Pasensya kung medyo natagalan hahaha marami kasi akong ginagawa. Anyway. Here you go guys.
Ps. Dahil maikli lang to mamaya mag aupdate ulit ako. 😄😂
Enjoy reading...
✴Plan✴
"Paging Class 2-A Verdant Ellipse please go to Head master's office. I repeat, Paging class 2-A Verdant Ellipse please go to Head master's office."
Nasa dorm pa nga lang kami eh pinapatawag na kami.
"Una na kami." sabi ni Aira sa amin at nag nod naman kami.
"Bigyan na lang namin kayo ng notes but I think hindi nyo na ata kailangan yun." pabiro pa ng isa naming classmates at natawa naman kami.
Nang makaalis na sila ay nagready na rin kami para makaalis. Nang lumabas kami sa dorm ay syempre as usual pinagtitinginan na naman kami, medyo sanay na ako.
"Hey." napatingin ako sa gilid ko at nakita ko si Marvin.
"Hey."
"Bakit kayo pinapatawag?" tanong nya at nagkibit balikat naman ako.
"Ewan ko lang. Baka importante kaya pinapaging na lang ni kuya Jared." sagot ko naman.
Napatingin ako sa paligid ng hawakan ni Marvin ang kamay ko. Sheeeet pwede pong pakilamon na ako lupa? Kinikilig ako eh hindi nahihiya!
"Marv?"
"Hmm?"
"Alisin mo kamay mo daming nakatingin oh."
"Oh please Kesh! Wala akong paki sa kanila." sabi nya at tumingin ako sa kanya nakangiti naman sya sakin "At least alam nila na akin ka di ba? At least alam nila kung saan sila lulugar."
Oh please! Aphrodite ano bang klaseng kagandahan ang binigay mo sa lalaking to at hulog na hulog ako hindi lang sa mukha nya?!
"Oh si Kesia kinikilig kuwari lang pokerface." dinig kong sabi ni Min at napatingin sa kanya.
Natawa naman sila Mark at inasar na naman kami. May iilan sa mga student na mukhang hindi ako trip para kay Marvin but sorry sila dahil akin si Marvin at sa kanya lang ako.
CHAROT MALANDI NA AKO!
Pero syempre kung may ayaw meron din namang mga kinikilig na halos di na maalis ang tingin sa amin.
'Goodness akala ko naman rumor lang ang nasa page!'
'Gaga ka totoo yun tingnan mo oh!'
'Dati si Alyana lang at Henry ang main topic ngayon si Akesia at Marvin naman. Oh em gy!'
'god made couple!'
'Correct magaganda at gwapo na mga matatalino pa heck!'
Page? Meron ba nun? Ang alam ko iisa lang ang page ng school and although student ang may hawak nun mga main news naman tungkol sa school ang pinopost doon.
Hindi ko na lang pinansin ang mga bulungan nila na hindi bulungan. Humiwalay sa amin sa hallway si Marvin dahil may pasok sya at kami namin ay sa office ni kuya Jared. Nang makarating kami sa office ni kuya Jared ay agad kaming kumatok.
"Come in."
Pumasok kami at agad namin nakita si kuya Jared at sa harap nya ay isang lalaking pormal na pormal.
"Guys this is Mister Rosalendo Roxas he will be the one who will arrange everything outside the school." sabi ni kuya samin at nag bow kami pero hindi fourty five degree. "Isa rin syang graduate dito sa school at isa din syang verdant ellipse sa class D."
"I'm Henry sir the leader of Research team and this is my deputy Miss Akesia, my secretary Miss Alyana, my information seeker Miss Kassey and the document provider Miss Jullia."
Habang binabanggit ni Henry ang name namin ay nag bow kami ng kaunti para maindicate namin ka kami yun. Pinakilala din ni Arlene ang nasa Mission team at ang mga trabaho nila.
"It's a pleasure to meet the miracle team." sabi naman nya saka nag bow ng kaunti "Lets talk about the meeting tomorrow."
Napanganga naman kami sa sinabi ni Mister Roxas.
"Meeting? What is it about Sir?" tanong ni Henry.
"May meeting kayo bukas para sa isang pinaka malaking hospital sa buong mundo. They will be the number one investors in this project of yours." sabi nya naman at napangaga kami.
"You mean our family's hospital?" taas kilay naman na napatingin kami kay Jasmine.
Oh yeah oo nga pala may lahi pala silang mga doctor and to think that they will take advantage of this?
"Oh yeah the Mendoza." sabi ni Sir.
"We decline." agad na sabi namin ni Henry.
"Hey guys." napatingin naman kami kay kuya Jared "Bakit nyo idedecline?"
"They will brought us nothing but downfall, kuya Jared" kalmado kong sabi "They just want to raise their popularity and then when we cant provide them the benefit they wanted." huminto ako at tumingin kay Jasmine.
"they will destroy us." sabi nya pa.
"Pano nyo nasabi?" napatingin naman kami kay Angie.
Kinuwento namin sa kanila ang nangyari sa amin noong nagbakasyon kami kila Jasmine ng tatlong araw.
"Hindi nga?" tanong ni Mark.
"Mukha ba kaming nagbibiro?"
"Sila hindi pero ikaw oo." agad naman nakaganggap ng batok si Mark kay Kassey.
Tiningnan ko si Kuya Jared at napalunok ng makita ko anh seryoso nyang mukha. Hindi ba sya payag sa naging desisyon namin? Oh well amin naman to kahit na sa kanila pera eh.
"If yan ang gusto nyo then ika-cancel na namin ang appointment sa kanila. Kaya pala sila ang una na nag approach sa amin na mag iinvest sila they have ill-intetion pala." sabi ni Mister Roxas saka bumuntong hininga at nagtype sa tablet nya. "Sino ang gusto nyo isunod?"
Nagkatinginan kami at saka nag nod.
"The Medika de miracle." nakangiti kong sabi.
Kahit di sya ganun kalakihan at kakilala totoong may miracle doon dahil doon ako nailigtas noong bata pa ako sa aksidente. Doon din namin ginamot si mama kaya kahit na parang ewan ang mga doctor gusto pa rin namin silang tulungan.
"Okay then." sabi pa nya at nag type ulit. "Babalitaan ko kayo mamaya kung okay lang sa hospital and also ang mga sikat na reporter ang press. Ang presidents din ng mga iba pang country pupunta and also pakihanda na ang mga sagot sa tanong nila." sabi nya sa amin at nag nod naman kami.
"Kami?" tanong ni Mark.
"Kasama kayo sa kanila. Nasa tabi nila kayo since nasa mission part kayo ng verdant ellipse. The security is within your hands."
"Oh yes!" sigaw nila.
Gustong gusto talaga nila na nasa kanila anh security. Kung sabagay given na sa kanila na marunong mag martial arts dahil sa mission part nga sila. Marunong din sila sa ibang weapon dahil tinuruan sila.
Masaya to.
BINABASA MO ANG
Mint Academy: The school for intelligent
FantasíaTHANK YOU @thehappybutsad FOR THE BOOK COVER SET <3 LOVE IT SO MUCH! <3 #4 in Fantasy #3 in Fantasy