16

36K 712 30
                                    


Regular updates now because gragraduate na ako! Hahahaha. Blowout ko na itong story sa inyo. Thank you guys for reading, kahit slow ang updates for months.



CHAPTER 16

When I woke up, it was already dark. Naramdaman ko ang bigat ng braso ni Felix na nakayakap sa akin, maging ang nangangawit kong leeg dahil sa ang isang braso lamang din ni Felix ang ginawa kong unan. We didn't even sleep on bed, we slept on the floor with nothing but the white sheets.

Dahan dahan kong inalis ang braso ni Felix upang hindi sana siya maistorbo kaya naman ganun na lamang ang pagkabigla ko nang hinigpitan pa nito ang pagkakayakap sa akin.

"I thought you don't cuddle?" sarkastiko kong tanong.

"Uh-hmm..." he murmured. I pouted. "But I can make exemptions," he added.

"How many exemptions did you make na?"

"Just once, just this," sagot nito sabay amoy sa buhok ko.

"Look who is in love with me now," I rolled my eyes, kunwaring hindi kinikilig.

He laughed. "Nope, try again next time," aniya. Agad din tuloy napalitan ng pagka-asar ang kilig ko.

"Whatever, Felix! I am hungry. It's already dark na!" sabi ko rito sabay pilit na alis sa kanyang braso.

"Okay, you cook," aniya.

"You're kidding, right? Kailan pa ako natutong magluto?" tanong ko rito.

"I want a wife that can cook," sabi nito bigla.

"Well, I don't want to be your wife, so, hindi ko kailangan mamroblema,"

"Yea? But you're in love with me," ramdam ko ang pag ngisi nito.

"Ha! Ha! Ha!" sabi ko sabay kurot.

Nang nakabangon na kaming dalawa, umorder na lamang kami ng kakainin. Of course, dahil sigurado akong hindi rin naman niya alam magluto. Ang lakas makapagdemand na gusto niya ng asawa na marunong magluto ha!

Asawa? Wife? Tsk. I don't think I want to be his wife. It doesn't matter if I like or love him, sadyang hindi pa talaga pumapasok sa isip ko 'yang buhay asawa asawa na iyan. Besides, if I get married one day, I won't have to cook because I'd hire a maid, or even a chef for that.

"What time are you taking me home?" basag ko sa katahimikan habang kumakain kaming dalawa.

"You'll sleep here," aniya.

"Wala akong mga damit!" angil ko.

"We can all get your clothes," tila ba walang kaproble-problema niyang sabi.

"Wait, all?" tanong ko.

Tumango tango ito. "I want you to stay here with me," aniya.

I rolled my eyes at him. "Sinabi ko na kanina, I won't stay here! Lalo na may dinala ka na dito. I won't be one of your girls, Felix, na pwede mong dalhin, ikama at iwan anytime you want,"

"Says a girl who loves to play?" ismid nito sa akin.

"Nope, says a Maura Saavedra. Hindi ako ang iniiwan, Felix. You know that. If we'll be on this kind of set up, then do not treat me like your previous girls," seryoso kong sabi.

"Tell me, ano bang set-up natin?" he asked, hindi pa rin nawawala ang ngisi nito sa labi.

"We're two adults playing exclusively for each other. No third parties. Just us,"

The LeFevre Mafia (3): Marked by the Last Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon