19

43.3K 932 177
                                    

Comments, please? Nakakatamad kasi, ganern. :( Ang tagal ko rin kasi nawala. Huhuhu


CHAPTER 19

I woke up the following day with a headache... and still naked. I blushed when I remembered what happened. Pero agad din iyon napalitan ng hiya nang naalala ko ang naging reaksyon ko sa patungkol sa nangyari kay Kim.

Wala na si Felix sa tabi ko. Bahagya akong naalerto pero agad ko ring napansin na medyo naka-awang ang pinto. Bumangon ako at nagbihis. Madali lamang akong nagdibihs dahil tanging underwear at isang puting t-shirt lang ni Felix ang isinuot ko. It feels comfy and I have to plans for today kaya susulitin ko na pagiging tamad ko.

Pagkalabas ko ng kwarto, si Felix ang bumungad sa aking paningin. He was on the phone. Nang nakita niya ako ay agad siyang nagpaalam sa kanyang kausap.

"I have to go now... email me the files... okay," aniya sa kausap niya. Pinasadahan ako ng tingin, probably wondering why I was wearing his shirt. Nagtaas ito ng kilay. "I ordered some food, let's eat?" anyaya nito sa akin.

I shrugged. "Who was that? Kimberly?" nakangisi kong tanong.

"What? No! Why would I talk to her?" tanong nito habang umuupo kaming dalawa.

"Well you talked last night," diin ko.

"She wanted to talk," aniya.

"Hinayaan mo naman?"

"What else, Maura?"

"I don't know. Probably, you want more. You might want to take her back," pagkaakusa ko.

"Are you jealous?" tanong niya, bahagya pang umangat ang gilid ng kanyang labi.

"What? No! I'm mad, Felix," pagtatama ko.

"Yea? Mad enough to wear my shirt, huh?" tila ba natutuwa pa niyang sabi,

Namula ang pisngi ko ngunit ininda ko na lamang iyon. "Don't change the topic, Felix. Anong pinag-usapan niyo?"

"Nagkamustahan lang kami, Maura. That's all."

"At kailangan talaga sa bar? Kailangan din na sobrang lapit?" irap kong tanong rito.

"If we talked else where, won't you be mad?" tanong nito na saglit na nakapagpatahimik sa akin.

"I don't want you talking to her," walang kaabog-abog na sabi ko.

"Okay then. I won't talk to her."

Nalaglag ang panga ko. Ganoon na lamang iyon? Because I said I don't want him to talk to Kim, talagang hindi niya na gagawin?

"Can we eat now?" tanong nito na sinagot ko na lamang ng tango.

Ever since that day, we haven't talked about Kim again. He even lets me hold his phone, wala naman akong makita roon. One time I checked his facebook account, hindi siya ganoon ka-aktibo sa social media kaya wala rin akong ibang nakita roon. I regularly check his messages and calls, baka kasi may pangalan si Kim doon na makita ko. Hindi naman siya nagrerekalmo sa ginagawa ko kaya pinagpatuloy ko na lang.

Mostly ay wala siya sa bahay dahil sa training sa pagpapatakbo ng school habang ako naman ay paminsan-minsan lumalabas kapag umaga. I barely go out at night dahil nasa condo na si Felix. We always spend the night together.

Whatever we have, it's been going on for a month now. One month na kasama siya sa iisang lugar. Ano nga ba kami?

"Are you going out tomorrow?" tanong nito habang kumakain kami ng hapunan.

The LeFevre Mafia (3): Marked by the Last Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon