Tumango ako bilang sagot at ipinikit ang aking mga mata. He's right. Maybe I should just sleep para makatakas ako sa nakakabinging katahimikan na bumabalot sa aming dalawa.

He's right there waiting for me. He's smiling and reaching out for my hand. I'm ready to give in, ready to give him my world. I smiled back and extended my arm.

But someone blocked my way.

"Here, let me help you," he said as he grabbed my hand.

"Who are you?!" I cried.

He didn't answer. He just looked at me and gave me the same creepy smile.

"Felix!" I called his name. I searched for him but he isn't anywhere. "Felix!"

"Hey, Maura, wake up!" nagising ako bigla dahil sa paggising sa akin ng lalaking nasa panaginip ko.

"Felix!" halos di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ng mga oras na iyon.

Seeing him made me feel happy and relieved but the fear didn't go away. Natatakot pa rin ako.

"Are you okay?" nagaalalang tanong nito.

"I-I'm fine," nalilitong sagot ko. "Nasaan tayo?"

"Zambales," sagot nito.

Dahan dahan akong tumayo habang inaalalayan ako nito. I could feel his warm hands, ang sarap niya sigurong yakapin. I don't understand what holds me back.

"Sila mom and dad?" tanong ko rito.

"Nasa loob na sila. We should go inside and get you settled."


Pagpasok namin sa loob ay bumungad sa akin ang mga magulang ko. They were both in each other's arms. May kung ano akong naramadaman sa nakita ko. Kimberly was beside them. Tila ba ay pinapanood din niya ang mga magulang ko at sa tingin ko ay naramdaman din nito ang naramdaman ko.

"Maura!" mom exclaimed when she saw me. Agad itong lumapit sa akin at niyakap ako. Sumunod din si dad. Both of them kissed my forehead. Mom's face was wet with tears.

"Felix," tawag ni dad. Nilingon ko si Felix at tumango ito sa kanya. Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa makapasok sila sa tingin ko ay isang opisina. Kimberly came with them too.

The LeFevre Mafia (3): Marked by the Last Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon