✴Pill auction and dinner with the Presidents✴
After ng press conference ay lumipat kami sa mas secluded area at hindi na rin pwede ang mga camera dito. Although may mga reporter pa rin pero di na naman nila makukuhanan ng picture or marerecord ang lahat ng mangyayari dito. Ending inenerate lang nila ang mga mangyayari dito.
Nakaupo kami sa may stage. Kaming anim at nasa likod naman namin si Mark, Victor at Arlene. Si Ange nasa van la rin at nagmomonitor. As of now wala pa naman syang ibang nakikita bukod doon sa lalaki kanina na part ng Green Organization.
"Mukhang mas magiging payapa pa ata to kesa kanina." bulong sa akin ni Yana.
"Tanungan kasi kanina at marami talaga silang gustong itanong sadyang di lang nila magawa since limitado lang oras." sagot naman ni Henry.
Bwisit tong dalawang to akala ko pa naman ako ang kinausap ni Yana si Henry pala. Assuming ako ayan nasaktan tuloy buti na lang di ako nagsalita dahil kung hindi nakuuu~ pahiya ang handa ko sa dalawang to.
"Gusto mo Yana palit tayo?" tanong ko at umiling naman agad sya "Baka nahihirapan ka kasi kausapin si Henry dahil nakaharang ako." pang aasar ko pa.
"Hoy hindi ah."
Siguro kung kami lang ang tao sa lugar na to baka humalakhak na ako ng sobra dahil sa reaksyon ng babaeng to. Ngumiti lang naman ako at maya maya pa ay umakyat na ang emcee, walang iba kundi si Jonathan.
"Nakakain na ba kayo?" tanong nya.
May pafree food kami dito dahil obviously hindi mga ordinaryo ang mga guess namin. Mga presidential rank ang mga karamihan dito for pates sake!
"Since mukhang busog na ang lahat let's start." sabi ni emcee Jonathan "The minimum is five billion pesos per test tube."
Nakaramdam ako ng excitement at pagkatense dahil sa mga taong mandito. Ramdam na ramdam ko na gusto nila makakuha ng kahit na isa.
"The rules is one test tube per person. Once you already have one you are not allowed to bid anymore. You only have two choice after you acquire the pills its either to leave or to watch." and then may binigay sa kanyang unang maliit na baul. "This is the first test tube Miracle pills the bid starts with five billion, now."
"Seven billion."
"Ten billion"
"Fifteen billion"
"Twenty five billion."
Hindi ko maiwasan na hindi kabahan at hindi mapanganha sa pag bid nila. Parang barya lang sa kanila ang billion billion na pera, hindi ba naghihirap ang mga tao nila sa kanilang bansa? Oo ang iba alam ko maaafford to dahil business woman and man ang iba pero amg presidente? Kahit may nakalaan na isanv pills para sa president ng basan namin ay kailangan nya pa rin makipag participate.
Sorry. Di naman namin kailangan ng pera eh ang kailangan lang namin ay pondo para sa orphanage at rehab na balak namin ipagawa. Balak din namin na gumawa ng malakihang pharmacy para lang sa mga gamot na magagawa ng mga taga Mint Academy.
Hindi man major in science ang mga tao s Mint Academy at least may alam pa rin kami para makatulong sa bansa o sa buong mundo man.
"One hundred billion pesos, any bids higher that one hundred billion pesos?"
Literal na napanganga ako, no, hindi lang ako ang napanganga kundi lahat kami. As in one hundred thousand pesos for this one test tube? Napatingin ako sa mga kasama ko at kahit na sila din ay hindi makapaniwala sa kinalabasan ng bidding.
"Heck di ko alam na ganito ang kalalabasan."
"Hindi mo nakita sa vision mo?" tanong ko kay Henry.
"Hindi. Ang nakita ko lang ay mga business woman at business man lang ang nanalo sa bidding."
BINABASA MO ANG
Mint Academy: The school for intelligent
FantasyTHANK YOU @thehappybutsad FOR THE BOOK COVER SET <3 LOVE IT SO MUCH! <3 #4 in Fantasy #3 in Fantasy