Mint Academy ▒ Chapter sixteen

42.9K 1.4K 152
                                    

✴Finding Mysterious Nurse✴

"Naghahallucinate ka lang ata kanina Keshia imposible kasi yang sinasabi mo." Sabi ni Arlene.

Hindi kasi sila naniniwala sa kwento ko sa kanila eh totoo nga yun hindi ako nagbibiro.

"Kakatapos lang namin mag usap ni kuya" napatingin kami kay Julia. "Totoong wala nang ibang nurse dito at si nurse Joy lang daw isang taon at kalahati na to."

"Eh sino yun?" Takang tanong ko.

"Naku Keshia di ba may lagnat ka kanina baka nga hindi mo namalayan na di sya totoo. Or baka mumu yun." Sabi ni Yana.

Bigla naman silang napayakap samantalang ako tiningnan lang sila. Imposible talaga eh na multo yun dahil nahawakan ko sya, mainit ang kamay nya kanina hindi malamig.
"Julia sino ang previous nurse?" Namutla naman si Julia sa tanong ko.

"That explain why." Biglang sabi nya at natakot na tumingin sakin "SI NURSE LICA ANG NAPAGKITA SAYO KANINA." And for the first time in my life biglang nagsitaasan ang balahibo ko. "Nabanggit sakin yan ni kuya bago si Nurse Joy si Nurse Lica muna at talagang matalino ito at maganda pero namatay sya dahil narape sya ng lumabas sya sa academy para pumunta sa burol ng tatay nya. Sabi pa ni kuya sakin na dapat daw successful na sya ngayon dahil may naimbemto itong gamot na pwedeng pamalit sa mga gamot na gaya ng Paracetamol at iba pa."

Bigla namang bumundol ang kaba sa dibdib ko. Nagkatinginan kami at biglang napalunok halata sa mukha naming mga babae ang takot pero pacool naman ang mga lalaki na akala mo wala lang sa kanila.

"Sabi nya sakin na magiging pamalit na raw ang naimbento nyang gamot." Sabi ko at nanlaki naman ang mga mata nila bigla ding namatay ang ilaw.

"WAAAAAAH." Hindi ko alam kung sino ang nayakap ko pero buti na lang may nayakap ako pero bakit parang ang lamig? Bumukas ang ikaw at nang makita ko ang classmates ko parang mawalan ng dugo at nakatingin sa yakap yakap ko.

Halos mahimatay naman ako sa takot dahil kitang kita ko na si Nurse Lica ang yakap yakap ko. Desente naman ang dating nya at nakalab gown pero the fact na patay na sya makes me want to pass out and I did nahimatay nga ako.

Nang iminulat ko ang mata ko nasa kwarto na ako at napahawak ako sa noo ko. Tiningnan ko sila Min at Yana na tulog na tulog nag sikaso na ako at saka lumabas ng kwarto namin. Shet kinikilabutan talaga ako sa nangyari kagabi.

"Oh bakit parang di ka ata nakatulog." Bungad sakin ni Mark.

"Paano ako makakatulog kung nakakita tayo ng multo kagabi?"

"Huh?"

Di ko na sya pinansin at pumunta na sa kusina para tumulong sa paghahanda ng pagkain at nang matapos ay sabay sabay kaming kumain.

"Grabe ang nangyari kagabi" sabi ko at napatingin naman sila sakin.

"Anong nangyari kagabi, Keshia?" Takang tanong ni Yana.

"Huh? Nakalimutan nyo na ba? Magkausap lang tayo kagabi." Sabi ko at kumunot ang noo ko "May multo pa nga na nagpakita sa atin eh."

"Ay naku Keshia sa susunod wag ka na magkakasakit ha? Mas lalo ka atang lumalala." Sabi naman ni Jasmine.

Anong nangyayari? Panaginip lang ba yung kagabi? Hindi ba nila alam ang tungkol dun? At dahil ang boys ang nakatoka ngayon sa paghuhugas ng plato ay agad na akong lumabas ng dorm namin at naglakad papunta sa library, kailangan ko malaman kung sino ang babaeng yun.

"Ma'am" tiningnan ako nang masungit na librarian at saka ko pinakita ang badge ko wala kasing pasok kaya ito ang kailangan ipakita "Saan ko po ba makikita ang mga records nang nagtrabaho at nag aral dito?"

Mint Academy: The school for intelligentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon