✴ The Class 1-B ✴
First class naming ngayon at halos lahat kami ay pagod pa rin sa pamamasyal at paglalaro kahapon. Wala kami sa mood lahat magsalita at parang kulang pa rin kami sa tulog kahit na mahaba haba na ang tulog naming. Kasama na rin namin ngayon ang teacher naming sa chemical combination at papunta na kami sa chemistry building. Doon kasi kumpleto ang mga gamit na gagamitin namin sa pagbuo ng kung ano man na may kinalaman sa chemicals. The laboratory apparatus are there.
Pagdating namin ay wala man lang katao tao. Ginamit namin ang laboratory one dahil 'yun ang available na lab. Nagkatinginan kaming lahat at saka nag-form ng circle. Meron kasing six table na mahahaba pero anim lang ang makakaupo. Tatlo sa kaliwa at tatlo sa kanan. May isa rin namang round table at dahil group activity iyon ay lahat kami doon naupo.
"As you can see, nand'yan na ang material. First, sugar. Pwedeng sucrose at pwede rin namang table sugar. Next is Saltpeter, ito ay may element na potassium nitrate or KNO3 na pwedeng makita sa mga piling pharmacy. Of course, hindi kayo basta basta makakabili nito. Next is skillet or pan. Lastly, ang aluminum foil."
Nagtaas naman ng kamay si Jasmine. "Sir, ano po ba gagawin natin?"
"What do you guys think?" pagbabalik naman ni Sir ng tanong sa amin.
"'Di ba Sir ang Potassium nitrate ay nagca-cause ng pagsabog? Gagawa po ba tayo ng something related sa pagsabog?" tanong ni Kassey.
"Correct," sagot naman ni Sir. "Nag-ca-cause nga s'ya ng pagsabog and yes, it was related to that. Ibang bomba ang gagawin natin." Napasinghap naman kami. "Gagawa tayo ng smoke bomb." Nagkatinginan naman kaming lahat at saka ngumiti. "Alam ko na excited kayo pero gusto ko kayong paalalahanan na kailangan ninyong mag-ingat. Isang pagkakamali lang ay maari na itong maging palpak, naiintindihan ba ninyo?"
"Yes, Sir!"
"Sa mga commercial ang smoke bomb ay merong maliit na butas kung saan doon lalabas ang usok nito at doon sa butas na rin na 'yun ay pwedeng maglagay ng mga dye o kung anong gusto ninyong kulay ng smoke bomb. So, if ready na ang lahat, mag-start na tayo. Please go to your respective locker and wear your laboratory gown, mask, gloves, and eye gear."
Agad naman kaming nagsipuntahan sa mga kani-kaniya naming locker at saka kumuha ng mga protective gear.
"Nae-excite na 'ko," sabi ni Mark.
"Umayos kayo pag sumabog ang smoke bomb na gagawin natin lagot kayo sa 'kin."
"Bomb nga 'di ba, Kassey? Natural, sasabog," natatawa naman na sabi ni Jullia.
Nang makita naman kami ng teacher namin na naka-ayos na ay kaagad naman siyang nagsalita. "Okay, let's start." Lumayo naman si Sir sa amin.
Inisa isa niya ang mga gagawin namin at sinigurado naman namin na bawat isa sa amin ay magkakaroon ng chance na gawin ang pinapagawa ni Sir. Kung hindi kami magkakamali ay hindi magiging failure ang una naming activities at kung magkakamali man kami ay sasabihin din naman sa amin ni Sir na hindi naman lahat nagsa-success sa first try. Alam na namin 'yun.
Sa paglalagay ng potassium nitrate at one cup of sugar ay ako ang gumawa dahil sa ako ang pinaka malapit.Si Jasmine naman ang nagtunaw ng asukal at nagtanggal sa apoy para hindi masunog at talagang nakikinig siya kay Sir dahil nang mag-caramel or chocolate color na ay inalis na niya sa pan ang asukal. Next naman ay ang paglagay sa aluminum foil at pag shape nito na ginawa naman ni Mark pati na rin ang paglagay ng kulay. Nagawa naman namin lahat ng tama kaya lang kinakabahan pa rin ako. Hindi ko alam kung ako lang or lahat kami.
"Gawin n'yo na," sabi ni Sir.
"Ikaw na gumawa, Kassey."
"Baliw ka na ba, Mark? Bakit ako? Ikaw na lang, Jullia."
BINABASA MO ANG
Mint Academy: The school for intelligent
FantasyTHANK YOU @thehappybutsad FOR THE BOOK COVER SET <3 LOVE IT SO MUCH! <3 #4 in Fantasy #3 in Fantasy