Mint Academy ▒ Chapter eight

57.4K 1.8K 158
                                        

EDITED!!!

✴ Gate Problem | Special L ✴ 

"Ikaw ba may gawa nito?"

Nganga.

Tiningnan ko si Marvin dahil baka nagbibiro lang sya sa inaakusa niya sa akin. Nandito rin ang ibang president ng Class A at meron din namang Class B, C at D.

"Magsalita ka!" galit n'ya pang dagdag.

Hindi nga siya nagbibiro. Marahas kong binawi ang braso ko sa pagkakahawak niya at tiningnan siya sa mata ganoon din naman siya sakin.

"Bobo lang ako, Marvin, pero hindi ako kasing sama ng inaakala mo. Kung totoong class A ka bakit 'di mo imbistigahan? Bakit 'di mo muna simulan bago ka manghusga at mang akusa, ha?" inis ko na sambit at parang may nakita naman akong guilt sa mata niya.

"Ikaw lang ang nakita kong napunta dito kahapon," inis niya pang sabi.

"Oh?" Tumaas naman ang kilay ko. "Porque ako lang nakita mo ay ako na aakusahan mo?" I laugh without humor "Seryoso ka na ba niyan? Kaya mo nga ako nakita kagabi 'di ba, kasi 'di ko alam ang lugar na 'to 'di ko alam pasikot sikot dito. Sa tingin mo ang isang gaya ko ang sisira ng gate na 'yan? Tanga lang? Akala ko ba matalino ka?" dagdag ko pa at nagtiim bagang naman siya.

Naramdaman ko'ng maraming tao na sa paligid pero alam ko kung kanino ang mga presensya 'yun. Sa Class 1-A 'yun, sigurado ako.

"Akesia." Marahas naman akong napatingin doon sa babaeng taga Class B. Napalunok naman siya. "Huwag kang mang alala sa gulat lang ata at pagkalito ni Marvin kaya ka nya nasisi."

I laugh again without a sense of humor. "Huwag ako, Marvin. Maaring hindi mo ko pinagkakatiwalaan pero hindi ko magagawa yan!" sambit ko at saka ako umalis.

Hindi ko alam kung saan ako papunta basta ang gusto ko lang sa lugar na walang tao doon sa lugar na walang makakakita sa akin. Napatigil na lang ako sa isang lawa na may statue sa gitna. Statue ng isang napakagandang babae na may kasama pang dalawang babae.

Umupo ako at pinaglaruan ang tubig. Kita ko ang pagpatak ng luha ko sa tubig. Oo ako na bobo, ako na di magaling sa academics, ako na ang naligaw sa school na to pero kahit kelan hinding hindi ko talaga magagawa yun. Napatingin ako sa babaeng nakatayo I mean sa statue at nabasa ko ang nakasulat.

"Ikaw pala si Heres?" I chuckled. "Ang ganda mo pala," sabi ko at tumitig sa kanya. "Promise po talaga, hindi po talaga ako ang sumira ng gate na 'yun."

Naiyak na naman ako. Sino ba naman ang hindi maiiyak? Oo, sanay na akong laitin dahil sa utak ko, pero ang akusahan ako ng ganoon? Hindi pa.

Hindi naman nila ako masisisi na magalit ako dahil sa ginawa nya eh, sa sinabi nya. Hindi ako masamang tao.

Umiyak lang ako nang umiyak doon at hindi ko alam pero feeling ko may nagpapatahan sa akin kaya naman tumahan na ako at tumingin sa gitna ng lawa halos manlaki ang mata ko sa nakita kong lumabas mula roon.

"He-Heres?" di makapaniwalang sambit ko sa pangalan ng nasa harapan ko.

"Hi, ako nga." Mas lalo namang lumaki ang mga mata ko. 'Di ba patay na siya? "Ang katawan ko lang ang namatay, Akesia, pero hindi ang kaluluwa ko. Mananatili pa rin naman akong nandito sa Academy para protektahan ito," nakangiti nyang sabi.

"Pa-paano mo 'ko nakilala?"

"Paano nga ba?" Ngumiti naman siya. "Hmm, siguro dahil special ka?" Ngumiti sya sakin. "Tumahan ka na alam kong hindi talaga ikaw ang gumawa noon at kilala ko naman kung sino yun ang kaso lang hindi ko ito dapat sabihin. Kailagan mong matuklasan iyon Akesia para malinis ang pangalan mo."

Mint Academy: The school for intelligentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon