Mint Academy ▒ Chapter three

80K 2.2K 200
                                    

Kung kahapon hindi kami pinagtitinginan, ngayon pinagtitinginan na. Dahil 'yun sa badge na suot naming ngayon. Habang naglalakad ay binibigyan kami ng way para makaraan. Kumpleto kaming Class 1-A ngayon na naglalakad sa hallway papunta sa designated classroom namin. Masyado pa ngang maaga pero marami ng tao sa hallway. Kung paano naman kami nagkaroon ng badge, well, kahapon pagkatapos naming kumain ng dinner at mag-ready matulog ay may biglang kumatok sa pinto naming at pumasok saka kami binigyan ng badge. Magsisilbi raw itong susi naming para makapasok sa lahat ng parte ng school maliban sa mga forbidden area.

"Nakakailang ah." Dinig ko na bulong ni Kassey sa amin.

"Hayaan n'yo na."

"Sus, Mark, gustong gusto mo kasing pinagtitinginan ka ng girls!" pang-aasar naman ni Kassey at saka tumawa nang malakas.

"Akon a naman ang nakita mo Kassey! Tigil tigilan mo nga ako!"

Napailing na lang ako sa dalawang 'to. Lagi naman kasi silang ganyan simula noong pumasok sila dito. Sabi ni Kassey sa 'min hindi na raw talaga maganda ang impresyon n'ya kay Mark. Si Mark? Lintek na tinamaan kay Kassey. Natawa naman ako sa isip ko. Poor Mark.

Marami ng tao sa harap ng classroom naming at sa tingin ko hinihintay nila kami. I mean, kung sino sino ang mga student na napapabilang sa Class 1-A. Dahil sa mga nakaharang sa pinto ay hindi naman kami kaagad nakapasok at nang marnig nila ang pagtikhim ni Mark ay kaagad naman silang napatingin sa amin. Nauna pa nga si Joseph dahil binuksan ang pinto.

"Ladies first," nakangiti niyang sabi sa amin.

Napanginit naman din kami pero 'yung mga tao sa labas halos mapaos na sa kanilang sigawan. Sa totoo lang konti lang kaming mga babae. Dose lang kami at labing walo naman ang mga lalaki. Lamang talaga ang mga lalaki pagdating sa katalinuhan 'yan ang alam ko pero syempre, papahuli ba ang mga babae? Competitive yata kami—I mean, sila. Kahit na 'di ako ganoon kagaling sa academics ipapakita ko pa rin sa kanila kung sino ako pagdating sa activities. Hindi ako pwede na magpatalo. I know na hate ko ang competition pero nandito na ako e, ano pa nga ba ang magagawa ko?

Saktong sakto lang ang bilang ng upuan namin. 'Yun ang akala naming dahil may isang sobra. Napatingin naman kami sa sobra na nasa pinaka likuran kaya naman nagkatinginan kaming mga babae.

"May isa pa ata tayong classmate?" hindi siguradong sabi ni Ange.

"Siguro?" dugtong naman ni Victor.

Nagkatinginan ulit kaming lahat at napatingin sa taong nagbukas ng pinto. Kung siguro hindi ko napigilan ang sarili ko ay nagaya na ako sa mga kasama ko. Ang gwapo n'ya at ang aura n'ya? Nakakatakot, swear! Halata naman na napangiti ang boys nang makita nila ang lalaking pumasok. Kilala nila?

"Henry, sabi na nga ba dito ka e," sabi ni Mark.

So, Henry ang pangalan n'ya?

"Hindi ba halata?" nailing naman na sabi n'ya habang nakangiti kay Mark.

Napatingin naman ako sa mga kasama ko na babae at napailing na lang ako. Tinamaan ang mga loka. Napatingin din ako sa labas at nakita ko na halos matunaw si Henry sa mga tingin nila. As in titig na titig sila kay Henry.

"Um, Henry right?" sabi ko at napatingin naman siya sa akin. "Hoy, umayo kayo 'wag n'yo ko tignan nang masama baka masapak ko kayo. Alam ko na trip n'yo 'yan pero wala akong balak maki-agawan sa inyo. Che!" inis ko na sabi at saka nag-flip hair.

Nakakairita. Paano ba naman sila Alyana gbrae ang tingin sa akin parang kakainin ako.

"One of the boys ka talaga, Kesia!" Sigaw ni Mark at natawa naman ako.

Mint Academy: The school for intelligentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon